Dec 18
Andito ako sa Department Store ng SM Megamall ngayon. Pasko na at nagkakaubusan ng stuffed toy. Natatakot ako - baka maiwan akong mag-isa dito sa istante.
Cute naman ako... pero bakit walang gustong bumili saken?
"Ano bang magandang bilhing stuffed toy? Gusto daw nya baboy eh. Wala namang baboy dito!"
"Ayun oh! Andame 'dyan 'di ka maghanap!"
"Ayun, baboy!"
"Oh, yan na lang. May 10% Discount pa. Bilhin mo na."
Dec 21
Nakabalot na ako! Hihi. Narinig ko - ireregalo daw ako para sa Pasko. Excited na ako! Ano kayang itsura ng Mommy ko?
Mabait kaya siya? Cute kaya siya tulad ko?
"Baby, Merry Christmas!"
"Anu 'to, Baby?"
"Regalo ko..."
"WOW! Ang cute!!! Baboy talaga."
Jan 20
Ansarap ng yakap ni Mommy. Tinawag akong "Bubot" ni Daddy. Ang sabi pa nya, ayun daw ang pangalan ko hango kay Mommmy. Ramdam kong mahal na mahal ako ni Mommy'ko! Lagi nya akong tinatabi sa higaan, kinakausap. Masayang masaya ako. Yipee!
Jan 27
Nag-away si Mommy at Daddy. Nasa paanan ako ni Mommy. Hindi nya ako pinapansin. Nagmakaawa si Daddy... Sana magkabati na sila.Ayoko dito sa paanan ni Mommy.
Mar 09
Birthday ni Mommy ngayon! Napakasaya dito sa bahay. Nagpapatawa si Daddy - tumawag si Lola mula Hongkong. Ansaya ng mga ngiti sa labi ni Mommy. Ako kaya? Kelan magbebirthday?
July 15
"Kumusta na si Bubot?"
"Andito katabi ko.."
Answeet talaga ni Daddy. Kahit hindi siya masyadong umuuwi dito sa bahay, naiisip nya pa rin ako.
Aug 08
Kinakausap ako ni Mommy. Umiiyak siya..
May sinasabi siya, 'di ko maintinduhan. Walang paramdam si Daddy.'Di ko sila marinig na nag-uusap.
Aug 30
Aray! Bakit mo 'ko binabalibag Mommy? 'Di mo na ba ako mahal? Arayyyyy ko po. 'Wag Mommy! Bakit ka nagagalit kay Daddy? Mommmmyyy..
Mommyyy..Tama na po!
Sept 05
Mommy? Mommy? Asan ka? Andilim dito..
Puro alikabok!
Natatakot ako..
Natatakot ako..
Mommy..
Daddy?
Emote, guilt, madness, drama, comedy, shit, happiness, loneliness, what else?
Tuesday, October 2, 2012
Tuesday, August 14, 2012
Putol na Pahina
Inipon ko ang mga salita ngunit talagang wala. Ang nais ko lang ay damhin ang kabanata ng bawat himaymay ng sandali. Ang linya ng telepono ang nagsilbing daan ng ating pagkakalayo. Ang mga alaala naman ang nagsilbing gabay upang ikaw ay lumayo.
Gaano na ba katagal? Siyam na buwan. Ang bilis ng panahon at eto na tayo ngayon. Lumuluha ang mata, pati puso ko isinama ko na. Hanggang kailan mo ako tatanggihan? Hindi ako pusong bato, na sa'yo ang puso ko!
Ang sabi mo mas mabuti ito. Bakit ganoon? Hindi mabuti ang pakiramdam ko. Pinipilit mo akong iwasan, ang puso mo naman alam mo kung nasaan. Dapat pa bang ipaliwanag? Pareho naman tayo ng mga pangarap?
Friday, July 27, 2012
RICO YAN: Ang Lalaking Nag-papaalalang Babae Ako
Nagbabrowse ako ng movies ng Cinemalaya ngayong 2012 - napunta kay Coco Martin dahil napansin ko ang pag-iyak niyang wagas sa drama. Napunta rin kay Alessandra na kapartner ni Coco sa movie, "Sta. Nina" hanggang sa 'di ko na namalayan na umiiyak na ako habang nanunuod ng clip ng LAST INTERVIEW ni Rico Yan ilang araw bago siya mamatay.
Eto 'yun oh:
Napakaboring ng araw na 'yun dahil walang palabas sa tv kundi ang paulit-ulit na palabas ni Nora Aunor bawat taon - "HIMALA". Hindi tulad ngayon, ang mga palabas pa noon sa tv ay istrikto sa oras at piling-pili.
Natapos ang katahimikan ng Mahal na Araw nang magkaroon ng "Flash Report" na pumanaw na nga si Rico Yan! Nagmamadali pa ang kapatid ko noon na galing sa lakwatsahan para buksan ang tv. At ibinalita sakin na patay na raw si Rico. Ang akala ko si Rico Puno.
Hindi ko alam kung dahil ayaw kong maniwala at imposible ito dahil bata siya.
Kakabigla.Bumulagta sa aking harapan ang balita ni Karen Davila at kinumpirmang patay na nga si Rico. Kabadong kabado ako at pakiramdam ko, isa ako sa mga kamag-anak na feeling in-denial.
Si Rico Yan ang tanging lalaking crush ko sa tv, wala ng iba. Feeling ko kasi siya lang ang makakapagpalambot sa tigasing tulad ko. Matalino tulad ko(ehem),may sense at alam ang sinasabi, gentleman, palabiro at makulit in a good way, matulungin at loyal! Ayan, lumalabas ang pagiging malandi ko. Sino ba naman kasi ang hindi magkakacrush sa kanya?
Hindi ako fan ng mga teleserye pero nasubaybayan ko ang "Mula sa Puso". Hindi ko malilimutan si Gabriel na ang tambayan eh sa bubong ng bahay nila tapos lalapitan siya ni Aling Magda para ayaing kumain o mag-usap.Sobrang pinahirapn sila ni Selena na kahit sunog na ang mukha at ilang beses ng naaksidente, buhay pa rin!Labis ang pagmamahal ni Gabriel kay Olivia...Hindi rin ako nakapanuod ng "Dahil Mahal na Mahal Kita" pero sobrang nagasgas ang pirated dvd namin ng "Got 2 Believe". Ginagaya ko pa nga dati 'yung line ni Rico 'dun kung saan galit na galit siya kay Claudine dahil sa katigasan ng ulo nito.
Eto 'yun: "Sit... Siiiiiiiit!"
Kakakilig! XD
Sa libing nya, kitang kita ang tunay na pagkatao ni Rico Yan. Nagsulputan ang mga taong natulungan niya na hindi niya ipinangalandakan sa media. Napakabait, gentleman, magalang, masiyahin ang mga halimbawang paulit-ulit na deskripsyon nila kay Rico. Gumagaya sa mga taong tulad nina Cory at Dolphy - bumabaha ang tao sa libingan at sa bilang ng mga nakiramay.Tunay ngang kapag patay ka na, naroon mo malalaman ang tunay na kahulugan ng isang buhay.
Rico Yan... haay. Malungkot man siya o mabigat ang dinadala bago siya kunin ng ating Maykapal, marahil masaya na siya ngayon dahil nakikita nyang maraming nagmahal, nagmamahal sa kanya. Sabi pa sa misa na idinaos sa kanyang libing, "He has known his mission..."
Hindi ako nagbibigay pugay at ipangangalandakang aaminin ang pagkababae ko pero si Rico Yan, nararapat siya para sa paghanga ko. Magse-second year ako sa High School noon at kasalukuyang patay na patay sa varsity ng isa sa mga chinitang volleyball players na school, ngunit ang paghanga ko kay Rico Yan, pumopor-eber. Hanggang ngayon... tsinito, matalino, dimples, maginoo, si RICO! Sabihin mang fan-mail 'tong sinulat ko o isang pang-eegoy lang, o simpleng rant o eulogy ng isang dead kay Rico, wala akong pakialam. Ang gusto ko, pagtanda ko pa, mababasa ko ito at patuloy kong maaalala si Rico Yan.
Sampung taon na ang nakalipas at 'di ko inakalang mag-eemo ako sa harap ng PC at madudugtungan ang blog list ko na ilang linggo na rin inaamag. Salamat, Rico. Dahil sa'yo, naaalala kong babae ako.
Tuesday, June 26, 2012
Si Jollibee, Si Dee at ang Mahiwagang Palabok (Part 2)
|
Monday, June 25, 2012
Si Jollibee, Si Dee at ang Mahiwagang Palabok (Part1)
|
Wednesday, June 6, 2012
KM3: TINIG (Sa Lilim ng Palda ni Adan o Eba)
Kung ikaw ay marunong magsalita, siguraduhing walang busal pati n'ang iyong dila. Ang kamalayang malaya ay gamitin, isatinig mo ang bulong ng damdamin.
Ito ang bukambibig ng isang taong may sapal ang bibig ngunit umaatungal, Kristyanong suwail ngunit nagdarasal, empleyadong propesyonal ngunit may salitang balbal , Pilipinong sawi at 'di imoral.Sa pagkakataong ito hindi lamang ako ang nagsasalita. Nasa panulat ko ang karamihan na nagtatago rin sa lilim ni Eba't Adan. Malay mo, kabilang ka.Hayaan mo at pagkakataon na.Halina't buksan mo ang pinto ng iyong kaluluwa.Iyan minsan ang gamit ng ating mga mata.
Ibubulong ko sainyo ngunit ako'y hindi papayagan. Isisigaw ko sandali ngunit ako'y pagbabawalan. Sa bansang Kristiyanismo ang pinaniniwalaan, ang mga tulad ko'y pinagbabawalan. Si Eba ay kay Adan, si Adan ay kay Eba. May nabanggit bang Ebo at Ada? Siyanga! Wala. Hindi ba? Ngunit walang basurang gawa ng Diyos. Dito tayo magtutuos.
Kung ang gobyerno at simbahan ay parang iisa,maaring walang lugar ang isang tulad kong lesbiyana. Marami kami ngunit iba-iba. Mahal ng Diyos ang nilikhang tao, sinasaklaw na ba kami ng demonyo? Ito ay mali, kayo ang tama-kayo na walang pagmamahal sa kapwa! Pandirihan ninyo kami, kayo ang basahan.Hatulan ninyo kami, kayo ba ang Maykapal?
Ang pagtingin sa kapwa, sana'y pantay-pantay.Ako rin ay Pilipino, kapwa mo. Para saan pa ang trayanggulo ng bandila? Para ba alipustahin ang kapwa?
Bakit tanggap ng mga banyaga ang kabaklaan? Diyata't siksik lamang sila ng unawaan. Ang pambansang batas at Bibliya ay salungat. Di mo alam kung saan ka papangkat. Tayo'ng mga Pilipino ay konserbatibo at likas na Kristiyano ngunit hindi tayo mga bobo at walang modo. Bago kami suriin mauna ka.'Wag kang sumunod sa pila.
Sa pagbitaw ko ng isang komplikadong paksa, laksa-laksang komento ang paparating - may huhusgang pilit, may mangingilala, may walang reaksyon,mayroong sasaya. Ngunit walang saysay ang himig natin kung walang musika.Katulad din ng ugali kung walang ganda. Subukan mong magsalita, malay mo ay marinig ka.

Monday, May 21, 2012
SHIT HAPPENS
"Hon, who's that classmate who shit on his pants when we were in second grade?"
"It was me."
"Oh...!"
This isn't a story of me and my ex-girlfriend breaking up nor the epic love story of my past relationships. It's too common. Well, these things that I am about to tell you aren't unsual as well for it happens everyday.
I don't plan my life. I used to. Waking up wearing the same clothes from yesterday is no ordinary for me. Filthy, huh? It's practical.I wonder if Johnny Depp does it, too. We're look alike. Kidding aside, I don't mind what'll I look like just because everybody is now on trend.I'm a no anti-Bieber fan. I just believe that I speak and think better than the way I dress.Besides, nobody thinks about me as much as i think about myself.But when a corporate job interview comes, shit happens.
Martin Frohm: What would you say if man walked in here with no shirt, and I hired him? What would you say?
Christopher Gardner: He must have had on some really nice pants.
--The Pursuit of Happiness (1994)
I love to be challenged! I'll bet if I'd like to. Life is like a game and I am a player. If it's a dance, I am a dancer. If it's a song, then I am singer.But if I lose, well, shit happens.
Jack: All right, the moment of truth. Somebody's life is about to change. Fabrizio? Niente.
Fabrizio: Niente.
Jack: Olaf? Nothing. Sven? Oh... two pairs. I'm sorry, Fabrizio.
Fabrizio: Que sorry, mavafanculo! You bet all our money!
Jack: I'm sorry, you're not gonna see your mom again for a long time, 'cause we're going to America, full house boys! Wohoo!
--Titanic (1997)
I lie about some things. Who else does not? Please don't misinterpret this one. Nobody tells the truth all the time especially men with girls. Admit it guys. Okay, I admit. Alcohol consumption, business meetings, missed calls, I had to lie about it. I needed to but it doesn't mean that I didn't love that person whom I am being lied to.I believe that one cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today.If I will be caught, this comes my better brain and my risky attitude because shit happens.
Connie Summer: I think this was a mistake.
Paul: There is no such thing as a mistake. There are things you do, and things you don't do.
--Unfaithful (2002)
I often get irritated with others though I'm patient. If I don't want to talk, I won't. If I want, be ready to listen. That's how demanding I am.I am not a pleaser.I didn't try to be one. I usually praise others' works but I don't mind pissing other people off. But this is not all the time.There's a time to speak what's on my mind and a time to stretch my ears to listen. But if I feel disrespected, shit really happens man!
Lt. Jordan O'Neil: [after being brutally beaten during a capture exercise] Master Chief...
Master Chief John Urgayle: Lieutenant, seek life elsewhere.
Lt. Jordan O'Neil (Demi Moore):Suck my d*ck!
[captive members of her team start shouting and chanting Hoo Rar after being silent to the Master Chief]
---G.I. Jane (1997)
Bad surprises come along the way and I hate all kinds of surprises but I am no exception. If I don't know what to do, I seek help - it's not a crime. If I keep on complaining and when shit happens, I gotta improve my perception.
Bumper Sticker Guy: [running after Forrest] Hey man! Hey listen, I was wondering if you might help me. 'Cause I'm in the bumper sticker business and I've been trying to think of a good slogan, and since you've been such a big inspiration to the people around here I thought you might be able to help me jump into - WOAH! Man, you just ran through a big pile of dog shit!
Forrest Gump: It happens.
Bumper Sticker guy: What, shit?
Forrest Gump: Sometimes.
Forrest Gump (1994)
I see black whenever I shut my eyes. I get red when I look for the light.And when shit happens, I open my eyes.How about you? Do you get blind?
Thursday, May 17, 2012
Ang Hirap Maging Mabait
Putang ina mo, gago.
Wala kong ginagawa sa'yo.
Sinusulit mo ang pasensya
Ang gusto mo umbagan ka!
Wala na akong bait sa'yo.
Feeling mo magaling ka?
Nagmamaganda kumbaga
Balik ka sa banga, Ulikba ka!
Parang kang kuto
Gusto kitang tiriisin
Para kang pinto
Sarap mong balibagin!
Nananahimik ako rito
Panibagong tao sana ako
Daig mo pa ang demonyo
Kasamaan ko inilabas mo.
Hihirit ka pa? Subukan mo.
Magtawag ka pa, sige go!
Lakad mo mamaya?Paatras.
Betlog mo? Iyo nang ilanggas!
Ayaw ko ng ganitong laban
ala Mon Tulfo ang bugbugan
Pero maangas ka, sige tira!
Umilag ka sa kin, yawa ka.
Tanggapin mo ang mga salita
Patatamain ko parang pana
Di ikaw si Ben Tambling
Pero kaya kitang patambling-in!
Tumitirada, umeeksena
Gusto kong itakin ka
Iuntog ka sa pader
Sipain ka hanggang Baler!
Akala mo nagbibiro ako?
Puta ka, hindi ako kalbo
Tumingin ka sa likod mo
Sumunod nga, Bobo!
Titigil na ako kakasalita
Idadaan ko naman sa gawa
Kanina ka pa nakatingin
Lagot ka ngayon sa akin.
Wednesday, May 16, 2012
As Little As Big Questions; As Great As Dumb Answers
Who are you?
Please do not ask me who.
Are you true?
As good as you.
How have you been here?
Since then, before you were.
Have I met you before?
You knew. Screw you!
Are you mad at me?
How can I be?
They said I'm bad.
Who else is not?
I have a lot of questions.
Tell me them not.
Are you willing to listen?
Here's my ear, I can bear!
You are so kind.
Nah,I'm not just blind.
Sigh! What should I do?
Try me and you can go.
How can that be?
Just whisper it to me.
It's hard for me to trust.
I didn't push you in a rush.
I am getting tired.
Why? you aren't fired.
I know but it's not that!
Then why are thou getting mad?
Oh, I am sorry I am not.
It's alright, I knew you are bright.
I am getting curious.
You knew I am serious!
But why...
Who am I?
My heart beats faster.
You're just knowing me deeper.
I can't help but smile.
I can make it for a while.
Really? Then make me!
Seek for me.You'll see.
How can I see you?
You do not need to.
It is getting hard.
Why? haven't you start?
Alright, I will.
Be ready with your skill.
Please lead me.
I knew where you should be.
Don't you feel ashamed?
I take away all the blame.
Why me?
Because I see.
You haven't answered yet!
You knew the answer, I bet!
Ok, so are we done?
Remain. It shall be done.
I accept with no regret.
Good. We'll change the mood.
I shall bid my "Good-bye."
I will always say, "Hi."
It's fine with me, set me free.
It's all set.You will get.
Thanks for your time.
This is better than mime.
Friday, May 11, 2012
SE 58 - Day 3
Natagpuan ko ang sarili kong nakapikit sa tahimik na silid ng seminar hall - hubad. Walang alinlangan, ipinakita ko ang aking sarili - lantay sa kaibuturan ng pagiging isang tao.
Puso sa Espiritu, isip sa gunita, kamalayan sa katotohanan. Walang ibang kaluluwa sa aking tabi at nagmumuni-muni sa aking pag-iisa. Ako'y hubad - isang makasalanan. Taimtim at pikit na pikit kong nadarama ang katahimikan at kadalisayan ng paligid.Kinausap ko ang Diyos at umusal ng mahabang panalanging alam kong Siya at ako lamang ang nakakaintindi.
"Panginoon...
Humihingi ako ng pang-unawa na hindi kayang ibigay ng isang mortal na lalang sa lupa. Humihingi ako ng patnubay na hindi maaring ipagkaloob ng isang nagpapanggap."
Nagsusumigaw ang mga dasal ng pasasalamat na nagmumula sa nahihimlay kong damdamin.Pinigilan ko ang luhang maaring pumatak, hinigpitan ko ang limitasyon ng aking bait, inilagak ko ang mortal kong karunungan sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan at alam kong sa aking gunita ako'y isang bagong taong malaya sa temtasyon ng mga demonyo sapagkat ako ay mahina ngunit may malakas na Panginoon.
At ako'y muling magkakasala...
Ako'y muling lalapit at ako'y patatawarin.
Ako'y magsusuot ng maskara ngunit hindi maikubli ang aking sarili sa paningin Niya.
Uusal ako ng dasal at maniniwalang ang Panginoon ay mapagpatawad sa mga makasalanan. Hindi ako magtataka, hindi ako muling magtatanong.
Lilisan ako sa lugar na iyon ng walang pagkukunwari. Tatanggalin ko ang bahid, lilinisin ko ang dumi, ipagpapatuloy ko ang pagiging tao.Subalit baon ko ang alaala - ang apoy at bugso ng damdaming ako ay isang Kristyano.
"Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito:
hindi rin sa ako'y ganap na, ngunit sinisikap kong maisakatuparan ang layunin ni Kristo Hesus nang tawagin Niya ako." Filipos 3,12
***Alay ko sa mga dumalo ng SE 58
Thursday, May 3, 2012
SE 58 - Day 2
Day 2
"ANTAGAL ng BREAKFAST!"
Ang mga linyang yan ang nasa isip ko habang nagyoyosi. Kampante ako sa sariwang hangin habang tinitingnan ko ang paligid na iyon sa isang lugar sa DASMARIÑAS, Cavite.
"Beks! w8 'ko jan sa baba. Gcng na rin ako."
Text message 'yun ng workmate kong bakla. At dahil "workmate ako ng workmate", itago na lang natin siya sa pangalang "Beks." Wala pa ring text si GF kaya pakiramdam ko, a-attitude ako ngayong buong araw.
Naubos ang yosi ko. At andaming idle moments ng sinusulat ko ngayon.
Fast forward.
Pagpasok namin sa seminar hall, me numero ang bawat silya at daig pa ang elementary sa seating arrangement. HINDI KAMI TABI NI BEKS at hindi ako ready sa mga bagong kakilala! Dahil sanay ako sa "cheating arrangement," pinagpalit ko ang upuan ko at itinabi kay Beks.
"Beks! Anu ka ba? Um-aattitude ka na naman. Ibalik mo 'yang upuan mo at baka mapagalitan tayo!"
"Wala akong pakialam!"
Nilapitan ako ng isang organizer at pinabalik sa upuan. Walang bearing ang pagiging ma-attitude ko ng araw na 'yun sa kanya dahil nakunsensya rin akong hindi siya pagbigyan. Mukhang chicks pa naman.
Nagkaroon ako ng kagrupo na hindi ko rin pinapansin. Ang tawag sa grupo namen eh "JOSEPH" na hango sa mga tribo ng ISRAEL. Tulad ng mga tao sa pagpapakilala, iba-iba rin ang karakter ng mga tao sa grupo ko. Holy cow! Ka-grupo ko ang taong pagpapakilala pa lang, nagsabi na ng buong buhay nya at 'yung isang talentado na magaling kumanta.
Nag-sharing sila. Sa sharing pa lang pinakilala ko na ang sarili kong ayaw ko silang makilala. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa'ken pero alam ko sa sarili kong wala akong suot na maskara. Ayokong magpakabait kunwari ng tatlong araw para lang sa retreat tapos balik sa dati pagkatapos.
LUNCH TIME.
Masarap ang soup at ulam. Sa haba ng pagkakaupo ko sa monoblock chair, ang pagkain ang isa sa mga bagay na talagang pinakahihintay kong i-announce. Kumukuha na ako ng kanin nang...
"Dasal muna tayo?" Sabi ng kagrupo kong sumulat kay Ate Charo ng MMK.
Hindi ako sumabay sa dasal pero huminto ako ng pagkuha. Sa isip-isip ko, "plastik ne'to."
Napatunayan kong 'di naman talaga nila gawaing magdasal dahil nung dinner at kinaumagahan, wala ng nagdasal bago kumain. At natuwa naman ako dahil hindi ko na sila kailangang hintayin.
Nakakaantok ang hapon. Air-conditoned pa ang room kaya naman talagang pwede kang managinip habang gising. Isama mo pa ang mga "sharer" at mahahabang "talks" na ang galing magpatullog. Maganda pa naman sana ang message. Nagmistulang sketch pad ko ang notebook na binigay samen nang matapos ang mahabang oras. Master piece ko ang Angry Bird na dinrawing ko sa envelope. Hindi na sapat ang isang direksyon ng pag-upo sa silya dahil kakalyuhin na ang tumbong ko. Nakatulog ata ako sa upuan ng 5mins nang biglang kakain na ulit.
"Aba! Ayos ah. Patabaing oso."
Pagkatapos kumain, umakyat ako sa kwarto upang pasingawin ang paa kong maasim. Nagtsinelas ako! Now I know -- pasingawin muna ang paa kung pwede. Maasim pa rin kaya't naghugas ako ng paa. Sa isip-isip ko, mapapasma ako lalo ne'to.
Ang akala ko, tapos na ang mga pakikinig ngunit mali ako! Inabot ulit kame ng hanggang alas
diyes. At dahil 2-3 oras lang ang tulog ko, wala na akong energy at hindi na ako naeexcite kumain. Ang gusto ko na lang gawin ay mahiga at matulog.
Sa Wakas! Pwede ng matulog.
Pagkalabas ng seminar hall, bumungad samen ang mga kandila sa labas at ang mga chicks na me dalang puting rosas. Nag-agawan pa sila ng bigay sa'ken. Totoo!
Astig ng kantahan dahil violin ang instrumento ng banda habang tugtog ang "HARANA" ng Parokya ni Edgar. Nabuhayan ako ng dugo dahil may musika, pagkain at oras na para tumalon-talon.
Nakisabay ako sa tugtugan. Sumalo ako sa kantahan. Tumikim ako sa kainan. Pero wala pa rin akong kaibigan. Autistic mode pa rin. Yumosi lang ako tapos, umakyat na rin.
Wala akong baong damit pantulog kaya naghubad lang ako ng pants, itinira ang boxers at t-shirt sabay bulagta sa kama. Nagtalukbong ng kumot, umusal ng dasal na nakasanayan ko na at ipinikit ko ang aking mga mata. Paggising ko bukas, umaga na.
Itutuloy...

Tuesday, May 1, 2012
SE 58
Day 1
Matagal na akong niyayaya ng "babe" ko sa retreat ng religious group kung saan kunwari raw aktibo siya. February niya pa ako niyaya pero dahil busy sa trabaho, hindi ako maka-attend. Nagkaroon kame ng "LQ" noong pangalawang yaya niya kaya umabot ang
paghihintay ng retreat ng tatlong buwan. Hanggang sa ayun, pwedeng-pwede na ako magretreat! naisip ko agad...
"Andameng CHICKS nito!" Biro lang.
Sa kotse pa lang excited na ako. Medyo badtrip lang dahil nagselos ang GF ko kay Cristine Reyes. NAKIPAGBREAK SIYA SA'KEN.Pero sabi ko sa sarili ko, wala dapat distraction! FOCUS kay LORD! Ayun oh. Napakaganda ng mood ko at naha-hyper ako kahit gutom.
Dasmarinas, Cavite.
Pumasok kame sa conference room. Me bandang tumutugtog, maingay, parang masaya naman.Pinaupo kame sa sa mga monoblock chairs na nakapaikot. Kumanta ang sponsoring class ng "Welcome to the Family" with matching hand gestures habang nakaharap sa mga
attendees ng retreat. Pinagtatawanan namin ng workmate ko 'yung nasa tapat namen kasi di yata nakapagpractice.PERO SIYEMPRE, DISCREET LANG. Bulungan lang kame tapos HAHA.
After ng kanta nila, nagpakilala ang emcee at kelangang magpakialala rin ang bawat candidate for retreat. Pero kakaiba ito dahil kelangan mo raw sabihin ang mga sumusunod:
Pangalan:
Trabaho:
Kumpletuhin ang mga salitang: "I want to be remembered as..."
Oh diba? Slumbook.
Maraming bumida sa pagpapakilala. Merong hawig ni Bugoy na "mowdel" daw.(Sabi ng workmate ko Safeguard minomodel nya- kamay lang ang kita) Merong pagpapakilala pa lang, sinabi na agad 'yung buong buhay nya kung bakit siya nagreretreat. Merong naiyak na.
Merong kumanta at nagpakita ng talento. Merong nag"knock" Knock" at bumenta ang joke. Merong pa-tweetums at tipongartistahin. Maraming beki at me mga tagong shivoli.Merong rich kid, me galing probinsya. Meron ding psychotic at mahilig sa anime at porn. Merong mga manang at malapit talaga sa Diyos.Merong nabansagang "Tiger Lily" dahil sa mala-tigre nyang shawl at gown. Merong Matitigas pero bandang huli, lumambot din. Merong Merong mahiyain daw at ang tanging kasiyahan eh mang-okray ng mga candidate. Ehem.
Ngayon alam nyo na kung bakit kelangan ko ng retreat? Kita pa lang unang araw na.
Natapos ang retreat na wala akong nakilala kahit isa. Nawala ang lahat ng excitement ko dahil sa kadahilanang Diyos lang ang may alam. WTF! Late na ako pumasok ng assigned room ko dahil nagyosi pa kame ng workmate ko bukod sa worried ako sa maasim kong paa na baka maamoy ng mga kasama ko sa kwarto. Mahirap itago ang kaasiman ng paa ko lalo na at nagsusumigaw ito!
Alas sais ng umaga ang call time. Ala una ako nahiga. Time check: Alas-tres. Dahilan ba ito ng panlalait ko kanina o nasanay lang ako sa oras ng trabaho kong pang-gabi?Early bird si Imot dahil umiiwas ako sa mga kasamahan ko sa kwarto. Hindi ko alam kung dahil sa paa ko o dahil um-aatittude ako.
Wala pang ring ang bell, nauna na akong bumangon sa higaan. Puyat ako sa katitig sa puting kisame at pakikinig sa mga kanta ng RAKENROL music na nasa cp ko.
"NAKNANG!"
Ginulantang ako katotohanang wala nga pala akong shampoo pero mabait ang Diyos kayat nagningning sa mga mata ko ang shampoo ng roomate ko na nakapatong sa ibaba ng shower. EHEHE. Hindi ko kilala ang shampoo nya pero imported. Nahiya na nga akong gamitin ang conditioner kaya antigas ng buhok ko. (Naisip ko kapag imported lagi talagang me kasamang conditoner kasi matigas a buhok 'yung shampoong imported o sinadya para kasama sa bibilhin 'yung conditioner.)
Um-exit ako sa kwaro at nakita kong naghihintay na ang mga roomate kong halatang imbyerna dahil antagal ko sa banyo.
Umaga na, tinext ko si GF,walang reply. Pupuntahan ko sana ang workmate ko pero nagbago isip ko. Yosi muna, tingin sa langit, langhap ng sariwang hangin...
Itutuloy...
Wednesday, April 18, 2012
Mahirap maging NPA -No Permanent Address
Nabulabog ang momentum ko sa trabaho nang makatanggap ako ng text message mula sa syota ng tropa ko na tinutuluyan ko.
"kung ok lng wag ilabas pasok ang sapatos sa loob ng bhay tnx..."
Nagflashback saken ang pag-akyat-baba ko sa hagdan habang suot ko ang maingay kong sapatos. Napaisip ako kung madumi ba ang sapatos ko o naghahanap lang siya ng butas saken dahil ayaw nyang nasa bahay ako. OO, ganyan ako kasama mag-isip. Hindi kasi kame magkasundo simula nung nalaman nyang kasabwat ako ng tropa ko sa pagtatago ng lihim na me kabit si tropa.
Mahirap talaga makisama. Well, para saken, mahirap kasi sanay din akong mag-isa. Ang gusto ko, sa kwarto lang para magpahinga pagkatapos ng pakikipagbuno sa kagustuhang magtrabaho. Minsan nga naiisip ko:
"Ako ba talaga ang may problema o nagkakataon lang talaga?"
Minsan na rin akong umalis sa apartment ko sa Makati. Kasama ko dati 'yung mga tropa ko nung elementary. Ang kaso, nakasamaan ko ng loob 'yung kapatid ng tropa ko. Ang masaklap, dahil ito sa paglilinis ng bahay na talagang hindi ko kinahiligan. Aminado ako na pwede mo 'kong tawaging "Juan" kung gusto mo.
Hanggang sa nagkapatung-patong ang sita. Umalis ako ng apartment at eto na nga, andito na ko sa tropa ko. Ang problema naman, nadamay ako sa gulo.
Since kailangan kong magtipid, hindi pa ako makaalis. Sa halagang P900, meron na akong malaking kwarto, libreng wi-fi, kuryente at unlimited na rasyon ng tubig. Kasama na run ang gym equipment, libreng panunuod ng tv na may kasamang cable, pakikinig ng radyo, paggamit ng washing machine at syempre, pwedeng magdala ng chicks anytime!Pero hindi ako nagdadala maliban sa nag-iisang chicks sa buhay ko ngayon.
Sabihin nyo nga? Paano ko aalisan ang mga ito sa hirap ng buhay ngayon?
So ang nangyari, dedma muna ang napapanis kong laway dahil hindi kame nag-uusap ng syota ni tropa kahit na magkakasama kame sa iisang bahay. Tiisan ng pakikisama at pakapalan ng mukha dahil sa sabwatang nangyari.Patuloy lang ang pagtira sa bahay ng tropa, paggamit ng umlimited tubig, pagdadala ng chicks.Balang-araw baba rin ang cost of living sa Pinas at makakahanap din ako ng pwede sa budget.Tatanggalin na natin ang "NO" sa No Permanent Address...
Wednesday, April 11, 2012
IMOT - Isip, Musika, Oyot, Toma: Hindi ko GF si Cristine Reyes
IMOT - Isip, Musika, Oyot, Toma: Hindi ko GF si Cristine Reyes: May girlfriend ako si Roxanne Soria . Hindi ko GF si CRISTINE REYES . Halos mahimatay lang naman ako nung nakita ko siya. In short , w...
Monday, April 9, 2012
Hindi ko GF si Cristine Reyes
May girlfriend ako si Roxanne Soria.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Halos mahimatay lang naman ako nung nakita ko siya.In short, wala siyang epekto sa'ken.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Wala akong time sa kanya. On the way nga ako sa taping nya, mahilig lang ako sa pagtatravel. Ayun lang 'yun, wag ka ngang malisyosa.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Wala akong hilig sa chinita,maputi, seksi,pwede! WALA. Allergic ako run.Eew.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Ayaw na ayaw ko sa taong magaling na umarte sa kamera, me talent pa sa pagkanta! Eh ganun si CRISTINE REYES, alam na!
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Itetext ko siya mamayang hindi ko nga siya GF. Pero Actually, wala nga pala akong number nya.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Never ko siyang naisip, kaya tinititigan ko na lang ang picture nya. O bakit? Masama tumitig?
Mahilig ako sa labanan ng titigan. Walang basagan ng trip!
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Miss ko na si CRISTINE...Cristine Fermin, 'yung kapit-bahay namin.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Mabango siya talaga.Mas sanay ako sa amoy ko, sori.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Admitted bad girl siya, admitted naman din ako. Basta admitted kameng dalawa.
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Totoong tao siya, hayuf ako.Hindi ako umaasa ha! Tsaka, ayoko sa showbizlandia. Masaya na ako sa blogosphera!
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
At hindi ako BF ni ARA CRISTINE PASCUAL KLENK. Hindi ko siya kilala, Obvious naman diba?
Hindi ko GF si CRISTINE REYES.
Pantasya ko siya...
Oh Ayan, umamin na.
'Wag kang magagalit Roxanne Soria, ha? Mahal kita.
***Inspired by the song "GF ko si Cristine Reyes." Eto 'yun. Gawa ni Dave Aguila

Subscribe to:
Posts (Atom)