Monday, January 3, 2011

Bachelor of Science in Accountancy

“Bachelor of Science in Accountancy,” maangas pakinggan,hindi ba?

Nauso sa hayskul ang tanungan ng kurso pagkatapos na pagkatapos ng
graduation. Payabangan. ‘Pag hindi pang-Einstein ang kurso mo, hindi na inaalam
kung ano ba ‘yung kurso na ‘yon basta ang importante narinig nya na may kurso kang kinukuha.

At buti na lang, pwedeng ipagmayabang ang kursong kinuha ko sa kolehiyo. Diyan tayo bumibida kapag lumalabas ang yabangan. Pero kung tatanungin ako tungkol dito, wala akong maisagot na magpapatunay na ito talaga ang pinagbubunuan ko ng apat na taon o higit pa. Dahil ang maging mangmang sa kursong pinili mo ay ang pinakanakakaawang desisyon na pwede mong pagsisihan.

Magulo ang utak ko noong hayskul kahit hanggang ngayon. Maaari mo itong maihalintulad sa
Ayos ng kwarto mo. Noong nasa ikalawang baitang ako sa mataas na paaralan, ginusto kong maging nurse.
Ayun din ang sinuhestiyon ng nanay ko dahil maganda raw ang damit ng mga nurse ngunit sinupla ko
‘yon at sinabing “DI KO KAYANG MAGLAKAD habang MADAMING TILAMSIK NG PUTIK SA pwitan ko.” Hindi ko alam pero nandidiri ako sa sobarang puting damit. Pakiramdam ko eh hindi ako makakahinga at makakagalaw kapag puting-puti ang suot ko. At ayokong mamatay sa suffocation.

Dahil magtatapos na ang taon at kailangan kong bisitahin ang posibleng tahanan ko sa kolehiyo,
Sumama ako sa klasmeyt ko sa pagkuha ng entrance exams sa isang kilalang unibersidad kung saan nag-taping ang “1 More Chance.” Nursing at Fine Arts ang kursong napili kong ilagay. Malawak at mukhang mabango ang paligid ng skul pero walang tatalo sa amoy ng mga estudyante at tao rito--amoy pera. Inamoy ko ang sarili ko at nadismayang malapit na akong mag-amoy tinapay—putok.

Magdadalawang oras ng napapanis ang laway ko nang makakita ako ng 2 babaeng naliligaw. Napag-usapan ang CAT. Nakita kasi namin ang mga kadete sa malawak na field. Nagpayabangan sila kung anong mga ranggo ang meron sila.

“Nag-COCC ka ba?”
“Oo. Ex-O nga ako eh.(Hindi mo na itatanong)”

Silang dalawa ‘yun, ayokong sumingit.

“Ang galing mo naman!(Pero mas magaling ako.)”
“Ikaw? May ranggo ka ba?(hehe.)”
“Captain.(Kala mo ha!)”

Napansin ata nilang katabi ko lang sila at nananahimik lang ako habang nginangatngat ang kuko ko.

“Ikaw? Nag-COCC ka rin ba?(Kunwari interesado)”
“Oo, ansaya nga eh.(Masaya talaga, pramis.)”
“May ranggo ka ba?(Chura.)”
“Oo. (Chura mo rin.)”
“ANO?( tagal.)”
:”MS5.”
“Ano ‘yun?(Never Heard!)”
“Major Sierra 5. (Bukas luluhod ang mga TALA!)”
“MAJOR ka pala! Galing mu naman!(Tablado pero di pinahalata.)”
“Hehe.(Ako ang nagwagi.)”


Nagkahiwalay kami at nalimutan ko na kung sino sila pero maswerte dahil naisama ko sila sa librong ito.


Noong bata pa ako, ginusto ko namang maging abogado at mag-aral sa UP. Ang sabi ng nanay ko ay galingan ko raw dahil matatalino ang mga nag-aaral sa UP at pwede akong makakuha ng scholarship.
Nagningning pa ata ang mga mata ko noon na sinabi kong, “Sige, Ma! Makapasa kaya ako run?”
Sa awa ng Diyos, hindi ako nakapag-take ng exams dahil sa late ang mga requirements ko.

Bago ang graduation, may mga pumuntang speaker sa school para ibenta ang mga eskwelahang pinagtatrabahuhan nila. SUPER SALES TALK. At nakumbinse akong kumuha ng Psychology at gusto kong mag master ng pagbubukas ng THIRD_EYE at kausapin ang mga espiritu tuloy sa pagdiskubre ng PARANORMAL ACTIVITIES. Walang nakakaalam noon bukod sa inyo. Sinabi ko sa nanay ko ang Psychology at sabihan akong, “Tumigil ka. Masisiraan ka ng bait doon.” Hindi ako naniwala sapagkat kahit hindi ako nag-Psychology ngayon, hindi naman siguro halata.


Marso na ng napagtanto kong gusto kong mag-aral sa Maynila at makigulo sa mga estudyante ng isa sa mga sikat at may makatarungang matrikulang unibersidad sa Pilipinas, ang PUP. Kinuha ko ang kursong bagay sa ugali ko, Masscom. Umabsent kami ng mga klasmeyt ko, at noong araw na iyon, kame lang talaga ang absent sa klasrum. Nanadya ata ang iba kong klasmeyt.

Madali lang ang naging daloy ng lahat at naiskedyul kame sa isang pagsusulit. 40,000 ang kumuha ng eksam, 8000 lang ang kukunin. Pumorma ako sa araw ng eksams at pinagod ko ang ilong ko sa pamamagitan ng pagsusuot ng shades. 40% ang magaganda at 10% mula ulo mukhang paa samantalang 45% ang mga guwapong pumapatol sa bading at 5% ang ayaw umamin. Natapos ko ang eksam at nakipagkwentuhan sa proctor. Nag-iwan ako ng quadratic formula sa scratch paper upang magpatunay na nagsolb ako kahit hindi naman talaga kailangan ng formula. Natapos ang araw at naimagine ko ang sarili ko sa TV na pumapalit sa isang sikat na newscaster.

Summer. Mainit ang panahon at mainit din ang ulo ko. Hindi ko matanggap ang nangyaring trahedyang hindi ko inasahan dahil sa nasobrahan ako sa FAITH
(alternative term sa yabang ‘pag humble). Hindi ako pumasa sa PUP at swerte ang mga bad boys ng klasrum na siyang nagdiwang sa pagkakapasa ng eksam. Pakiramdam ko gumaan ang ulo ko dahil wala itong utak. Hallow. Sumabay pa ang sulat galing s pinakamatandang unibersidad ng Pilipinas. Hindi ko naipasa ang dalawang kursong kinuha ko. Naging itim ang nursing uniform, napipi ang newscaster at namanhid ang mga kamay ko sa pagguhit. Lumipad ang ulo ko sa sobrang gaan at pumasok ako sa paaralang di na kailangan ng entrance eksam bitbit ang duguang puso sa kursong isiniksik ko sa aking sistema: Bachelor of Science in Accountancy.

Bente Pesos at Mga Bagong Pera



Nakita mo na ba?

ehehe. Bago na ang 20 pesos ngaun.

Kala ko nga nagloloko lang 'yung tropa ko nung sinabi nya.

Hanggang may nagpakita nga saken na totoo pala.

Pinaglumaan na 'yung dati.

Kwento ko sa'yo. Pero itago mo'yung bente pesos na bigay ko.

Game.

Mas bata na si Quezon tapos sa likod andun ung mapa ng Pilipinas.

Napangiti ako.

Wala lang.. tapos biglang nablangko ang utak ko at nag-isip.

BLANKO talaga. Para bang ako lang ang pwedeng makaramdam at hinde mo pwedeng malaman at ng iba.

Naalala mo ba 'yun? Burado na kaya un?

'Wag mo ng alalahanin.

Kahit pera, nagbabago. Tayo pa kaya?

'Wag nga ako, wala namang tayo eh. hehe.

Si Ninoy daw nakatawa na sa payb handred, totoo ba?

Magkasama na sila ni Cory, sweet no?haha. Naisip pa nila un?

Tsk.

Antagal din naghintay ni Ninoy, no?

Antagal nyang nakasimangot sa dating 500.

Tapos after 13 years, bigla uli siyang ngumiti habang pareho silang nakangiti ng babaeng naging ilaw ng tahanan niya.

Ang haba ng buhok ni Cory.

Siguro papalitan na ni Ninoy ung tag-line nyang, "FILIPINO is worth dying for" ng "TRUE LOVE is worth waiting for." Naks, gumanun pa.

Tapos ang bagay na kowt jan eh, "THE BEST PLACE in the WORLD is sitting right BESIDE who owns your HEART."

Patlang.

Hey. Hey, makinig ka...

Mas ube na 'yung kulay ng isandaan. Kaso parang medyo tumanda ata 'yung maukha ni Roxas. May hinintay kaya siya?

Puyat? Medyo lumaki ang eyebags nya run eh.

O dahil call center agent din siya?haha.

Biro lang.

Hinde ka na natatawa sa jokes ko?

Uhmmm..

Si OsmeƱa, bagong gupit. New life raw siguro. Medyo payat na siya sa bagong P50 pesos. hahaha. Siguro dahil kapanahunan niya nun. Bagay sa kanya ang bago nyang buhok eh.

Parang ikaw, bagay sa'yo ang bago mong buhok...

kapanahunan mo na kasi...

Pero, pero, pero... hui, nakikinig k ba? Sa iba ka naman nakatingin eh.

Para kang si Diosdado Macapagal sa dalawang daan. Nakaharap nga pero anlayo ng tingin. May guhit ng kaunting ngiti ang labi ngunit blangko ang mga mata.

Paano kaya niya nagawa 'yun? IDOL mo ba siya?

Kasi... parang ikaw siya eh.

O aalis ka na?

Mamaya ka na umalis.

Minsan lang naman 'to eh.

Ngayon na lang ulet ako nagkwento.

Kasi pansin ko, bakit si Josefa Llanes Escoda lang ang nakangiti sa P1000? Kahit dati pa.

kawawa naman sina Vicente Lim at Jose Abad Santos. Mukha pa rin silang malungkot.

At bakit kaya dalawang lalake pa sila at nag-iisang babae si Josefa?

Well, kaya siguro siya masaya...

kasi dalawa ang kasama niya.

Kaya siguro ayaw mong sumama sa'ken no?

Kasi para kang si Josefa... andameng lalake para sa'yo.

Hehe. Hinde ka na mabiro. wag kang sumimangot.

Uhmmm...

O paano? ehehe.

Mahanap mo pa kaya 'yung bente pesos ko?

Nakakatuwa, makwento nga.