"Kumakain ka naman?! Pang-ilang palabok mo na yan?!" Patungayaw na sabi ni Aling Luzviminda sa anak niyang si Dee.
"Pangatlo po." Tipid na sagot ni Dee habang pinapahid ang sauce ng palabok sa labi nito. (sagwa)
"Kaya ka tumataba eh! Andameng carbohydrates nyan!" Sabay pasok sa loob ng bahay ni Aling Luzviminda at ipinagpatuloy ang paglalaro ng Plants vs Zombies para ayusin ang kanyang Zen Garden.
Hinde na pinansin ni Dee ang ina.Mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang palabok. Ang palabok na may hipon, sitsaron, 1/4 na itlog na binudburan pa ang dahon ng sibuyas! Bukod sa malasa ay napakamura pa, P12 lang! ( Pwede ng Ad:)
Hay, napakasarap!
Araw-araw ay bumili si Dee ng palabok sa tindahan ni Aling Roberta, kilalang taga-gawa ng palabok tuwing birthday nya.Paborito niya ang palabok. Bukod pa sa katotohanang mura, at masarap ang palabok ng matanda,inaantabayanan rin niya ang kanyang crushy na si Jollibee na nakatira sa kabilang kanto sa tapat nina Mcdo. Sa totoo lang, iyon ang malaking dahilan kung bakit doon siya tumatambay sa tindahan nina Aling Roberta.
"Pabili nga po ng shuttlecock."
Humalimuyak ang simoy ng hanging amihan, nagvideoke ang mga kalalakihan, nagmura ang presyo ng baboy, manok at baka, bumilis ang tibok ng puso niya...
Si JOLLIBEE!!!
Si Jollibee na makinis, maputi, mahaba ang buhok na makintab na parang ginugo, mabango na parang hinde pinagpapawisan, matangkad, sexy... mamasel ang binti.:)
"Ahihi." Kinilig si Dee sa isiping 'yon.
"Ilang shuttlecock, ne?" Sagot naman ni Aling Gina na siyang may-ari ng mini-sports house na iyon. Si Aling Gina ay ang maton na nagmamay-ari ng tindahang iyon na hanggang ngayon ay hinde pa rin umaamin na tomboy siya. Palangiti si Aling Gina hinde katulad ng ibang tomboy kaya naman hinde mapaghahalatang tomboy nga ito.Puro katomboyan ang nasabi ko. (haha)
"Mga tatlo po." Mahinhing sagot ni Jollibee.
"Aba't napapadalas ata ang bili mo ng shuttlecock ah!" Dagdag pa ng matabang tomboy na hinde umaamin.
"Aah, naglalaro po kasi kami ng mga kaibigan ko sa Don Antonio Sports Plaza eh." Parang close-up model na sagot ng magandang dalaga kahit pa may damage ang peripheral vision nya gawa ng laro kahapon.
"Aba'y magandang ehersisyo yan! Ako nga'y gusto mag gym para pumayat!" Sabay halakhak ng matanda, nakakatakot.
Napakunot ang noo ni Dee sa narinig na iyon. Hinde bagay. Rinig na rinig niya ang usapan ng dalawa kahit na may pagkabingi siya dahil sa natatanggap niyang almost 30 calls sa isang araw.Napangiti siya sa isiping sa Don Antonio pala naglalaro ng badminton ang dalaga. Maari niya itong madalaw dahil doon din naglalaro ang katrabaho niyang si Ryan na lagi niyang kasabay magbreak dati.
Ngumiti ang dalaga sa sinabi ni Aling Gina na lalo lang nakadagdag sa kaakit-akit na mukha nito at maya-maya ay nagpaalam na rin. Pupunta pa raw siya sa office ng nanay niya dahil siya na ang susunod na mamahala sa kumpanya. YAMAN!
Nalungkot si Dee sa pag alis na iyon ni Jollibee dahil malamang, bihira na naman niya masisilayan ang dalaga dahil nagrereview ito para sa Nursing Board Exam.
Bukod pa sa katotohanang...
Tomboy siya at babae si Jollibee. Amf, judgemental?
"Limot, Limot, Pahinge ng limot..." Ang sabi ng matandang pulubeng si Aling Mona na sikat sa bayan nila dahil sa bahay niya ginaganap ang inuman ng mga STROL ASTIG 04-05 tuwing Sabado.Bahay lang ang meron si Aling Mona pero walang gamit kaya pulube ito. Super explain!
"Huh? Ano ho?" Sagot ng naabalang si Dee.
"Palimosh daw!Bigay mo na ung shukli sha kinshe mo!Sush!" Shabay shagot ng napadaang shi Ferdie.After nun, umalish na sha at kumanta kanta ng paboritong niyang awit, "Kahit Kailan."
"Omygosh! Shori ah, hinde ko nagetsh!" Shabay dukot ni Dee sha bulsa at iniabot ang P3 nashukli sha kanya kanina ni Aling Roberta.
Nagdadalawang isip pa siya kung ibibigay iyon ngunit naisip niya ang commercial sa TV tungkol sa pulubing nagtransform sa magandang fairy at baka bigyan siya ng sportscar, 'yung red.
"Napakabuti mo, bukod pa sa pumayat ka ng 10lbs." Sambit ng matandang pulube.
Magsasalita pa sana si Dee nang biglang umusok ang paligid at may narinig siyang "PUFF!"
Parang nagyosi lang.
Doon lumabas ang isang BABAENG napakaganda, 5'2 in height, 36-24-36, long-haired at maalindog ang mga mata at namumutok ang masel sa braso.
"Ako si Jopay, ang Dyosa ng Tala." Paos na tinig ng nagtransform na si Aling Mona. Kaboses niya ang nagsabi ng "TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!"
"ubo.."
"ubo.."
"ubo.."
"Infairness, ang usok ng entrada nyo ah!"
"Keme! Kailangan kong magtransform dahil ayokong magbigay ng regalo na panget ang hitsura ko!"
"HUWAW! Talaga? Bibigyan nyo ho ako ng gift?!" Gulat na sabi ng nasorpresang si Dee.
"Ay, Bingi? Gusto paulet, ulet?"
"Hinde lang ho ako makpaniwala sa nakita kong pagtatransform at sa nalaman ko."
"Bweno, dahil napakabuti ng iyong puso kahit berde ang iyong dugo, pagkakalooban kita ng isang bilaong palabok!"
"HUWAW!!!"
*kurap
*kurap
*kurap
"Palabok?" panghihinayang ng nakahumang si Dee.
"Aber? Choosy ka pa!Ang palabok na ito ay hinde basta basta! Bukod sa gawa ito ng tulad kong Dyosa, ang mga sangkap na ito ay gawa sa pasta na hinde nabibili sa bangketa, hipon na makikita pa sa kailaliman ng dagat, sitsarong nagmula sa balat ng nagdidietang baboy, dahon ng mabait na sibuyas-ung hinde nagpapaiyak."
"Nakuu! Maraming salamat po, Jopay, Dyosa ng Tala."
"Keme! Keme! Unlimited yan, Dee. Hinde nauubos tulad ng unlimited texts ng SUN, may limit!hmf. Tandaan mo, kapag kinakain mo iyan ay ilagay mo ang iyong puso at ito ay matutupad."
"Pero..." May sasabihin pa sana si Dee ngunit naglaho na ang nagtransform na si Aling Mona na naging si Jopay, Dyosa ng Tala.
Noon din ay napansin niya sa kanyang paanan ang isang bilaong palabok na nababalot ng aluminum foil.May taling red na straw at may kalamansi pa sa gilid, parang PANCIT MALABON lang.Binitbit nya ito pauwi sa bahay at lumingon pa sa bahay nina Jollibee upang muli lang maramdaman ang kalungkutan. Nagmadali na siyang kumilos dahil naalala niyang may shift pa siya ng 3am-12pm mamaya.
(Itutuloy) |
|
TnT. Lumalabstori si Dee.
ReplyDeleteBasahin mo ang PUSOD ni Domingo G. Landicho.
May mapupulot ka don para mas mapahusay ang pagsusulat mo.
:)
HUWAW. Salamat po sa reference. Actually, ang reference ko lang sa pagsusulat eh ang mga memories ng hayskul. Tse-tsek ko yan! Salamat JKUL!!! KUL ka talaga.
DeleteGaling!
ReplyDelete