Tuesday, June 26, 2012

Si Jollibee, Si Dee at ang Mahiwagang Palabok (Part 2)


Boring ang hapong iyon para kay Dee. Walang calls dahil madaling araw na sa Amerika. Hinde niya magawang kumain dahil nagdidiyeta siya.
At wala pa siyang maisip na karugtong na plot para sa sinusulat niyang nobela.


Alas tres...

Alas kuwatro...

Alas Cinco...






"RAWR!!!"






Sinugod ni Dee ang kusina at naghanap ng pagkain sa ref para lamang makita ang mga lalagyan ng tubig!Amf.Tumingin siya sa garapon na karaniwang pinaglalagyan ni Ate Luzviminda ng mga palaman,noodles, juice-- walang laman!Inakyat niya ang estante para tumingin ng mga de lata. Sa halip ay nakita niya ang basong lalagyan ng pustiso ni Ate Luzviminda.

"Hay..." napaupo siya sa monoblock sa mesa ng kusina.



"BUKAS PA PALA ANG SAHOD!"



Katahimikan.

Nginatngat niya ang kuko sa mga daliri --



*Ngatngat
*Ngatngat


Hanggang sa maalala niya ang palabok ni Jopay, ang DYOSA ng TALA.Dahan-dahan siyang napangiti at napangisi na poging pogi.

"Asan ko nga ba nailagay 'yun?"


"AHA!"


Dali-dali siyang tumakbo sa kwarto kasama ang ngiting hinde maalis sa naglalaway niyang bibig.



PRESTO!!!

Sa lamesang katapat ng bintana ay animo nagningning ang bilao ng palabok na tila nagsasabing...



"KAININ MO KO, Ahihi."

Pinilig niya ang ulo. Sa kagutuman ay naghahallucinate na ata siya.

Pumunta siya ng kusina at kinuha ang plato at tinidor. Nadaanan pa niya si Ate Luz na nagkaroon na ng GOLDEN SUNFLOWER dahil natapos niya ng dalawang beses ang ADVENTURE GAMES.


Hinde niya alam kung maniniwala siya sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw dahil parang sa channel 7 at 2 lang niya napapanuod ang mga magic magic.
Pero sa ngayon, ang gusto lang niya gawin ay ang KUMAIN!

"Hmmm... AnserraP, serraP!" Sabi ni Dee na napapaslang pa sa sarap ng palabok ni Jopay, Dyosa ng Tala.


Naisip niya tuloy kung kasama niya kumain ng ganoon kasarap na palabok ang overweight nyang kapatid na si Anji.

Nang biglang...


"HUH??! ANUNG GINAGAWA KO RITO?!" Gulat ng wika ni ANJI habang nakauniform at nakaupo sa classroom chair.


"Ninuninuninu..Bat? bat.. BAT?rarapa tataEEEee!" sabi ni Dee.

Sinampal siya ni Anji tulad ng mga napapanuod sa old style na komedya.

"PAK!"


"BAT ANDITO KA?!" Gulat ding sabi ni Dee sa kapatid habang namumula ang pisngi.

"Ewan! Asa klasrum lang ako kanina eeh!!! May exam kame! LOSER!"

"Halah..."


Totoo kaya 'yung sinabi ni Jopay? Na isipin ko lang ang gusto kong mangyari at magkakatotoo ito? Hmmm...Pero hinde! uso na ang ZYNGA POKER at FARMVILLE paano magkakaroon ng ganito?! Pero, hinde eh. Alangan namang nagteleport si ANJI eh napakabigat nito?Hmmm..

Anu kaya kung isipin kong...



"Hoy, Ateh! Nababanlag ka na naman kakaisip d----"

"PLOK!"

Nawala si Anji.

"HOHEMGI!" Totoo ba 'to? MAGIC???


"Bwahahahahaha!"
"Bwahahahahahaha!"
"Jejejejejejejejeje!"


Tawa ni Dee na makahulugan at mga jejemon lang ang nakakaintindi.


"What should I do next?! Nakakatense!" Dahan-dahan tinago ni Dee ang bilao ng palabok habang nanginginig pa ang kanyang mga kamay -- pasmado si Dee.

Tinitigan nya lang ang bilao pagkatapos. Umupo siya sa monoblock chair. Nginatngat ang kuko. Nabanlag. Nagkamot ng itlog--

Ay, sori wala nga pala sya nun.

Totally clueless ang lola nyo kung ano'ng gagawin sa palabok tulad ng paggawa ng kadugtong ng part 1 ng storya. Kaya naisipan muna niyang lumabas ng bahay.



Nakita niya si Mang Menard na nagsosolitaryo pa rin sa may terasa na kuntento na sa buhay-batugan niya. Napailing at naawa siya sa ama. 



Matagal-tagal na rin hindi nakakauwi sa bahay dahil abala siya sa pagtatrabaho sa isang KTV bar sa bandang Timog, biro lang. Nakita niya ang kahirapan sa lugar nila kaya nagsusumikap siya at nagtrabaho sa malayo, mga bandang Ortigas, ganyan. Kung hindi lamang naatang sa kanya ang pagtataguyod sa pamilya, ang talagang gusto niya ay ang magtravel sa kung saan-saan.


"Oh, wait narrator.Ayun! Ayun nga ang gusto kong gawin." Pinutol ni Dee ang pagna-narrate ko at dali-dali siyang bumalik sa kwarto.


Hayok siyang binuklat ang aluminum foil at dinakot ang palabok na kaunti pa lamang ang bawas.Pumikit siya at nilasap ang kasarapan ng palabok ni Jopay.Todo emote siya!


"Hmmmmmm..."


Mabilis pa kay Lydia de Vega na umugong ang makina ng bagung-bagong Toyota Fortuner sa labas ng terrace nila Dee! Kulay itim ito at napakakintab. Maangas ang pagkakaparada nito sa harap ng bahay nila tulad din ng angas ni Bradley nang talunin nya si Pacquiao kamakailan. Antaray ng wheels ng Fortuner at para maipakita kong tunay ang itsura, pinicturan ko ito:






Tinakbo ni Dee ang Fortuner, napahinto si Aling Luzviminda ng paglalaro ng Plantz vs Zombies, napatigil sa pagtotong-it ang mga kapit-bahay, naputol ang pagbibinggo ng mga kababaihan at narinig lamang ang umaapaw na kagalakan sa puso ng nagtatakang si Dee pero patuloy pa rin sa pagsosolitaryo si Mang Menard.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment