Thursday, March 8, 2012

Medyas at Sapatos : Can be or Cannot be?

  • Nakarinig na ba kayo ng kwento tungkol sa isang sapatos at isang medyas? (HINDE PA!) Ako rin eh. Pareho pala tayo.^^ Gagawan ko sila ng kwento.
Sa isang malapit na bayan ng Makati (para maiba naman dahil laging malayo ang setting eh), nagkakilala sina Medyas at Sapatos.Walang araw na hindi sila nagkakaroon ng time sa isa't isa. Lagi silang magkasama maglakad,mag jogging at mag-badminton. Madalas din silang nagkukwentuhan.

Sapatos: Bangin ka ba?
Medyas : Hindi, MEDYAS ako--BAGAY TAYO! =)



Akala nilang dalawa hindi na sila magkakahiwalay dahil super mahal nila ang isa't-isa. Theme song pa raw nila ang "Runaway" ng The Corrs.

Hanggang dumating ang puntong kinatatakutan ng mga mahihirap, praktikal at hindi konyo. NAUSO ANG pagsusuot ng HAVAIANAS!Ito ang ugat kung bakit every weekend na lang nagkakasama ang dalawang tauhan.

Sapatos: Baby? kailan ba tayo magkikita? Miss you!
Medyas : Sa weekend na lang, magjogging tayo.Miss you more!K, thanks bye!

Habang tumatagal at maraming nauusong designs ang HAVAIANAS,unti-unting nawalan ng silbi ang mga track and field para kay Sapatos. Toxic si Medyas sa mga alikabok dahil suot siya ni HAVAIANAS na walang sapat na pantakip sa ilong nya. Me hika pa naman siya. 

Nadepress si Sapatos. Pakiramdam nya wala siya. Pakiramdam nya, hindi na siya necessity lalo na sa mga tulad ni Derek Ramsey na mahilig sa frisbee.



Tinawagan nya si Medyas.Sinabi nya ang kanyang nararamdaman dito upang magkaroon siya ng masasandalan at maisangguni na rin nya ang depression. Alam nyang minor ni Medyas ang Psychology at major nito ang Nursing.


Sapatos: Baby, nadedepress ako. Andame kong iniisip. Pakiramdam ko tumataba na ako dahil hindi na ako nagjojogging,naglalakad, naglalaro. Andito lang ako sa loob ng kahon ng Nike!

Medyas : Anu ba naman yan, Darlin'? Emo ka lang ok? Toxic na nga ako rito sa trabaho, ganyan ka pa tuwing nag-uusap tayo--

**Naputol ang linya dahil nagmamadali na si Medyas sa lakad nila ng mga hukbo ng HAVAIANAS.



Nakinig si Sapatos sa sinabi ni Medyas. Siguro nga emo lang siya masyado. Nagsimula siyang lumabas sa kahon ng Nike at maglakad lakad kahit paunti-unti. Guminhawa ang kanyang pakiramdam at nagkaroon muli ng self confidence.Nangako rin siya sa sarili na hindi na aayusin ang buhay at ang magulo niyang kwarto.



Ngunit patuloy ang pagkawala ng oras nila para sa mga pick-up lines at lambingan.Nakakalungkot para sa dalawang nilalang na magkaibang-magkaiba ng zodiac signs pero meant to be raw.

Sapatos: Baby? mahal mo pa ba ko?
Medyas : Anu ba namang tanong yan?Ba-bye na. by---

**Naputol na naman ang linya dahil kailangang umalis ni Medyas para sa aatend-an na bazaar sa Greenhills at Divisoria.

Sapatos: (Puyat galing sa work pero excited)Hello? Hello, Medyas?
Medyas : (Pabulong) Hello Sapatos, mamaya ka na tumawag, may ginagawa ako. K, thanks! Bye!

Madalas ng mag-inarte ito si Sapatos dahil naninibago siya kay Medyas at ilang ulit na rin itong nakipagbreak sa kanya. Nangangamba siyang mawala sa kanya ang iniibig.Lagi nya itong hinahabol sapagkat hindi nya ito matiis.

Alam nyang may malaking problemang pinagdadaanan si Medyas kaya ito nagsusumikap magtrabaho.Gusto nyang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa.Ngunit sobra na siyang nasasaktan lalo na at ma-Pride si Medyas.

Sapatos: Sori na. Awat na tayo.
Medyas : Ewan ko sa'yo. Sige na! Bye!
Sapatos: Wait lang, mag-usap tayo.
Medyas : Ayoko makipagdiskusyon sa'yo.

**Naputol ang linya. Tatawagan ulit ni Sapatos si Medyas hindi dahil naka-line siya sa SUN kundi dahil di nya nga ito matiis.

Sa kasalukuyan, hindi alam ni Sapatos kung ano ba ang dapat gawin. Alam nyang mahal nya si Medyas ngunit hindi na talaga sila magkasundo. At alam din nyang kapag sinabi nya ang nararamdaman kay Medyas, mamimis-interpret nito ito, pababayaan siya at sasabihing "Sige, go!Kung anung gusto mo."

Napawi ng mga luha, damdamin at puso'y tigang. Wala ng maibubuga, wala na kong maramdaman...
Nakapagtataka, saan na napunta?

No comments:

Post a Comment