Thursday, May 3, 2012

SE 58 - Day 2

Day 2


"ANTAGAL ng BREAKFAST!"


Ang mga linyang yan ang nasa isip ko habang nagyoyosi. Kampante ako sa sariwang hangin habang tinitingnan ko ang paligid na iyon sa isang lugar sa DASMARIÑAS, Cavite.


"Beks! w8 'ko jan sa baba. Gcng na rin ako."


Text message 'yun ng workmate kong bakla. At dahil "workmate ako ng workmate", itago na lang natin siya sa pangalang "Beks." Wala pa ring text si GF kaya pakiramdam ko, a-attitude ako ngayong buong araw.


Naubos ang yosi ko. At andaming idle moments ng sinusulat ko ngayon.


Fast forward.


Pagpasok namin sa seminar hall, me numero ang bawat silya at daig pa ang elementary sa seating arrangement. HINDI KAMI TABI NI BEKS at hindi ako ready sa mga bagong kakilala! Dahil sanay ako sa "cheating arrangement," pinagpalit ko ang upuan ko at itinabi kay Beks.


"Beks! Anu ka ba? Um-aattitude ka na naman. Ibalik mo 'yang upuan mo at baka mapagalitan tayo!"


"Wala akong pakialam!"


Nilapitan ako ng isang organizer at pinabalik sa upuan. Walang bearing ang pagiging ma-attitude ko ng araw na 'yun sa kanya dahil nakunsensya rin akong hindi siya pagbigyan. Mukhang chicks pa naman.


Nagkaroon ako ng kagrupo na hindi ko rin pinapansin. Ang tawag sa grupo namen eh "JOSEPH" na hango sa mga tribo ng ISRAEL. Tulad ng mga tao sa pagpapakilala, iba-iba rin ang karakter ng mga tao sa grupo ko. Holy cow! Ka-grupo ko ang taong pagpapakilala pa lang, nagsabi na ng buong buhay nya at 'yung isang talentado na magaling kumanta.


Nag-sharing sila.  Sa sharing pa lang pinakilala ko na ang sarili kong ayaw ko silang makilala. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa'ken pero alam ko sa sarili kong wala akong suot na maskara. Ayokong magpakabait kunwari ng tatlong araw para lang sa retreat tapos balik sa dati pagkatapos. 


LUNCH TIME.


Masarap ang soup at ulam. Sa haba ng pagkakaupo ko sa monoblock chair, ang pagkain ang isa sa mga bagay na talagang pinakahihintay kong i-announce. Kumukuha na ako ng kanin nang...


"Dasal muna tayo?" Sabi ng kagrupo kong sumulat kay Ate Charo ng MMK.


Hindi ako sumabay sa dasal pero huminto ako ng pagkuha. Sa isip-isip ko, "plastik ne'to."
Napatunayan kong 'di naman talaga nila gawaing magdasal dahil nung dinner at kinaumagahan, wala ng nagdasal bago kumain. At natuwa naman ako dahil hindi ko na sila kailangang hintayin.


Nakakaantok ang hapon. Air-conditoned pa ang room kaya naman talagang pwede kang managinip habang gising. Isama mo pa ang mga "sharer" at mahahabang "talks" na ang galing magpatullog. Maganda pa naman sana ang message. Nagmistulang sketch pad ko ang notebook na binigay samen nang matapos ang mahabang oras. Master piece ko ang Angry Bird na dinrawing ko sa envelope. Hindi na sapat ang isang direksyon ng pag-upo sa silya dahil kakalyuhin na ang tumbong ko. Nakatulog ata ako sa upuan ng 5mins nang biglang kakain na ulit.


"Aba! Ayos ah. Patabaing oso."


Pagkatapos kumain, umakyat ako sa kwarto upang pasingawin ang paa kong maasim. Nagtsinelas ako! Now I know -- pasingawin muna ang paa kung pwede. Maasim pa rin kaya't naghugas ako ng paa. Sa isip-isip ko, mapapasma ako lalo ne'to.


Ang akala ko, tapos na ang mga pakikinig ngunit mali ako! Inabot ulit kame ng hanggang alas 
diyes. At dahil 2-3 oras lang ang tulog ko, wala na akong energy at hindi na ako naeexcite kumain. Ang gusto ko na lang gawin ay mahiga at matulog.


Sa Wakas! Pwede ng matulog.


Pagkalabas ng seminar hall, bumungad samen ang mga kandila sa labas at ang mga chicks na me dalang puting rosas. Nag-agawan pa sila ng bigay sa'ken. Totoo!
Astig ng kantahan dahil violin ang instrumento ng banda habang tugtog ang "HARANA" ng Parokya ni Edgar. Nabuhayan ako ng dugo dahil may musika, pagkain at oras na para tumalon-talon.


Nakisabay ako sa tugtugan. Sumalo ako sa kantahan. Tumikim ako sa kainan. Pero wala pa rin akong kaibigan. Autistic mode pa rin. Yumosi lang ako tapos, umakyat na rin.


Wala akong baong damit pantulog kaya naghubad lang ako ng pants, itinira ang boxers at t-shirt sabay bulagta sa kama.  Nagtalukbong ng kumot, umusal ng dasal na nakasanayan ko na at ipinikit ko ang aking mga mata. Paggising ko bukas, umaga na.


Itutuloy...









2 comments:

  1. inaanyayahan ko po kayong lumahok sa papalapit ikatlong taon ng kamalayang malaya ni g.jkulisap

    mangyaring magpunta lamang dito

    http://kainaman.wordpress.com

    salamat sir!

    ReplyDelete