Kung ikaw ay marunong magsalita, siguraduhing walang busal pati n'ang iyong dila. Ang kamalayang malaya ay gamitin, isatinig mo ang bulong ng damdamin.
Ito ang bukambibig ng isang taong may sapal ang bibig ngunit umaatungal, Kristyanong suwail ngunit nagdarasal, empleyadong propesyonal ngunit may salitang balbal , Pilipinong sawi at 'di imoral.Sa pagkakataong ito hindi lamang ako ang nagsasalita. Nasa panulat ko ang karamihan na nagtatago rin sa lilim ni Eba't Adan. Malay mo, kabilang ka.Hayaan mo at pagkakataon na.Halina't buksan mo ang pinto ng iyong kaluluwa.Iyan minsan ang gamit ng ating mga mata.
Ibubulong ko sainyo ngunit ako'y hindi papayagan. Isisigaw ko sandali ngunit ako'y pagbabawalan. Sa bansang Kristiyanismo ang pinaniniwalaan, ang mga tulad ko'y pinagbabawalan. Si Eba ay kay Adan, si Adan ay kay Eba. May nabanggit bang Ebo at Ada? Siyanga! Wala. Hindi ba? Ngunit walang basurang gawa ng Diyos. Dito tayo magtutuos.
Kung ang gobyerno at simbahan ay parang iisa,maaring walang lugar ang isang tulad kong lesbiyana. Marami kami ngunit iba-iba. Mahal ng Diyos ang nilikhang tao, sinasaklaw na ba kami ng demonyo? Ito ay mali, kayo ang tama-kayo na walang pagmamahal sa kapwa! Pandirihan ninyo kami, kayo ang basahan.Hatulan ninyo kami, kayo ba ang Maykapal?
Ang pagtingin sa kapwa, sana'y pantay-pantay.Ako rin ay Pilipino, kapwa mo. Para saan pa ang trayanggulo ng bandila? Para ba alipustahin ang kapwa?
Bakit tanggap ng mga banyaga ang kabaklaan? Diyata't siksik lamang sila ng unawaan. Ang pambansang batas at Bibliya ay salungat. Di mo alam kung saan ka papangkat. Tayo'ng mga Pilipino ay konserbatibo at likas na Kristiyano ngunit hindi tayo mga bobo at walang modo. Bago kami suriin mauna ka.'Wag kang sumunod sa pila.
Sa pagbitaw ko ng isang komplikadong paksa, laksa-laksang komento ang paparating - may huhusgang pilit, may mangingilala, may walang reaksyon,mayroong sasaya. Ngunit walang saysay ang himig natin kung walang musika.Katulad din ng ugali kung walang ganda. Subukan mong magsalita, malay mo ay marinig ka.
hello, nakiraan at nakibasa... isa ito sa mga lahok na matapang ang sentimyentong ipinaaabot. naibigan ko ang mga unang talata ng iyong komposisyon at ang pangkalahatang pitch ng akda. ^^
ReplyDeletegood luck sa patimpalak and regards. :)
"yung unang mga talata lang?haha. Salamat. :)
ReplyDeletehello... ahihi, mas solid siguro ang pagka-formulate or pagka-word ng mga naunang talata, kapatid. samantalang magaganda rin ang mga sumusunod, sila ay mata-tighten pa with some more editing yata. parang ganoon, palusutin mo na ako, haha...^^ salamat sa palihim na dalaw, greetings sa 'yo. :)
DeleteTalagang nagreply ka ha? Salamat sa mga puna. RAKENROL.
DeleteAng galing nito, pramis heehee
ReplyDelete*apir*
\m/
Salamat. Magaling din ang sa'yo. NABASA KO :D
Deleteayos!... galing.. goodluck sir!.. :D
ReplyDeleteGOOD LUCK din sa gawa mo. :) Salamat sa pagdaan!
Deletetinig mula sa third sex.
ReplyDeletekung inaalipusta man at pinandidirihan.
sila yung mga taong nagbanal banalan.
goodluck sa matapang mong akda!
Salamat din sa PAG-IMBITA SAKEN SA KM3! IKAW ang master sa tagalog talaga. SAWBENG SWABE ang gawa mo, pre,
Deletecatchy basahin simula unang salita hanggang huli.
ReplyDeletematapang , totoo , astig!!
AYUN oh! Salamat BAGOTILYO!
DeleteMay batas ang tao ganun din ang batas ng Diyos. Kapag ito'y nagulo at hinimay sa ibang pamamaraan, doon na nagsisimula ang pagkakawatak-watak.
ReplyDeleteAng respeto sa kapuwa ay hindi nangingilala ng kasarian kailanman. Lagi tayong ibabalik sa Golden Rule na alam na ng lahat kung ano iyon.
Kung kaya nating igalang ang ating mga sarili, mas kaya nating igalang ang iba pa. Subalit, hindi tayo laging sigurado, nagkakamali, nag-iiba ng landasin pero sana laging baon ang respeto. Iyon ay mahalaga.
Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3 TINIG
Maraming Salamat, Sir! Hanggang sa susunod na KM3. PRAKTIS pa ko ng tagalog! XD
DeleteRespeto sa kapwa - dinadaan sa gawa at salita.