Nabulabog ang momentum ko sa trabaho nang makatanggap ako ng text message mula sa syota ng tropa ko na tinutuluyan ko.
"kung ok lng wag ilabas pasok ang sapatos sa loob ng bhay tnx..."
Nagflashback saken ang pag-akyat-baba ko sa hagdan habang suot ko ang maingay kong sapatos. Napaisip ako kung madumi ba ang sapatos ko o naghahanap lang siya ng butas saken dahil ayaw nyang nasa bahay ako. OO, ganyan ako kasama mag-isip. Hindi kasi kame magkasundo simula nung nalaman nyang kasabwat ako ng tropa ko sa pagtatago ng lihim na me kabit si tropa.
Mahirap talaga makisama. Well, para saken, mahirap kasi sanay din akong mag-isa. Ang gusto ko, sa kwarto lang para magpahinga pagkatapos ng pakikipagbuno sa kagustuhang magtrabaho. Minsan nga naiisip ko:
"Ako ba talaga ang may problema o nagkakataon lang talaga?"
Minsan na rin akong umalis sa apartment ko sa Makati. Kasama ko dati 'yung mga tropa ko nung elementary. Ang kaso, nakasamaan ko ng loob 'yung kapatid ng tropa ko. Ang masaklap, dahil ito sa paglilinis ng bahay na talagang hindi ko kinahiligan. Aminado ako na pwede mo 'kong tawaging "Juan" kung gusto mo.
Hanggang sa nagkapatung-patong ang sita. Umalis ako ng apartment at eto na nga, andito na ko sa tropa ko. Ang problema naman, nadamay ako sa gulo.
Since kailangan kong magtipid, hindi pa ako makaalis. Sa halagang P900, meron na akong malaking kwarto, libreng wi-fi, kuryente at unlimited na rasyon ng tubig. Kasama na run ang gym equipment, libreng panunuod ng tv na may kasamang cable, pakikinig ng radyo, paggamit ng washing machine at syempre, pwedeng magdala ng chicks anytime!Pero hindi ako nagdadala maliban sa nag-iisang chicks sa buhay ko ngayon.
Sabihin nyo nga? Paano ko aalisan ang mga ito sa hirap ng buhay ngayon?
So ang nangyari, dedma muna ang napapanis kong laway dahil hindi kame nag-uusap ng syota ni tropa kahit na magkakasama kame sa iisang bahay. Tiisan ng pakikisama at pakapalan ng mukha dahil sa sabwatang nangyari.Patuloy lang ang pagtira sa bahay ng tropa, paggamit ng umlimited tubig, pagdadala ng chicks.Balang-araw baba rin ang cost of living sa Pinas at makakahanap din ako ng pwede sa budget.Tatanggalin na natin ang "NO" sa No Permanent Address...
No comments:
Post a Comment