Thursday, May 3, 2012

SE 58 - Day 2

Day 2


"ANTAGAL ng BREAKFAST!"


Ang mga linyang yan ang nasa isip ko habang nagyoyosi. Kampante ako sa sariwang hangin habang tinitingnan ko ang paligid na iyon sa isang lugar sa DASMARIÑAS, Cavite.


"Beks! w8 'ko jan sa baba. Gcng na rin ako."


Text message 'yun ng workmate kong bakla. At dahil "workmate ako ng workmate", itago na lang natin siya sa pangalang "Beks." Wala pa ring text si GF kaya pakiramdam ko, a-attitude ako ngayong buong araw.


Naubos ang yosi ko. At andaming idle moments ng sinusulat ko ngayon.


Fast forward.


Pagpasok namin sa seminar hall, me numero ang bawat silya at daig pa ang elementary sa seating arrangement. HINDI KAMI TABI NI BEKS at hindi ako ready sa mga bagong kakilala! Dahil sanay ako sa "cheating arrangement," pinagpalit ko ang upuan ko at itinabi kay Beks.


"Beks! Anu ka ba? Um-aattitude ka na naman. Ibalik mo 'yang upuan mo at baka mapagalitan tayo!"


"Wala akong pakialam!"


Nilapitan ako ng isang organizer at pinabalik sa upuan. Walang bearing ang pagiging ma-attitude ko ng araw na 'yun sa kanya dahil nakunsensya rin akong hindi siya pagbigyan. Mukhang chicks pa naman.


Nagkaroon ako ng kagrupo na hindi ko rin pinapansin. Ang tawag sa grupo namen eh "JOSEPH" na hango sa mga tribo ng ISRAEL. Tulad ng mga tao sa pagpapakilala, iba-iba rin ang karakter ng mga tao sa grupo ko. Holy cow! Ka-grupo ko ang taong pagpapakilala pa lang, nagsabi na ng buong buhay nya at 'yung isang talentado na magaling kumanta.


Nag-sharing sila.  Sa sharing pa lang pinakilala ko na ang sarili kong ayaw ko silang makilala. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa'ken pero alam ko sa sarili kong wala akong suot na maskara. Ayokong magpakabait kunwari ng tatlong araw para lang sa retreat tapos balik sa dati pagkatapos. 


LUNCH TIME.


Masarap ang soup at ulam. Sa haba ng pagkakaupo ko sa monoblock chair, ang pagkain ang isa sa mga bagay na talagang pinakahihintay kong i-announce. Kumukuha na ako ng kanin nang...


"Dasal muna tayo?" Sabi ng kagrupo kong sumulat kay Ate Charo ng MMK.


Hindi ako sumabay sa dasal pero huminto ako ng pagkuha. Sa isip-isip ko, "plastik ne'to."
Napatunayan kong 'di naman talaga nila gawaing magdasal dahil nung dinner at kinaumagahan, wala ng nagdasal bago kumain. At natuwa naman ako dahil hindi ko na sila kailangang hintayin.


Nakakaantok ang hapon. Air-conditoned pa ang room kaya naman talagang pwede kang managinip habang gising. Isama mo pa ang mga "sharer" at mahahabang "talks" na ang galing magpatullog. Maganda pa naman sana ang message. Nagmistulang sketch pad ko ang notebook na binigay samen nang matapos ang mahabang oras. Master piece ko ang Angry Bird na dinrawing ko sa envelope. Hindi na sapat ang isang direksyon ng pag-upo sa silya dahil kakalyuhin na ang tumbong ko. Nakatulog ata ako sa upuan ng 5mins nang biglang kakain na ulit.


"Aba! Ayos ah. Patabaing oso."


Pagkatapos kumain, umakyat ako sa kwarto upang pasingawin ang paa kong maasim. Nagtsinelas ako! Now I know -- pasingawin muna ang paa kung pwede. Maasim pa rin kaya't naghugas ako ng paa. Sa isip-isip ko, mapapasma ako lalo ne'to.


Ang akala ko, tapos na ang mga pakikinig ngunit mali ako! Inabot ulit kame ng hanggang alas 
diyes. At dahil 2-3 oras lang ang tulog ko, wala na akong energy at hindi na ako naeexcite kumain. Ang gusto ko na lang gawin ay mahiga at matulog.


Sa Wakas! Pwede ng matulog.


Pagkalabas ng seminar hall, bumungad samen ang mga kandila sa labas at ang mga chicks na me dalang puting rosas. Nag-agawan pa sila ng bigay sa'ken. Totoo!
Astig ng kantahan dahil violin ang instrumento ng banda habang tugtog ang "HARANA" ng Parokya ni Edgar. Nabuhayan ako ng dugo dahil may musika, pagkain at oras na para tumalon-talon.


Nakisabay ako sa tugtugan. Sumalo ako sa kantahan. Tumikim ako sa kainan. Pero wala pa rin akong kaibigan. Autistic mode pa rin. Yumosi lang ako tapos, umakyat na rin.


Wala akong baong damit pantulog kaya naghubad lang ako ng pants, itinira ang boxers at t-shirt sabay bulagta sa kama.  Nagtalukbong ng kumot, umusal ng dasal na nakasanayan ko na at ipinikit ko ang aking mga mata. Paggising ko bukas, umaga na.


Itutuloy...









Tuesday, May 1, 2012

SE 58


Day 1


Matagal na akong niyayaya ng "babe" ko sa retreat ng religious group kung saan kunwari raw aktibo siya. February niya pa ako niyaya pero dahil busy sa trabaho,  hindi ako maka-attend. Nagkaroon kame ng "LQ" noong pangalawang yaya niya kaya umabot ang 
paghihintay ng retreat ng tatlong buwan. Hanggang sa ayun, pwedeng-pwede na ako magretreat! naisip ko agad...


"Andameng CHICKS nito!" Biro lang.


Sa kotse pa lang excited na ako. Medyo badtrip lang dahil nagselos ang GF ko kay Cristine Reyes. NAKIPAGBREAK SIYA SA'KEN.Pero sabi ko sa sarili ko, wala dapat distraction! FOCUS kay LORD! Ayun oh. Napakaganda ng mood ko at naha-hyper ako kahit gutom.


Dasmarinas, Cavite.


Pumasok kame sa conference room. Me bandang tumutugtog, maingay, parang masaya naman.Pinaupo kame sa sa mga monoblock chairs na nakapaikot. Kumanta ang sponsoring class ng "Welcome to the Family" with matching hand gestures habang nakaharap sa mga 
attendees ng retreat. Pinagtatawanan namin ng workmate ko 'yung nasa tapat namen kasi di yata nakapagpractice.PERO SIYEMPRE, DISCREET LANG. Bulungan lang kame tapos HAHA.


After ng kanta nila, nagpakilala ang emcee at kelangang magpakialala rin ang bawat candidate for retreat. Pero kakaiba ito dahil kelangan mo raw sabihin ang mga sumusunod:


Pangalan:
Trabaho:
Kumpletuhin ang mga salitang: "I want to be remembered as..."


Oh diba? Slumbook.


Maraming bumida sa pagpapakilala. Merong hawig ni Bugoy na "mowdel" daw.(Sabi ng workmate ko Safeguard minomodel nya- kamay lang ang kita) Merong pagpapakilala pa lang, sinabi na agad 'yung buong buhay nya kung bakit siya nagreretreat. Merong naiyak na. 
Merong kumanta at nagpakita ng talento. Merong nag"knock" Knock" at bumenta ang joke. Merong pa-tweetums at tipongartistahin. Maraming beki at me mga tagong shivoli.Merong rich kid, me galing probinsya. Meron ding psychotic at mahilig sa anime at porn. Merong mga manang at malapit talaga sa Diyos.Merong nabansagang "Tiger Lily" dahil sa mala-tigre nyang shawl at gown. Merong Matitigas pero bandang huli, lumambot din. Merong Merong mahiyain daw at ang tanging kasiyahan eh mang-okray ng mga candidate. Ehem.


Ngayon alam nyo na kung bakit kelangan ko ng retreat? Kita pa lang unang araw na. 


Natapos ang retreat na wala akong nakilala kahit isa. Nawala ang lahat ng excitement ko dahil sa kadahilanang Diyos lang ang may alam. WTF! Late na ako pumasok ng assigned room ko dahil nagyosi pa kame ng workmate ko bukod sa worried ako sa maasim kong paa na baka maamoy ng mga kasama ko sa kwarto. Mahirap itago ang kaasiman ng paa ko lalo na at nagsusumigaw ito!


Alas sais ng umaga ang call time. Ala una ako nahiga. Time check: Alas-tres. Dahilan ba ito ng panlalait ko kanina o nasanay lang ako sa oras ng trabaho kong pang-gabi?Early bird si Imot dahil umiiwas ako sa mga kasamahan ko sa kwarto. Hindi ko alam kung dahil sa paa ko o dahil um-aatittude ako.


Wala pang ring ang bell, nauna na akong bumangon sa higaan. Puyat ako sa katitig sa puting kisame at pakikinig sa mga kanta ng RAKENROL music na nasa cp ko.




"NAKNANG!"


Ginulantang ako katotohanang wala nga pala akong shampoo pero mabait ang Diyos kayat nagningning sa mga mata ko ang shampoo ng roomate ko na nakapatong sa ibaba ng shower. EHEHE. Hindi ko kilala ang shampoo nya pero imported. Nahiya na nga akong gamitin ang conditioner kaya antigas ng buhok ko. (Naisip ko kapag imported lagi talagang me kasamang conditoner kasi matigas a buhok 'yung shampoong imported o sinadya para kasama sa bibilhin 'yung conditioner.)


Um-exit ako sa kwaro at nakita kong naghihintay na ang mga roomate kong halatang imbyerna dahil antagal ko sa banyo.


Umaga na, tinext ko si GF,walang reply. Pupuntahan ko sana ang workmate ko pero nagbago isip ko. Yosi muna, tingin sa langit, langhap ng sariwang hangin...


Itutuloy...

Wednesday, April 18, 2012

Mahirap maging NPA -No Permanent Address


Nabulabog ang momentum ko sa trabaho nang makatanggap ako ng text message mula sa syota ng tropa ko na tinutuluyan ko.


"kung ok lng wag ilabas pasok ang sapatos sa loob ng bhay tnx..."


Nagflashback saken ang pag-akyat-baba ko sa hagdan habang suot ko ang maingay kong sapatos. Napaisip ako kung madumi ba ang sapatos ko o naghahanap lang siya ng butas saken dahil ayaw nyang nasa bahay ako. OO, ganyan ako kasama mag-isip. Hindi kasi kame magkasundo simula nung nalaman nyang kasabwat ako ng tropa ko sa pagtatago ng lihim na me kabit si tropa.


Mahirap talaga makisama. Well, para saken, mahirap kasi sanay din akong mag-isa. Ang gusto ko, sa kwarto lang para magpahinga pagkatapos ng pakikipagbuno sa kagustuhang magtrabaho. Minsan nga naiisip ko:


"Ako ba talaga ang may problema o nagkakataon lang talaga?"


Minsan na rin akong umalis sa apartment ko sa Makati. Kasama ko dati 'yung mga tropa ko nung elementary. Ang kaso, nakasamaan ko ng loob 'yung kapatid ng tropa ko. Ang masaklap, dahil ito sa paglilinis ng bahay na talagang hindi ko kinahiligan. Aminado ako na pwede mo 'kong tawaging "Juan" kung gusto mo.


Hanggang sa nagkapatung-patong ang sita. Umalis ako ng apartment at eto na nga, andito na ko sa tropa ko. Ang problema naman, nadamay ako sa gulo.


Since kailangan kong magtipid, hindi pa ako makaalis. Sa halagang P900, meron na akong malaking kwarto, libreng wi-fi, kuryente at unlimited na rasyon ng tubig. Kasama na run ang gym equipment, libreng panunuod ng tv na may kasamang cable, pakikinig ng radyo, paggamit ng washing machine at syempre, pwedeng magdala ng chicks anytime!Pero hindi ako nagdadala maliban sa nag-iisang chicks sa buhay ko ngayon.


Sabihin nyo nga? Paano ko aalisan ang mga ito sa hirap ng buhay ngayon?


So ang nangyari, dedma muna ang napapanis kong laway dahil hindi kame nag-uusap ng syota ni tropa kahit na magkakasama kame sa iisang bahay. Tiisan ng pakikisama at pakapalan ng mukha dahil sa sabwatang nangyari.Patuloy lang ang pagtira sa bahay ng tropa, paggamit ng umlimited tubig, pagdadala ng chicks.Balang-araw baba rin ang cost of living sa Pinas at makakahanap din ako ng pwede sa budget.Tatanggalin na natin ang "NO" sa No Permanent Address...



Wednesday, April 11, 2012

IMOT - Isip, Musika, Oyot, Toma: Hindi ko GF si Cristine Reyes

IMOT - Isip, Musika, Oyot, Toma: Hindi ko GF si Cristine Reyes: May girlfriend ako si Roxanne Soria . Hindi ko GF si CRISTINE REYES . Halos mahimatay lang naman ako nung nakita ko siya. In short , w...

Monday, April 9, 2012

Hindi ko GF si Cristine Reyes

May girlfriend ako si Roxanne Soria.


Hindi ko GF si CRISTINE REYES.


Halos mahimatay lang naman ako nung nakita ko siya.In short, wala siyang epekto sa'ken.


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Wala akong time sa kanya. On the way nga ako sa taping nya, mahilig lang ako sa pagtatravel. Ayun lang 'yun, wag ka ngang malisyosa.


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Wala akong hilig sa chinita,maputi, seksi,pwede! WALA. Allergic ako run.Eew.


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Ayaw na ayaw ko sa taong magaling na umarte sa kamera, me talent pa sa pagkanta! Eh ganun si CRISTINE REYES, alam na!


Hindi ko GF si CRISTINE REYES.


Itetext ko siya mamayang hindi ko nga siya GF. Pero Actually, wala nga pala akong number nya.


Hindi ko GF si CRISTINE REYES.


Never ko siyang naisip, kaya tinititigan ko na lang ang picture nya. O bakit? Masama tumitig?
Mahilig ako sa labanan ng titigan. Walang basagan ng trip!


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Miss ko na si CRISTINE...Cristine Fermin, 'yung kapit-bahay namin.


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Mabango siya talaga.Mas sanay ako sa amoy ko, sori.


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Admitted bad girl siya, admitted naman din ako. Basta admitted kameng dalawa. 


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


Totoong tao siya, hayuf ako.Hindi ako umaasa ha! Tsaka, ayoko sa showbizlandia. Masaya na ako sa blogosphera!


Hindi ko GF si  CRISTINE REYES.


At hindi ako BF ni ARA CRISTINE PASCUAL KLENK. Hindi ko siya kilala, Obvious naman diba?


Hindi ko GF si CRISTINE REYES.






Pantasya ko siya...


Oh Ayan, umamin na.


'Wag kang magagalit Roxanne Soria, ha? Mahal kita.




***Inspired by the song "GF ko si Cristine Reyes." Eto 'yun. Gawa ni Dave Aguila


Thursday, April 5, 2012

Tsongke

"Kristyanong makasalanan
nagugumon sa mahalay
mag-isip ka at magnilay...


(Nehehehehe! Nehehehe!)

dito sa paghahatiran,
sa iyong Poong maalam."

Ayos ba sa background, Pre? hehe.Holy Thursday now yoah! 

Aaah...

Ansarap basain ng laway ang nanunuyo kong labi. Ang gulo ng kwarto. Nasaan na ba 'yung tubig dito?

Aww!

Tom Jones na 'ko. Ayaw ko namang kumain kasi sinabihan akong maligno ng ermat ko.

Hahaha!
Hahaha!
Hahaha!

Anung nakakatawa? Putaragis ka.

Ano? Wala pala?
GALUNGGONG...! este gunggong pala.

'Wag ka magalit Pare ah? Sipain kita 'pag napikon ka.Hehe.

May sasalihan akong kontes ng damo-han tungkol daw sa panitikan, sanaysay, kwento at tula. Hindi raw lahat ay kailangang madrama, eh bipolar ako.

Pwede!

Hindi raw lahat ay kailangang masaya, eh emo ako.

Panalo!

Hindi raw kailangang sa mata ng bata ay papasa, eh mahalay ako.


Sigurado!

Teka...

PWE!

Parang kanina pa may kulisap dito sa paligid ko ah - nakain ko pa.
Ay, sori Pare, naduraan 'ata kita.

Sandali!Lumalayo na ako sa Earth eh.Ayun nga. Sasali nga ako, Pre. Doon sa kontes ng damo-han. Ay, nasabi ko na ba 'yun?Hahahaha!

Alam mo ba kung nasaan ako?
'Lika, bulong ko sa'yo.

"Nand'yan sa puso mo."

Yihee!

Chos lang Pare!Apir.haha.

Andito ako sa silid-aklatan in English, library. Dito ako nagtatago. Cool?
Kumukuha ako ng idea baka kasi mapansin na naman ako ng Kagawaran ng Kalusugan, you know? Bawal daw ako.

Sssh...'wag kang maingay ha? Kampi tayo! 

"I'll kill you!"  sabi ni Achmed kapag daw sinumbong mo ako.Halah ka,pre. Halah ka!

Seryoso.Pakiramdam ko, Pre mananalo ako eh. Lumilipad na nga ako ngayon.

"Woopeee!"

Narinig mo ba? Nag-react si Barney.Hihi.

Ay, Pare me sasabihin ako sa'yo.'Lika,'lika!

Para kang saranggola!
Tanong mo kung bakit?

Kasi ang ganda mo sa malayo eh!

HOHO!

Ay,lalaki ka nga pala?

Laughtrip. Hahaha!

Hawak ko nga 'yong larawan mo eh. Teka, hawig mo pala si Piolo?

Hindi ako adik ha? 

Hindi. 

Hindi! 

Uy, hindi ah! Tumulo laway ko habang nagsasalita sa sobrang tuwa.

Gusto ko kasing maging bayani mo kaya ginawa ko 'to.Ikaw? Ano ba'ng dahilan mo at bakit 'yan ang ginagawa mo?

Sasali nga kasi ako 'dun sa damo-han. Ay, nasabi ko na ba 'yun? Ay, naulit ko na ba 'to? Kaumay na ba'ko? Eto, pre, atchara kainin mo.

Aray!

Bakit mo ako binato?
Bakit mo ako binato?!

Ano? Pikon ka na?Uupakan kita.

Umalis ka na rito. Tigilan mo na 'tong binabasa mo at mali ka ng hinuha. Gumising ka na.Hindi ako katulad mo. Walang "Tsongke" at hindi ito totoo. Likha lang ito ng isip ko.

Alam mo kung ano lang ang meron?


Ang Bagsik ng Panitik ng Damuhan at hindi damo-han kaya itigil mo na yan. Kalabanin mo ako ng normal. Magtuos tayo sa blogsite ng mga may tamang moral. 



***Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest.

Thursday, March 8, 2012

Medyas at Sapatos : Can be or Cannot be?

  • Nakarinig na ba kayo ng kwento tungkol sa isang sapatos at isang medyas? (HINDE PA!) Ako rin eh. Pareho pala tayo.^^ Gagawan ko sila ng kwento.
Sa isang malapit na bayan ng Makati (para maiba naman dahil laging malayo ang setting eh), nagkakilala sina Medyas at Sapatos.Walang araw na hindi sila nagkakaroon ng time sa isa't isa. Lagi silang magkasama maglakad,mag jogging at mag-badminton. Madalas din silang nagkukwentuhan.

Sapatos: Bangin ka ba?
Medyas : Hindi, MEDYAS ako--BAGAY TAYO! =)



Akala nilang dalawa hindi na sila magkakahiwalay dahil super mahal nila ang isa't-isa. Theme song pa raw nila ang "Runaway" ng The Corrs.

Hanggang dumating ang puntong kinatatakutan ng mga mahihirap, praktikal at hindi konyo. NAUSO ANG pagsusuot ng HAVAIANAS!Ito ang ugat kung bakit every weekend na lang nagkakasama ang dalawang tauhan.

Sapatos: Baby? kailan ba tayo magkikita? Miss you!
Medyas : Sa weekend na lang, magjogging tayo.Miss you more!K, thanks bye!

Habang tumatagal at maraming nauusong designs ang HAVAIANAS,unti-unting nawalan ng silbi ang mga track and field para kay Sapatos. Toxic si Medyas sa mga alikabok dahil suot siya ni HAVAIANAS na walang sapat na pantakip sa ilong nya. Me hika pa naman siya. 

Nadepress si Sapatos. Pakiramdam nya wala siya. Pakiramdam nya, hindi na siya necessity lalo na sa mga tulad ni Derek Ramsey na mahilig sa frisbee.



Tinawagan nya si Medyas.Sinabi nya ang kanyang nararamdaman dito upang magkaroon siya ng masasandalan at maisangguni na rin nya ang depression. Alam nyang minor ni Medyas ang Psychology at major nito ang Nursing.


Sapatos: Baby, nadedepress ako. Andame kong iniisip. Pakiramdam ko tumataba na ako dahil hindi na ako nagjojogging,naglalakad, naglalaro. Andito lang ako sa loob ng kahon ng Nike!

Medyas : Anu ba naman yan, Darlin'? Emo ka lang ok? Toxic na nga ako rito sa trabaho, ganyan ka pa tuwing nag-uusap tayo--

**Naputol ang linya dahil nagmamadali na si Medyas sa lakad nila ng mga hukbo ng HAVAIANAS.



Nakinig si Sapatos sa sinabi ni Medyas. Siguro nga emo lang siya masyado. Nagsimula siyang lumabas sa kahon ng Nike at maglakad lakad kahit paunti-unti. Guminhawa ang kanyang pakiramdam at nagkaroon muli ng self confidence.Nangako rin siya sa sarili na hindi na aayusin ang buhay at ang magulo niyang kwarto.



Ngunit patuloy ang pagkawala ng oras nila para sa mga pick-up lines at lambingan.Nakakalungkot para sa dalawang nilalang na magkaibang-magkaiba ng zodiac signs pero meant to be raw.

Sapatos: Baby? mahal mo pa ba ko?
Medyas : Anu ba namang tanong yan?Ba-bye na. by---

**Naputol na naman ang linya dahil kailangang umalis ni Medyas para sa aatend-an na bazaar sa Greenhills at Divisoria.

Sapatos: (Puyat galing sa work pero excited)Hello? Hello, Medyas?
Medyas : (Pabulong) Hello Sapatos, mamaya ka na tumawag, may ginagawa ako. K, thanks! Bye!

Madalas ng mag-inarte ito si Sapatos dahil naninibago siya kay Medyas at ilang ulit na rin itong nakipagbreak sa kanya. Nangangamba siyang mawala sa kanya ang iniibig.Lagi nya itong hinahabol sapagkat hindi nya ito matiis.

Alam nyang may malaking problemang pinagdadaanan si Medyas kaya ito nagsusumikap magtrabaho.Gusto nyang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa.Ngunit sobra na siyang nasasaktan lalo na at ma-Pride si Medyas.

Sapatos: Sori na. Awat na tayo.
Medyas : Ewan ko sa'yo. Sige na! Bye!
Sapatos: Wait lang, mag-usap tayo.
Medyas : Ayoko makipagdiskusyon sa'yo.

**Naputol ang linya. Tatawagan ulit ni Sapatos si Medyas hindi dahil naka-line siya sa SUN kundi dahil di nya nga ito matiis.

Sa kasalukuyan, hindi alam ni Sapatos kung ano ba ang dapat gawin. Alam nyang mahal nya si Medyas ngunit hindi na talaga sila magkasundo. At alam din nyang kapag sinabi nya ang nararamdaman kay Medyas, mamimis-interpret nito ito, pababayaan siya at sasabihing "Sige, go!Kung anung gusto mo."

Napawi ng mga luha, damdamin at puso'y tigang. Wala ng maibubuga, wala na kong maramdaman...
Nakapagtataka, saan na napunta?

Tuesday, January 10, 2012

S. M. P.

Lagi kong naeencounter ang salitang yan. Hinde ko alam kung bakit. Dahil ba sikat yan sa commercial? Dahil ba lagi akong may kainuman? O dahil nakakarelate ako at hinde ko lang pinapansin?

Gusto ko sanang magsulat ng isang love story pero parang luma na eh.Kaya pinakiramdaman ko na lang kung anu ba ang bagay, tutal PASKO naman.


Kung ang layo ay nasusukat sa pamamagitan ng distansya, ang kaligayahan ba ay nasusukat ng pag-iisa?Palagay ko hinde.


"Tang ina, pare...hinde ko kaya mag-isa."

"Kung ito lang ang dahilan para maramdaman kong mahal niya ako, gagawin ko na."

Malalamig daw ang Pasko nila.



Si Sharon - registered NURSE, 21 anyos, ismarte, may isang anak. Hinde mabilang ang naka-fling pero isang tao lang ang minamahal.

Sa BAR.


"Hi! mag-isa ka lang?" bati ng lalake kay Sharon.

Ngingiti siya ngunit hinde magpapakita ng interes.

Nagkuwentuhan sila pero hinde nila kilala ang isa't -isa. Nagtawanan sila pero parehong malungkot ang mga mata.


"Sayaw tayo mamaya."

"NO, thanks parehong kaliwa ang mga PAA ko."

"Ok lang, parehong kanan naman 'yung saken eh."


Sumayaw sila sa kadiliman at nakisama sa karamihan.




Si Bob - writer, 30 anyos, mapera, hinde naman masasabing pangit at hindi ring masasabing guwapo pero overweight. Nagsumikap mag-gym para pumayat. Umaasa siyang maraming babae ang magkakandarapa sa kanya at mababago ang buhay nya sa isang alaala na pilit niyang kinakalimutan pero parang bangungot na binabalik-balikan.

"Andyan ka ba... Sana andyan ka...OK lang

kahit wala, basta alam kong may nakakabasa

nito." sabi ng babae sa alaala.

"Bakit?"

"Nalulungkot ako...Wala na kami ng ngayon

ko..."



"Bakit sa'ken mo sinasabi 'yan? Samantalang
ako ang nakaraan mo? Bakit mo ako pinaasa,
iiwanan mo rin pala? Bakit mo 'ko pinaghintay?"

"Sorry..."

"Yan lang ba ang masasabi mo? Hindi ibig
sabihin natatanggapin ko ang sorry mo ay
pinatawad na kita. May Ibang taong kelangan mo lang patawarin, kalimutan at hayaang mag-isa."


At tuluyan na siyang nilamon ng realisasyon na
mahal niya ang babae sa nakaraan ngunit
kailangan niya itong pabayaan.


Tumayo siya.Ibinaba nya ang bolpen, nilukot nya ang mga papel, lumabas siya ng bahay
at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga niya ang usok sa ulap.


"IKAW na ang bahala sa PUSO ko."


Si Bambi - Callcenter agent, 22,Seksing mataba kung ihalintulad ng mga kaibigan, maraming 'friends' pero walang minamahal.

"Bakit ba ayaw mo na akong balikan?"

"A--ano? Lakaasan mo hindi kita marinig dahil

sa ulan."

"MAHAL MO PA BA AKOOoo?"


"Anu ka ba? 'Friends' na lang tayo!"

Napabuntong hininga ang lalaki. Umupo, nalukot

ang mukha. Nakangiti pero hindi tumatawa.

"Inom tayo."

"Ayoko."

"Konti lang."

"Ikaw na lang..."

Nagkatitgan sila. Ngumiti ang isa. Kumislap

ang mata.Tumikhim ang lalaki.

Katahimikan.


Nagpapakiramdaman.
Naglakbay ang kamay.
Walang pagtutol.
Natutunaw ang kandila sa sala.
Dumilim ang paligid.
Nilamon ng pusikit na liwanag ang pusong sawi.


Namasa ang paligid sa ulan - sumabay sa

indayog ng mga dahon sa nag-aalimpuyos ng

hangin dala ng bagyo. Narinig sa apat na sulok

ng silid ang impit na daing ng

kaligayahan.Sumigaw sa ligaya ang isip at

katawan, ngunit hindi narinig kailanman ang

puso.

Humupa ang ulan, nanatiling tuyo ang kalooban.


Si Rubi,27 anyos, payat, maputla, may
kagandahan ngunit hindi nag-aayos.

"Bakit kailangang dalawa ang minamahal mo?


Hindi ba pwedeng ako at AKO lang?"


"Mahal kita pero mahal ko rin siya!"


"Mababalewala ba ang lahat? Bakit kelangang
mangyari 'to ngayong aalis ako?"
 

"Marami pa akong pangarap. Gusto kong abutin
mo rin ang mga pangarap mo. MANGARAP KA!"
 

"Ikaw ang buhay ko."
 

"I'm sorry."

Parang nananadya ang panahon. Hindi ito
nagpasintabi nang tumahimik ang mundo at
hindi nya narinig ang ingay ng club. Nawala
ang mga tao, ang mga halakhak, tawanan,
yosi, alak, tugtog ng banda. At alam mo kung
ano ang natira? Ang pighati ng pag-iisa.


Ikaw ba? Malamig ba ang PASKO mo? May sarili ka bang DRAMA?

Wednesday, August 3, 2011

Sa Lilim ng Lumang Pangarap


Walang Kaugnayan ang sasabihin ko sa pamagat. Magkukwento lang ako.
Nakuha ko lang yang pamagat na yan sa pocketbook na nabasa ko nung grade two. Yes, grade two ako namulat sa tagalog pocketbooks! Bawal raw sa bata.Pero dahil adik ang panganay namin sa pocketbook at tuwang
tuwa ako sa mahikang hatid ng mga letrang pinagsama-sama upang nakakabuo ng pangungusap, talata at diwa, itinatakas ko ang mga pocketbook at nagbabasa
ako sa kwarto kahit pinagalitan ako ni Ate dahil hindi raw ito pambata.

Kinalaunan, naintindihan kong pang matanda ito dahil me mga bastos pala ang pocketbooks.Lalo 'yung mga kwentong magboyfriend talaga.

Minsan, kapag busy at nasa mood si Ate magpahiram ng mga koleksyon nya, nakikibasa ako sa kanya. Tumatabi ako sa kanya sa sala, kasama ang kapit-bahay nameng si Ate Grace, na isa rin sa nakikibasa ng mga pocketbooks nya.Kakagraduate ko lang sa Kindergarten at bago lang ako natuto magbasa
kaya tuwang tuwa ako kapag naiintindihan ko 'yung mga letters. Nagtataka ako bakit si Ate ambilis ilipat 'yung pages ng binabasa nya!
Kaya ang ginagawa ko, kapag nakikita kong naglilipat na si Ate ng page, nililipat ko na rin 'yung sa'ken kahit na ang binasa ko lang eh
'yung last 2 sentences nung page sa ibaba - minsan hindi ko pa tapos dahil nakikipagunahan ako kay Ate.

One time, nung college,nagchecheck kame ng test papers tapos eh nagbabasa ako ng tagalog pocketbook
sa klasrum dahil alam ko na ang resulta ng score ko sa exams - nagmamakaawa.
Biglang nilapitan ako ni Mam Gonzales, prof namen sa Accounting.

"Olga, anu 'yang binabasa mo?"

"Ehh.. Mam! Wala po," sabay ngiti.

Kinuha ni Mam Gonzales ang pocketbook at binasa ang pamagat ng pocketbook..

"ANG LALAKI sa PANAGINIP."

Naglaho ako sa kinauupuan - one click. As usual, naging clown na naman ako ng klase.Tawanan.

"Hehehehehe."

"Bat nagbabasa ka nyan? Nakakabobo yan, dapat english ang binabasa mo." Sabi ni Mam.

"Ehh... Mam! Nakita ko lang po sa bahay."

Wala akong nasabi.Kasi nagpapa arkila si Mama ng pocketbook sa bahay kaya nagbasa ako ng isa.haha.

Sige, 'yung totoo, lagi akong nagbabasa.Hmf.

Kung may college, may Highschool. Ang uso noon, para maitago ang pocketbook, papatong mo ito sa mas malaking aklat. One time lang ako nagbasa ng pocketbook sa klasrum noong hayskul dahil mga libro na ni Bob Ong na ang binabasa ko. Hindi ko pa nasabing nahuli 'yung barkada kong si Jenlei na nagbabasa one time sa Filipino subject namen, Kaya siya nahuli?
Sabi ng teacher namen na si Sir George, unusual daw na magbasa si Jenlei ng book tapos titig na titig pa.

Nakakatuwa ang mga pocketbook dati pero aaminin ko na mas ay kalidad ang mga gawa noon kesa ngayon. Pero jologs.Uso noon ang mga pamagat na pang-telenovela.

"Pangarap ng Puso." - Isang sikat na artista si Babae pero kinidnap ng mayamang Fan nyang me sakit palang Cancer. Nainlab si Babae pero namatay ang lalake, in the end nakatuluyan ni Babae 'yung ka-loveteam nyang matagal ng nanliligaw sa kanya.

"Gusto ko ng Magbago." - Isang Babaeng binugaw ng Tiyahin nya pero may ambisyon sa buhay kaya't lumayas siya sa, nag-ipon upang magpa-hymenoplasty surgery (virginity surgery). Naging elevator girl siya sa isang malaking kumpanya habang nag-aaral at nainlab sa kanya ang CEO ngkumpanya at sila'y nagkatuluyan. Ang Tita nya at ang kanyang nakaraan ang main conflict sa Story.

"Nagkasalising Pag-ibig." - Dalawang magkababayan ang nagkatagpo at gulat silang malaman na ang mga 'crushes' nila ay malalapit na kamag-anak ng bawat isa. Nagkasundo silang i-build-up ang isa't isa sa kanya-kanyang crushes. Pero nalaman nilang naiinlab na pala sila sa isa't isa dahil nagseselos na sila nung nagkakamabutihan ang pagrereto nila. Sila ang nagkatuluyan after nila umamin. In the end, 'yung mgacrushes pala nila ang may gusto sa isa't isa - pinipigilan lang dahil mahal nila ang kanilang kamag-anak.WTF!

"Anghel sa Balikat ko." Kwento ng tipikal na lalakeng nainlab sa mayamang Babaeng anak ng politiko.Actually, hindi ko maalala ang Storya dahil ang alam ko, hindi ko ito natapos dahil nakornihan ako. Ang malinaw lang sa isip ko eh 'yung cover - Lalakeng nakapolong blue na parang natatae 'yung mukha habang nakasandig sa balikat nya 'yung babae. Nakaupo sila sa isa sa pew ng simbahan.

"Si Amboy at Si Ambok." - Si Ambrocio eh pandak, maitim pero maganda ang boses. Si Babaeng hindo ko na matandaan ang pangalan eh matangkad at maganda pero tinutuksong 'ambok' ng tatay niya nung siya's sanggol pa dahil sa kepers nyang matambok. Sumikat si Amboy bilang singer at dinadalaw dalaw pa rin niya si Ambok - magkinakapatid sila. na-overcome ni Amboy ang insecurities nya kay Amboy at sila'y nagkatuluyan. Naalala ko pa ang katapusan noon.

Nung hahalikan na ni Amboy si Ambok, hindi niya abot dahil pandal siya. Kumuha siya ng silya tapos ayun, nagkiss sila then wakas!

"Halayang Ube." - Isa sa pinakamadramang istoryang hindi ko malimutan dahil naging istorya ito sa Maalaala mo Kaya. Nainlab si Lalake sa unang beses pa lang nyang kita sa Babae nung pinayungan niya ito sa ulanan. Naging sila. Naging masaya ang buhay ni Lalake nung makilala nya ang babae dahil kagagaling niya lang sa break-up mula sa babaeng ambisyosa sa buhay na nag-abroad na iniwan siya. Nagtaka ang lalake, isang araw ayaw ng magpakita ng Gf nya, nakita niya itong me ibang bf.Nagkabalikan sila ng ex nya, nakarecover siya mula sa nakaraan sa tulong na rin ng ex nya. Tapos, naisipan nyang imbitahin sa kasal nya ang ex para magpasalamat na rin dahil sa ginawa bito naging strong siya. Patay na pala ang ex niyang pinayungan sa ulanan - nagpakamatay ito. Matagal na pala itong nirarape ng Amain at gawa-gawa lang nito ang nakita niyang may kasama itong iba dahil nito matanggap ang sarili para sa kanya. sabi ng babae sa sulat ay "marumi" na ito para sa kanya.

"Ang Girlfriend kong Boldstar." - Isang ordinaryong lalakeng may GF na boldstar na nababanas sa tuwing makakarinig ng mga usapan tungkol sa katawan ng GF nya. Ang GF ay nag-iiba ng anyo at ugali off-cam kaya't mahal na mahal ito ni Lalake, na pag-arte lang ang lahat at hindi si babae tulad ng napapanuod sa pelikula. Hindi na makayanan ni lalake ang mga sinasabi ng iba sa GF nya, nagkahiwalay sila. Naging Best Actress ang GF na boldstar pero may kulang sa buhay niya. Nag-announce siya sa gabi ng awards night na titigil na siya sa paggawa ng pelikula. Narealize ni Lalake ang mali niya at sila'y nagkapatawaran at nagkabalikan.

Ilan lang 'yan sa mga naaalala ko pang istoryang nabasa ko. Mga corny man, mas magaganda talaga sila kesa sa mga nauso ngayon. Series na ang uso tulad ng Kristine, Bud Brothers, Stallion, Billionare's Club, Senorita, etc.

Tapos walang lalim 'yung mga salita, iisa lang ang tema - jOker si Babae at mayamang seryoso sa buhay si Lalake.Pwedeng baligtad ang sitwasyon.

Kung sa pabalat,mas makakakapal pa ag pocketbook nun at maliliit ang letra kaya sulit talaga. (Nagpromote?)
At ang mga drawings! Wag ka, alam mo yung nakikita sa billboards dati na pine-paint lang? GANUN! Tapos ang nakadrawing talaga eh 'yung characters.Di tulad ngayon na mukha ng artista 'yung nasa pabalat kahit wala itong kaugnayan sa istorya.

Si Helen Meriz ang pinakasikat na tagalog pocketbook writer noon. Pero andiyan din sina Maia Jose, Zoila,Nerissa Cabral, Gilda Olvidado...
Natatawa ako nung binalikan ko sa internet 'yang mga pangalan ng writers.
Naaalala ko ang pagkabata ko!Pero later ko lang nalaman na si Maia Jose ay kapatid ni Helen Meriz kung hindi ako nagkakamali, tama ako.


Ayoko ng horror ng pocketbook! Dahil naiirita ako sa imahinasyon ko lalo na kapag mag-isa akong nagbabasa.Dati, madalas kame lang ng mga kapatid ko sa bahay, busy sina Mama sa mga social gatherings nila, tapos nagbasa ako ng pocketbook na horror ng mag-isa sa kwarto. Sa sobrang pag-andar ng imahinasyon ko, narinig kong me tumawag sa pangalan ko. Takbo ako sa kusina kung nasan sila lahat. Nung gabing 'yon, hindi ako bumalik ng mag-isa sa kwarto. Baka me manghila ng paa ko.

Ibang-iba ang deskripsyon kapag tagalog ang binabasa mo. Fan din ako ng English Novels pero kung mamimili, sa tagalog pa rin ako. May kurot sa puso, madamdamin, may diin at malikot. Nakakatawa nga ang mga eksena sa tagalog pocketbooks kapag kumekeme ang mga characters. Hindi maaaring hindi masama ang kalikasan, laging may ulan o bagyo at laging nag-uusap ang bida habang nagkekeme.

Halimbawa:

"Nagsanib ang kanilang mga pawisang katawan sa saliw ng musikang sila lamang ang may gawa habang patuloy ang malakas na ulan na dumidilig sa tuyong halamananan sa labas."

"GOmeeeerrRRrrrrrr...!" Sigaw ng byuda kay Gomer kasabay ng kulog at kidlat bago pa man nila marating ang pinto ng langit.

Kung ikukumpara mo sa bagong pocketbooks ngayon, hindi na sila detalyado magkwento. Tag-lish kapag kumekeme. Mabilis maganap ang lahat.Korni na.

Hindi na ako nakakapagbasa ng tagalog pocketbooks pero nagbabasa pa rin ako ng nobela. Pinaglalaruan pa rin ako ng imahinasyon ko sa horror stories pero wala na ako sa bahay namin. Nahinto na rin ang social gatherings nina Mama. Nag-asawa na si Ate at bumukod na pero nagtatakas pa rin ako ng mga nobela - 'yung kay Anji naman. Mabilis na ako magbasa pero 'yung huling two sentences pa rin ang binabasa ko kapag 'di ko trip ang kwento.Graduate na ako ng Accountancy, nagtuturo pa rin daw si Mam Gonzales pero wala na ang "Lalake sa Panaginip."

Nai-relate ko rin pala 'yung pamagat ko dahil umikot dito ang kwento.





Saturday, June 11, 2011

GUSTO KO LAMANG SA BUHAY

Sinong nakakaalam ng kantang 'to?
GUSTO KO LAMANG SA BUHAY by Itchyworms.
Subukan nyong pakinggan. :)


Sa madalas na pag-iisa ko sa apartment at sa kahirapang makakuha ng tulog sa araw-araw, marami akong naiisip isulat pero lahat nasa isip ko lang. Wala akong maisulat na maganda... hinde ko pa nga naitutuloy ang "Si Jollibee, si Dee at ang Mahiwagang Palabok."


Ang gusto ko lamang sa buhay sa mga oras na ito ay makagawa ng isang magandang sanaysay na kung saan pwede kong ilabas lahat ng gusto ko sabihin sa isang maikling pagkukuwento.
*Gusto ko lamang sa buhay makinig ng musika habang nakahiga sa aking kutson. (Oo, kutson dahil wala akong kama sa apartment.)


Ang Eksena:


Traffic sa labas. Basa ang suot mong medyas, siksikan sa MRT,walang masakyan at maulan--wala kang payong.


Gusto mong magrelaks?
*Gusto ko lamang sa buhay ay matulog ng 1 minuto sa oras ng trabaho. (pwede ring 1 hour,hihi.)


Kung panggabi ang pasok mo, malaking bagay 'to sa'yo. At lalong hinde ito imposible.


Ang Eksena:


Wala kang tulog dahil gumimik ka kaninang umaga--niyaya ka ng mga kaibigan mong tatlong beses mo lang makita sa loob ng isang taon at hinde mo ito matanggihan.Lumulutang ang isip mo, iba ang sinasabi mo kesa sa iniisip mo.
Hinde ka makatulog sa bahay.Parang may sariling utak ang katawan mo at namimili ng tutulugan - station mo.
Mainit ang hangin, nagigising kang parang basang sisiw.


Bukas? Tambak ka sa pagrerebisa ng gawa mo sa trabaho.
*Gusto ko lamang sa buhay ay jumebs sa pinakamalapit na CR.


Ito ang hobby ko.


Ang Eksena:


Kanina mo pa ito dinadala habang pinagpapawisan ka -- nang MALAMIG.
Tumatayo ang mga balahibo mo sa katawan, mabilis ka maglakad, minsan babagal (para umutot).
May tumawag sa'yo sumenyas ka lang na ikaw lang ang nakaintindi, naglakad ka ulit habang palingon lingon...
Nagdadasal ka... napapamura ka na... "HOLD IT.HOLD IT"
*Gusto ko lamang sa buhay ay uminom ng malamig na tubig nang nakapikit.
Lahat ng bagay, kapag ginawa mo ng nakapikit, MASARAP tulad ng pag-iom ng tubig na malamig.


Magbibigay pa ba ako ng eksena?
*Gusto ko lamang sa buhay ay umiyak kapag hinde na ako maiyak.


Kadalasan hindi ko magawang umiyak kahit gusto ko. Aminin mo, nangyayari rin ito sa'yo.


Ang Eksena:


Parang lolokohin mo lang ang sarili mo na maiyak ka na together with the sad face pero wala pa rin. Manunuod ka na lang ng pelikula ni AGA at ANGEL o ni JOHN LLOYD at BEA, VILMA at CHRISTOPHER... 'Yung mga alam mong korni para siguradiong may drama. Tapos matutulog ka na yakap ang unan, gagayahin mo kung paano naiyak 'yung bida sa pelikula.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makita ang PABORITO kong ARTISTA - Cristine Reyes.


Sino bang hindi? CHOOSY KA PA TEH!


Ang Eksena:


Naglalakad ka lang sa mall habang nakatingin ka sa malayo tapos biglang titigil ang mundo, dadaan siya sa harap mo pero normal kunwari ang reaksyon mo dahil sosyal ang mall na ito kung saan hindi pinapansin ang mga artista. Pag nakalagpas na siya, para kang pitpit na luya. Ipapakalat mo sa unlitext na nakita mo ang paborito mong artista at sasabihin mo kung gaano siya kaganda o kagwapo habang hinde ka pa rin makarecover. Nangyayari ito pagkalagpas na pagkalagpas ng paborito mong artista sa'yo.


Kung ako ito? Lalapitan ko na agad si Cristine Reyes tsaka magpapapicture! Da hell with the 'sosyal mall' effect!
*Gusto ko lamang sa buhay ay kumanta ng kumanta!
Bukod sa pagjebs, A-list ko ang pagkanta.


Ang Eksena:


May libreng videoke, binyagan o may okasyon. Kukunin mo ang songbook at hahanapin ang kantang mastered mo na para maganda ang epekto ng boses mo, hinde ka na mapipigilan sa pagsabog ng talent mong ikaw lang ang nakakaappreciate. Pero 30 minutes ago, hinde ka raw interesado kumanta --- malat ka raw, hinde ka raw marunong.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpamasahe ng likod.


Karamihan, matatanda ang makakintindi sa akin dito.


Ang Eksena:


Papasok ka ng room, nakatapis lang ng tuwalya. Gusto mo ng makatulog sa sarap ng masahe peor naalala mong marami kayo sa isang room at hindi hiwalay ang babae sa lalake, kurtina lang ang divider - si kuya nakakadiri ang tingin sa'yo. Pipikit ka na lang at iisiping gusto mong mabuhay - nang walang bahid dungis!


Moral Lesson: Huwag magitpid. Pumunta sa cheap na massage parlor.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may maisagot sa exams - ACCOUNTING.


Hinde na ako studyante pero ito ang kadalasang gusto ko noon.


Ang Eksena:


Kung chiks lang ang test paper, tunaw na ito kakatitig mo. Ang scratch paper mo puro sulat ng kung anu-anong bagay na iginuguhit lang na kamay mong walang magawa. The worst, wala kang scratch paper - me dingding at desk naman.
Masakit na ang pwet mo sa tatlong oras na exams, hinde ka magaling magpanggap na hinde ka tulog, 'yung calculator nasa bag mo imbes na gamit mo pala. Antagal ipasa ng kodigo, may nagtext sa'yo - napangiti ka. Ayun na pala ang sagot ng katabi mo.


Sa huli, may nagawa kang storya na ipinost mo sa net - BACHELOR OF SCIENCE in ACCOUNTANCY
*Gusto ko lamang sa buhay ay tumugtog ng gitara kapag brown out.


Madalas ko ito gawin sa amin dahil madalas dun magbrown out.


Ang Eksena:


Madilim, tahimik, may mga kuliglig at masarap pakinggan ang tunog ng pagtipa mo ng gitara. Ayos na sana ang lahat at pakiramdam mo nakikinig ang mga kapit-bahay sa'yo dahil walang maingay nang biglang nagkamali ka ng chords at pag-strum. Inulit mo pero ayaw dumiin ng daliri mo, antigas ng string! Sa isip mo, "hmp, iba na nga lang! Yung mas madali.Hehe."
*Gusto ko lamang sa buhay ay maglakad kasama ka.


Uuy, ang cheesy.


Ang Eksena:


Kunwari nagtitipid ka at niyaya mo na lang siya maglakad pero ang totoo, wala kang pera. Bawat hakbang, dasal mong sana malayo pa kayo sa patutuguhan, na sana lumakas ang ulan at mastranded kayo. Di bale ng sira ang sapatos mo, makapal naman ang kalyo mo sa paa. Di bale ng sumakit ang binti mo, wag lang ang sa kanya. Di bale ng hatinggabi na, amoy ka pa rin naman. Naka-ilang kilometro na kayo, wala ka man lang nasabi.Ang sounds na nakagawa mo lang eh ang tunog ng sapatos mo habang naglalakad. Aw.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may makausap nang matino sa oras na ako'y matino.


ABNORMAL?


Ang Eksena:


Normal ang lahat. Walang gulo, walang bago - in short, BORING ng araw na iyon. Ilang oras ka ng naghihintay na may magtext, na expire lang ang unlimited text registration mo. Balita ang palabas sa tv, napanuod mo na lahat ng DVD, sira ang radyo. Tumatatak sa isip mo ang salitang "LOSER" at "FAIL". Ikaw na, daig mo pa ang nagcast-away.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpahinga pa ulet.


Bawal? Krimen? Nangyayari kapag hinde pa sapat ang tulog ko.


Ang Eksena:


Dalawang araw na ang off mo pero parang kalahating araw pa lang. Gusto mo pang matulog, matulog, matulog at isa pang tulog. Papasok ka na mamaya, ayaw mong isipin...


*Sana hinde ko friend sa facebook ang boss ko.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makarating sa ibang bansa.


Ako na ang suwail sa Inang Bayan.


Ang Eksena:


Nakakuha ka na rin ng passport pagkatapos ng mahabang araw at pagpila mo sa CLAIMING AREA. Bukod pa ito sa oras na ginugol mo sa pagapply online at pagpila ulit para sa PROFILE INTERVIEW. Nararamdaman mo na ang snow sa ALASKA, natitikman mo na ang BIG APPLE ng NEW YORK at gatas ng NEW ZEALAND. Dumikit sa'yo ang BAWANG ng UAE, nakita mo na sa isip si JOHNNY DEPP ng HOLLYWOOD, nag animal feed ka na sa SAFARI ng AFRICA, Nilangoy mo na ang ANTARTIC OCEAN, napanuod mo ng live ang 2NE1, Wonder Girls at TVQX ng Korea, Nai-date mo na si MARIA OSAWA ng JAPAN. Bigla ka lang magigising na nasa computer ka lang at nakatulog sa apartment habang ang homepage mo eh JOBSTREET.
*Gusto ko lamang sa buhay ay YAKAPIN MO AKO.


Ayun lang naman talaga ang gusto ko. Sabi nga sa kanta ng itchyworms, "Hinde naman ako milyonaryo, BASTA araw-araw yakap mo 'ko, FEELING KO-- ang yaman yaman KO!"


Iba talaga kapag may yumayakap sa'yo - syempre kilala mo. Healthy sa isip, sa puso at sa emosyon.


Ang Eksena:


Antagal-tagal mong naghintay. Umiiyak ka lang nang mag-isa, katabi mo lang siya pero parang anlayo nyo pa rin.
Nanalo ang team nyo sa game, hinde nyo inasahan. Sumisigaw lahat ng tao - WOOOH!
Galit ka sa magulang mo, umalis ka ng bahay, matagal bago ka nagdesisyon nang isang araw umuwi ka...
Ayaw mo pang maging ina, pero nung ipinanganak mo na siya...
Mayabang kang boyfriend, tiwala kang hinde ka nya kayang ipagpalit. Bigla na lang sinabi nyang ayaw na nya, naiyak ka sa sobrang sakit.
Pagod ka na ng magtrabaho pero hindi ka parin pwedeng tumigil,naiisip mo ang pamilya mo.
Gusto mo ng matulog...
Pagod ka na sa problema ng mundo, asau na lahat ng kamalasan, wala kang asenso.. pero masyado ka lang ma-emo hinde naman pala totoo.

*YAKAPIN MO AKO, Feeling ko ang yaman-yaman ko.^^