Mainit pa sa umagang pandesal ang chismis ng nagkaroon ng Toyota Fortuner si Dee. Mas naging matunog ang pagkakaroon niya ng kotse sa maliit na bayan ng Tala kaysa sa balitang si Charice Pempengco ang nagwaging "Hottest Lesbian in the world" sa isang online survey ng mga LGBT. At tulad ng karaniwang role ng mga matatanda sa baryo pagkatapos ng malaking isyu, nasa ibaba ang usapan ng mga tsismosa:
"Siguro tumama sa lotto 'yang si Dee kaya't nakabili ng auto." Ang nakikitsismis na sabi ni Aling Roberta habang nadudurog ng tsitsaron para sa palabok.
"Nakow! Paano mananalo sa lotto eh ni hindi naman tumataya? Ni hindi nga lumalabas ng bahay 'yan 'diba? Baka me ilegal na ginagawa!" Hinalang sabi naman ng kontrabidang si Aling Gina.
"Aba'y oo nga ano? Pero hindi rin, masipag naman na bata eh. Maganda pa! mukha nga lang lalake, ano?"
"Ay, kahit ano pa 'yan! Sige na, umuwi ka na at marami pa akong gagawin dito sa tindahan."
Samantala...
"Paano ko naman kaya papatakbuhin 'to? Ermengawrd!"
"Ayoko ng kumain ng palabok para lang isipin na marunong akong magpatakbo nito. Hay! Kung buhay lang sana si Paul Walker..."
Ba-ba-ba-babanana...
Ba-ba-ba-babanana...
Pinindot ni Dee ang answer button ng kanyang cp.
"Hello?! Sino 'to? Ay, text pala!"
Kumusta na kau jan? Mis na mis ko na kau. E2 n bagong roaming number ko. Nkuha nyo b ang pnadala ko? Paload-an nyo nga pala muna ako ng P300 dhil wala akong panload kht sa ibang bansa ako nagwowork.
Padabog na pinatong ni Dee ang cp sa front seat ng sasakyan. Kung nasa mood lang siya ay papatulan nya ang texter sa modus operandi nito. Bored na siya at ayaw nya kumain ng palabok dahil 45 na ang sukat ng bewang nya dahil sa naipong carbs. Yes, hindi ka nagkamali ng basa, 45.
"Makapag-fb na nga lang."
Bumaba si Dee ng kotse at iningatang huwag masagi ng tiyan nya ang pintuan ng kotse ngunit siya'y bigo. Naglakad siya papunta sa computer shop na malapit sa kanila.
"Pa-internet po, isang oras," sabay punas ng nagmamantikang noo.
Sabik nyang tinype ang website at nag-open ng maraming tabs.
OOops! Maling screenshot pala. Eto talaga 'yun.
Alam na alam na nya kung sino ang hahanapin pagkalog-in.
J-O-L-L-I-B-E-E
Nagulat pa siya nang bumungad ang fan page ng pulang bubuyog sa fb. Isa pang search at nakita na nya ang hinahanap na babaeng pinagkaitan ng magandang pangalan sa kabila ng magandang mukha. Ilang segundong nagcramping ang puso nya sa pagtitig sa dp at cover photo ng dalagang hinihirang.
"Whew, ganda talaga nya kahit na peg nya lagi mag-pout ng lips at iisang anggulo lang lagi ang kuha sa picture." Ang sabi ni Dee sa sarili habang binabrowse ang mga photos at albums ni Jollibee na ilang beses na rin nyang pinagpantasyahan. Pervert!
Naaaliw na siya sa pagbabrowse ng timeline ni Jollibee way back 2009 nang biglang...
Jollibee
Kapagod! - playing badminton near Don Antonio Sports Complex beside Mercury Drug
Like. Comment. Share. 1 min ago.
Bingo! Ang galing talaga ng social networking sites, pwede ka ng ma-trace kung nasaan ka, ano'ng ginagawa mo, ano'ng pakiramdam mo o pakiramdam ng kapit-bahay mo o ng taong nakita mo sa MRT, jeep o Edsa dahil na rin sa mga vain na taong kahit kakainin na lang ang pagkain eh pipicture-an muna, pang-instagram.
Nagmadali si Dee na umuwi ng bahay - naligo, nagdeodorant, nagpanty-liner at syempre nagpabango. Dahil wala siyang pamasahe, napilitan siyang gamitin ang powers ng Mahiwagang Palabok para isiping marunong siyang magdrive. Kinuha niya ang bilao sa ilalim ng mesa sa kanilang kusina na itinago ni Aling Luzviminda kay Mang Menard dahil sa lakas nitong kumain.
Isang subo, nguya, pikit, isip...
"You don't turn your back on family, even when they do." Sabi nya pagkatapos isiping sing-galing nya magdrive si Toretto ng Fast and the Furious.
Humarurot ang Fortuner at tinungo niya ang landas patungo sa Don Antonio Sports Complex. Nagdrifting muna siya sa Edsa bago tuluyang nagpark sa destinasyon.
Inamoy-amoy niya ang paligid at hindi nga siya nagkamali sa halimuyak na dala ng hanging Amihan... amoy.. amoy...
Si JOLLIBEE!
Nakita nya ang dalagang nagpupunas ng pawis sa singit. *Eww!
Pero hindi nito naalis ang paghanga niya sa dalaga dahil ganun din naman siya magpunas ng pawis. Nagkubli siya sa mga halamanan kahit na alam naman nyang hindi nya maitatago ang katotohanan ng kanyang katawan.
"Kapag lumingon ka akin ka...1.. 2... 3... please... 6... 7... kahit isang lingon lang... 8... 8 and a half..9... 9 and a half... 9 and three fourth...ten." Lugo-lugong nag-walling si Dee sa likod ng pader malapit sa halamanan. Pakiramdam nya ay nanalo siya sa lotto - pero 5 numbers lang. Daig pa niya ang kumain ng turon pero nasa labas ang saging. Nagsisikip ang dibdib niya at nahihirapang huminga dahil siguro sa pinagpipilitan nya pa rin ang cup A kahit cup B na siya. Tumutulo ang pawis nya at umikot ang kanyang paligid. Hallucinated na narinig nya pa ang mga katagang "LOSER" bago siya tuluyang nahimatay.
Emote, guilt, madness, drama, comedy, shit, happiness, loneliness, what else?
Thursday, December 19, 2013
Tuesday, January 8, 2013
Umpisa ng Katapusan
Natatakot ako, nalilito.
Anung bukas ba mayroon ako?
Sa bagong landas
Sa bagong yugto
Wala ba sa lihis?
Paano tutungo?
Tinipon ko ang lakas
Pinag-isipan, nagnilay
Tama ba ang aking malay?
Huwag naman sana akong sumablay
Kailangan ko ng agapay
Malayo ang lakbayin
Tatlong oras kung tutuusin
Ang daan ko'y may kadiliman
Kandila ang tanging ilawan
Oras ko'y pasasaan?
Ayaw ko mang mamaalam
Desisyon ay naiatang
May bahid man ng kaba
Tinatapangan ko
Maniwala ka
Sa doo'y maraming bago
Sa dito nama'y umay na'ko
Wari'y walang pag-asenso
Kumakandili sa 'di totoo
San ka boboto?
Ito'y hindi madali
Ayaw ko ng patali
Mabuti nang mamalagi
Sa tunay na haligi
Kaysa naman sa namimili
Aking tatapusin ang linya
"Paalam na."
Aking ilalagay sa alaala
"Mag-ingat ka."
Heto't tapos na.
Subscribe to:
Posts (Atom)