Wednesday, August 3, 2011

Sa Lilim ng Lumang Pangarap


Walang Kaugnayan ang sasabihin ko sa pamagat. Magkukwento lang ako.
Nakuha ko lang yang pamagat na yan sa pocketbook na nabasa ko nung grade two. Yes, grade two ako namulat sa tagalog pocketbooks! Bawal raw sa bata.Pero dahil adik ang panganay namin sa pocketbook at tuwang
tuwa ako sa mahikang hatid ng mga letrang pinagsama-sama upang nakakabuo ng pangungusap, talata at diwa, itinatakas ko ang mga pocketbook at nagbabasa
ako sa kwarto kahit pinagalitan ako ni Ate dahil hindi raw ito pambata.

Kinalaunan, naintindihan kong pang matanda ito dahil me mga bastos pala ang pocketbooks.Lalo 'yung mga kwentong magboyfriend talaga.

Minsan, kapag busy at nasa mood si Ate magpahiram ng mga koleksyon nya, nakikibasa ako sa kanya. Tumatabi ako sa kanya sa sala, kasama ang kapit-bahay nameng si Ate Grace, na isa rin sa nakikibasa ng mga pocketbooks nya.Kakagraduate ko lang sa Kindergarten at bago lang ako natuto magbasa
kaya tuwang tuwa ako kapag naiintindihan ko 'yung mga letters. Nagtataka ako bakit si Ate ambilis ilipat 'yung pages ng binabasa nya!
Kaya ang ginagawa ko, kapag nakikita kong naglilipat na si Ate ng page, nililipat ko na rin 'yung sa'ken kahit na ang binasa ko lang eh
'yung last 2 sentences nung page sa ibaba - minsan hindi ko pa tapos dahil nakikipagunahan ako kay Ate.

One time, nung college,nagchecheck kame ng test papers tapos eh nagbabasa ako ng tagalog pocketbook
sa klasrum dahil alam ko na ang resulta ng score ko sa exams - nagmamakaawa.
Biglang nilapitan ako ni Mam Gonzales, prof namen sa Accounting.

"Olga, anu 'yang binabasa mo?"

"Ehh.. Mam! Wala po," sabay ngiti.

Kinuha ni Mam Gonzales ang pocketbook at binasa ang pamagat ng pocketbook..

"ANG LALAKI sa PANAGINIP."

Naglaho ako sa kinauupuan - one click. As usual, naging clown na naman ako ng klase.Tawanan.

"Hehehehehe."

"Bat nagbabasa ka nyan? Nakakabobo yan, dapat english ang binabasa mo." Sabi ni Mam.

"Ehh... Mam! Nakita ko lang po sa bahay."

Wala akong nasabi.Kasi nagpapa arkila si Mama ng pocketbook sa bahay kaya nagbasa ako ng isa.haha.

Sige, 'yung totoo, lagi akong nagbabasa.Hmf.

Kung may college, may Highschool. Ang uso noon, para maitago ang pocketbook, papatong mo ito sa mas malaking aklat. One time lang ako nagbasa ng pocketbook sa klasrum noong hayskul dahil mga libro na ni Bob Ong na ang binabasa ko. Hindi ko pa nasabing nahuli 'yung barkada kong si Jenlei na nagbabasa one time sa Filipino subject namen, Kaya siya nahuli?
Sabi ng teacher namen na si Sir George, unusual daw na magbasa si Jenlei ng book tapos titig na titig pa.

Nakakatuwa ang mga pocketbook dati pero aaminin ko na mas ay kalidad ang mga gawa noon kesa ngayon. Pero jologs.Uso noon ang mga pamagat na pang-telenovela.

"Pangarap ng Puso." - Isang sikat na artista si Babae pero kinidnap ng mayamang Fan nyang me sakit palang Cancer. Nainlab si Babae pero namatay ang lalake, in the end nakatuluyan ni Babae 'yung ka-loveteam nyang matagal ng nanliligaw sa kanya.

"Gusto ko ng Magbago." - Isang Babaeng binugaw ng Tiyahin nya pero may ambisyon sa buhay kaya't lumayas siya sa, nag-ipon upang magpa-hymenoplasty surgery (virginity surgery). Naging elevator girl siya sa isang malaking kumpanya habang nag-aaral at nainlab sa kanya ang CEO ngkumpanya at sila'y nagkatuluyan. Ang Tita nya at ang kanyang nakaraan ang main conflict sa Story.

"Nagkasalising Pag-ibig." - Dalawang magkababayan ang nagkatagpo at gulat silang malaman na ang mga 'crushes' nila ay malalapit na kamag-anak ng bawat isa. Nagkasundo silang i-build-up ang isa't isa sa kanya-kanyang crushes. Pero nalaman nilang naiinlab na pala sila sa isa't isa dahil nagseselos na sila nung nagkakamabutihan ang pagrereto nila. Sila ang nagkatuluyan after nila umamin. In the end, 'yung mgacrushes pala nila ang may gusto sa isa't isa - pinipigilan lang dahil mahal nila ang kanilang kamag-anak.WTF!

"Anghel sa Balikat ko." Kwento ng tipikal na lalakeng nainlab sa mayamang Babaeng anak ng politiko.Actually, hindi ko maalala ang Storya dahil ang alam ko, hindi ko ito natapos dahil nakornihan ako. Ang malinaw lang sa isip ko eh 'yung cover - Lalakeng nakapolong blue na parang natatae 'yung mukha habang nakasandig sa balikat nya 'yung babae. Nakaupo sila sa isa sa pew ng simbahan.

"Si Amboy at Si Ambok." - Si Ambrocio eh pandak, maitim pero maganda ang boses. Si Babaeng hindo ko na matandaan ang pangalan eh matangkad at maganda pero tinutuksong 'ambok' ng tatay niya nung siya's sanggol pa dahil sa kepers nyang matambok. Sumikat si Amboy bilang singer at dinadalaw dalaw pa rin niya si Ambok - magkinakapatid sila. na-overcome ni Amboy ang insecurities nya kay Amboy at sila'y nagkatuluyan. Naalala ko pa ang katapusan noon.

Nung hahalikan na ni Amboy si Ambok, hindi niya abot dahil pandal siya. Kumuha siya ng silya tapos ayun, nagkiss sila then wakas!

"Halayang Ube." - Isa sa pinakamadramang istoryang hindi ko malimutan dahil naging istorya ito sa Maalaala mo Kaya. Nainlab si Lalake sa unang beses pa lang nyang kita sa Babae nung pinayungan niya ito sa ulanan. Naging sila. Naging masaya ang buhay ni Lalake nung makilala nya ang babae dahil kagagaling niya lang sa break-up mula sa babaeng ambisyosa sa buhay na nag-abroad na iniwan siya. Nagtaka ang lalake, isang araw ayaw ng magpakita ng Gf nya, nakita niya itong me ibang bf.Nagkabalikan sila ng ex nya, nakarecover siya mula sa nakaraan sa tulong na rin ng ex nya. Tapos, naisipan nyang imbitahin sa kasal nya ang ex para magpasalamat na rin dahil sa ginawa bito naging strong siya. Patay na pala ang ex niyang pinayungan sa ulanan - nagpakamatay ito. Matagal na pala itong nirarape ng Amain at gawa-gawa lang nito ang nakita niyang may kasama itong iba dahil nito matanggap ang sarili para sa kanya. sabi ng babae sa sulat ay "marumi" na ito para sa kanya.

"Ang Girlfriend kong Boldstar." - Isang ordinaryong lalakeng may GF na boldstar na nababanas sa tuwing makakarinig ng mga usapan tungkol sa katawan ng GF nya. Ang GF ay nag-iiba ng anyo at ugali off-cam kaya't mahal na mahal ito ni Lalake, na pag-arte lang ang lahat at hindi si babae tulad ng napapanuod sa pelikula. Hindi na makayanan ni lalake ang mga sinasabi ng iba sa GF nya, nagkahiwalay sila. Naging Best Actress ang GF na boldstar pero may kulang sa buhay niya. Nag-announce siya sa gabi ng awards night na titigil na siya sa paggawa ng pelikula. Narealize ni Lalake ang mali niya at sila'y nagkapatawaran at nagkabalikan.

Ilan lang 'yan sa mga naaalala ko pang istoryang nabasa ko. Mga corny man, mas magaganda talaga sila kesa sa mga nauso ngayon. Series na ang uso tulad ng Kristine, Bud Brothers, Stallion, Billionare's Club, Senorita, etc.

Tapos walang lalim 'yung mga salita, iisa lang ang tema - jOker si Babae at mayamang seryoso sa buhay si Lalake.Pwedeng baligtad ang sitwasyon.

Kung sa pabalat,mas makakakapal pa ag pocketbook nun at maliliit ang letra kaya sulit talaga. (Nagpromote?)
At ang mga drawings! Wag ka, alam mo yung nakikita sa billboards dati na pine-paint lang? GANUN! Tapos ang nakadrawing talaga eh 'yung characters.Di tulad ngayon na mukha ng artista 'yung nasa pabalat kahit wala itong kaugnayan sa istorya.

Si Helen Meriz ang pinakasikat na tagalog pocketbook writer noon. Pero andiyan din sina Maia Jose, Zoila,Nerissa Cabral, Gilda Olvidado...
Natatawa ako nung binalikan ko sa internet 'yang mga pangalan ng writers.
Naaalala ko ang pagkabata ko!Pero later ko lang nalaman na si Maia Jose ay kapatid ni Helen Meriz kung hindi ako nagkakamali, tama ako.


Ayoko ng horror ng pocketbook! Dahil naiirita ako sa imahinasyon ko lalo na kapag mag-isa akong nagbabasa.Dati, madalas kame lang ng mga kapatid ko sa bahay, busy sina Mama sa mga social gatherings nila, tapos nagbasa ako ng pocketbook na horror ng mag-isa sa kwarto. Sa sobrang pag-andar ng imahinasyon ko, narinig kong me tumawag sa pangalan ko. Takbo ako sa kusina kung nasan sila lahat. Nung gabing 'yon, hindi ako bumalik ng mag-isa sa kwarto. Baka me manghila ng paa ko.

Ibang-iba ang deskripsyon kapag tagalog ang binabasa mo. Fan din ako ng English Novels pero kung mamimili, sa tagalog pa rin ako. May kurot sa puso, madamdamin, may diin at malikot. Nakakatawa nga ang mga eksena sa tagalog pocketbooks kapag kumekeme ang mga characters. Hindi maaaring hindi masama ang kalikasan, laging may ulan o bagyo at laging nag-uusap ang bida habang nagkekeme.

Halimbawa:

"Nagsanib ang kanilang mga pawisang katawan sa saliw ng musikang sila lamang ang may gawa habang patuloy ang malakas na ulan na dumidilig sa tuyong halamananan sa labas."

"GOmeeeerrRRrrrrrr...!" Sigaw ng byuda kay Gomer kasabay ng kulog at kidlat bago pa man nila marating ang pinto ng langit.

Kung ikukumpara mo sa bagong pocketbooks ngayon, hindi na sila detalyado magkwento. Tag-lish kapag kumekeme. Mabilis maganap ang lahat.Korni na.

Hindi na ako nakakapagbasa ng tagalog pocketbooks pero nagbabasa pa rin ako ng nobela. Pinaglalaruan pa rin ako ng imahinasyon ko sa horror stories pero wala na ako sa bahay namin. Nahinto na rin ang social gatherings nina Mama. Nag-asawa na si Ate at bumukod na pero nagtatakas pa rin ako ng mga nobela - 'yung kay Anji naman. Mabilis na ako magbasa pero 'yung huling two sentences pa rin ang binabasa ko kapag 'di ko trip ang kwento.Graduate na ako ng Accountancy, nagtuturo pa rin daw si Mam Gonzales pero wala na ang "Lalake sa Panaginip."

Nai-relate ko rin pala 'yung pamagat ko dahil umikot dito ang kwento.





Saturday, June 11, 2011

GUSTO KO LAMANG SA BUHAY

Sinong nakakaalam ng kantang 'to?
GUSTO KO LAMANG SA BUHAY by Itchyworms.
Subukan nyong pakinggan. :)


Sa madalas na pag-iisa ko sa apartment at sa kahirapang makakuha ng tulog sa araw-araw, marami akong naiisip isulat pero lahat nasa isip ko lang. Wala akong maisulat na maganda... hinde ko pa nga naitutuloy ang "Si Jollibee, si Dee at ang Mahiwagang Palabok."


Ang gusto ko lamang sa buhay sa mga oras na ito ay makagawa ng isang magandang sanaysay na kung saan pwede kong ilabas lahat ng gusto ko sabihin sa isang maikling pagkukuwento.
*Gusto ko lamang sa buhay makinig ng musika habang nakahiga sa aking kutson. (Oo, kutson dahil wala akong kama sa apartment.)


Ang Eksena:


Traffic sa labas. Basa ang suot mong medyas, siksikan sa MRT,walang masakyan at maulan--wala kang payong.


Gusto mong magrelaks?
*Gusto ko lamang sa buhay ay matulog ng 1 minuto sa oras ng trabaho. (pwede ring 1 hour,hihi.)


Kung panggabi ang pasok mo, malaking bagay 'to sa'yo. At lalong hinde ito imposible.


Ang Eksena:


Wala kang tulog dahil gumimik ka kaninang umaga--niyaya ka ng mga kaibigan mong tatlong beses mo lang makita sa loob ng isang taon at hinde mo ito matanggihan.Lumulutang ang isip mo, iba ang sinasabi mo kesa sa iniisip mo.
Hinde ka makatulog sa bahay.Parang may sariling utak ang katawan mo at namimili ng tutulugan - station mo.
Mainit ang hangin, nagigising kang parang basang sisiw.


Bukas? Tambak ka sa pagrerebisa ng gawa mo sa trabaho.
*Gusto ko lamang sa buhay ay jumebs sa pinakamalapit na CR.


Ito ang hobby ko.


Ang Eksena:


Kanina mo pa ito dinadala habang pinagpapawisan ka -- nang MALAMIG.
Tumatayo ang mga balahibo mo sa katawan, mabilis ka maglakad, minsan babagal (para umutot).
May tumawag sa'yo sumenyas ka lang na ikaw lang ang nakaintindi, naglakad ka ulit habang palingon lingon...
Nagdadasal ka... napapamura ka na... "HOLD IT.HOLD IT"
*Gusto ko lamang sa buhay ay uminom ng malamig na tubig nang nakapikit.
Lahat ng bagay, kapag ginawa mo ng nakapikit, MASARAP tulad ng pag-iom ng tubig na malamig.


Magbibigay pa ba ako ng eksena?
*Gusto ko lamang sa buhay ay umiyak kapag hinde na ako maiyak.


Kadalasan hindi ko magawang umiyak kahit gusto ko. Aminin mo, nangyayari rin ito sa'yo.


Ang Eksena:


Parang lolokohin mo lang ang sarili mo na maiyak ka na together with the sad face pero wala pa rin. Manunuod ka na lang ng pelikula ni AGA at ANGEL o ni JOHN LLOYD at BEA, VILMA at CHRISTOPHER... 'Yung mga alam mong korni para siguradiong may drama. Tapos matutulog ka na yakap ang unan, gagayahin mo kung paano naiyak 'yung bida sa pelikula.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makita ang PABORITO kong ARTISTA - Cristine Reyes.


Sino bang hindi? CHOOSY KA PA TEH!


Ang Eksena:


Naglalakad ka lang sa mall habang nakatingin ka sa malayo tapos biglang titigil ang mundo, dadaan siya sa harap mo pero normal kunwari ang reaksyon mo dahil sosyal ang mall na ito kung saan hindi pinapansin ang mga artista. Pag nakalagpas na siya, para kang pitpit na luya. Ipapakalat mo sa unlitext na nakita mo ang paborito mong artista at sasabihin mo kung gaano siya kaganda o kagwapo habang hinde ka pa rin makarecover. Nangyayari ito pagkalagpas na pagkalagpas ng paborito mong artista sa'yo.


Kung ako ito? Lalapitan ko na agad si Cristine Reyes tsaka magpapapicture! Da hell with the 'sosyal mall' effect!
*Gusto ko lamang sa buhay ay kumanta ng kumanta!
Bukod sa pagjebs, A-list ko ang pagkanta.


Ang Eksena:


May libreng videoke, binyagan o may okasyon. Kukunin mo ang songbook at hahanapin ang kantang mastered mo na para maganda ang epekto ng boses mo, hinde ka na mapipigilan sa pagsabog ng talent mong ikaw lang ang nakakaappreciate. Pero 30 minutes ago, hinde ka raw interesado kumanta --- malat ka raw, hinde ka raw marunong.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpamasahe ng likod.


Karamihan, matatanda ang makakintindi sa akin dito.


Ang Eksena:


Papasok ka ng room, nakatapis lang ng tuwalya. Gusto mo ng makatulog sa sarap ng masahe peor naalala mong marami kayo sa isang room at hindi hiwalay ang babae sa lalake, kurtina lang ang divider - si kuya nakakadiri ang tingin sa'yo. Pipikit ka na lang at iisiping gusto mong mabuhay - nang walang bahid dungis!


Moral Lesson: Huwag magitpid. Pumunta sa cheap na massage parlor.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may maisagot sa exams - ACCOUNTING.


Hinde na ako studyante pero ito ang kadalasang gusto ko noon.


Ang Eksena:


Kung chiks lang ang test paper, tunaw na ito kakatitig mo. Ang scratch paper mo puro sulat ng kung anu-anong bagay na iginuguhit lang na kamay mong walang magawa. The worst, wala kang scratch paper - me dingding at desk naman.
Masakit na ang pwet mo sa tatlong oras na exams, hinde ka magaling magpanggap na hinde ka tulog, 'yung calculator nasa bag mo imbes na gamit mo pala. Antagal ipasa ng kodigo, may nagtext sa'yo - napangiti ka. Ayun na pala ang sagot ng katabi mo.


Sa huli, may nagawa kang storya na ipinost mo sa net - BACHELOR OF SCIENCE in ACCOUNTANCY
*Gusto ko lamang sa buhay ay tumugtog ng gitara kapag brown out.


Madalas ko ito gawin sa amin dahil madalas dun magbrown out.


Ang Eksena:


Madilim, tahimik, may mga kuliglig at masarap pakinggan ang tunog ng pagtipa mo ng gitara. Ayos na sana ang lahat at pakiramdam mo nakikinig ang mga kapit-bahay sa'yo dahil walang maingay nang biglang nagkamali ka ng chords at pag-strum. Inulit mo pero ayaw dumiin ng daliri mo, antigas ng string! Sa isip mo, "hmp, iba na nga lang! Yung mas madali.Hehe."
*Gusto ko lamang sa buhay ay maglakad kasama ka.


Uuy, ang cheesy.


Ang Eksena:


Kunwari nagtitipid ka at niyaya mo na lang siya maglakad pero ang totoo, wala kang pera. Bawat hakbang, dasal mong sana malayo pa kayo sa patutuguhan, na sana lumakas ang ulan at mastranded kayo. Di bale ng sira ang sapatos mo, makapal naman ang kalyo mo sa paa. Di bale ng sumakit ang binti mo, wag lang ang sa kanya. Di bale ng hatinggabi na, amoy ka pa rin naman. Naka-ilang kilometro na kayo, wala ka man lang nasabi.Ang sounds na nakagawa mo lang eh ang tunog ng sapatos mo habang naglalakad. Aw.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may makausap nang matino sa oras na ako'y matino.


ABNORMAL?


Ang Eksena:


Normal ang lahat. Walang gulo, walang bago - in short, BORING ng araw na iyon. Ilang oras ka ng naghihintay na may magtext, na expire lang ang unlimited text registration mo. Balita ang palabas sa tv, napanuod mo na lahat ng DVD, sira ang radyo. Tumatatak sa isip mo ang salitang "LOSER" at "FAIL". Ikaw na, daig mo pa ang nagcast-away.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpahinga pa ulet.


Bawal? Krimen? Nangyayari kapag hinde pa sapat ang tulog ko.


Ang Eksena:


Dalawang araw na ang off mo pero parang kalahating araw pa lang. Gusto mo pang matulog, matulog, matulog at isa pang tulog. Papasok ka na mamaya, ayaw mong isipin...


*Sana hinde ko friend sa facebook ang boss ko.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makarating sa ibang bansa.


Ako na ang suwail sa Inang Bayan.


Ang Eksena:


Nakakuha ka na rin ng passport pagkatapos ng mahabang araw at pagpila mo sa CLAIMING AREA. Bukod pa ito sa oras na ginugol mo sa pagapply online at pagpila ulit para sa PROFILE INTERVIEW. Nararamdaman mo na ang snow sa ALASKA, natitikman mo na ang BIG APPLE ng NEW YORK at gatas ng NEW ZEALAND. Dumikit sa'yo ang BAWANG ng UAE, nakita mo na sa isip si JOHNNY DEPP ng HOLLYWOOD, nag animal feed ka na sa SAFARI ng AFRICA, Nilangoy mo na ang ANTARTIC OCEAN, napanuod mo ng live ang 2NE1, Wonder Girls at TVQX ng Korea, Nai-date mo na si MARIA OSAWA ng JAPAN. Bigla ka lang magigising na nasa computer ka lang at nakatulog sa apartment habang ang homepage mo eh JOBSTREET.
*Gusto ko lamang sa buhay ay YAKAPIN MO AKO.


Ayun lang naman talaga ang gusto ko. Sabi nga sa kanta ng itchyworms, "Hinde naman ako milyonaryo, BASTA araw-araw yakap mo 'ko, FEELING KO-- ang yaman yaman KO!"


Iba talaga kapag may yumayakap sa'yo - syempre kilala mo. Healthy sa isip, sa puso at sa emosyon.


Ang Eksena:


Antagal-tagal mong naghintay. Umiiyak ka lang nang mag-isa, katabi mo lang siya pero parang anlayo nyo pa rin.
Nanalo ang team nyo sa game, hinde nyo inasahan. Sumisigaw lahat ng tao - WOOOH!
Galit ka sa magulang mo, umalis ka ng bahay, matagal bago ka nagdesisyon nang isang araw umuwi ka...
Ayaw mo pang maging ina, pero nung ipinanganak mo na siya...
Mayabang kang boyfriend, tiwala kang hinde ka nya kayang ipagpalit. Bigla na lang sinabi nyang ayaw na nya, naiyak ka sa sobrang sakit.
Pagod ka na ng magtrabaho pero hindi ka parin pwedeng tumigil,naiisip mo ang pamilya mo.
Gusto mo ng matulog...
Pagod ka na sa problema ng mundo, asau na lahat ng kamalasan, wala kang asenso.. pero masyado ka lang ma-emo hinde naman pala totoo.

*YAKAPIN MO AKO, Feeling ko ang yaman-yaman ko.^^


Saturday, April 16, 2011

Di lang IKAW - popularized by JURIS

♫♪Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik...♫♪


Masasabi raw na nagbago na ang isang tao kapag HINDE NA SIYA NAMUMUHAY ng AYON SA GUSTO MO...

B: (Darating ng bahay) I'm home! Hon?
G: (Nanunuod ng tv)
B: ( Ngiting-ngiti) Wala ba akong kiss? (Paawa epek)
G: (Nakatitig sa tv) Anu bah?! Nakaharang ka, nanunuod ako ng tv eh!
B: Kiss lang eh, pagod na pagod ako sa work. Wala man lang, pampatangal ng pagod. Ni hinde mo man lang ako
sinalubong.
G: (Kinuha ang remote) Ay! Shucks! MARA CLARA na nga pala!!!

Masasabi rin sigurong nagbago na siya kapag hinde ka kayo MAGKA-LEVEL ng pag-iisip, pagmamahal at pang-unawa sa isa't-isa...


G: (Nagniningning ang mga mata)Babe? Anu kayang ginagawa natin sa mga oras na 'to kapag mag-asawa na tayo?
B: (Kunot-noo) Huh? Bakit? Anung oras na ba?
G: Alas tres ng hapon, Saturday..Hmm, siguro nasa bahay lang tayo tapos nanunuod ng DVD no? Or kaya nagdadate:)
Hihi! Alam mo eksayted na akong magkasama tayo sa bahay. Ikaw?
B: Hay, MATAGAL pa 'yon! Tsaka 'wag mo pa ngang iniisip yan, 16 years old pa lang tayo pag-aasawa na gad ang iniisip
mo. Mag-aral kang mabuti, magtapos muna tayo.

Kapag siguro hinde mo na siya matitigan ng diretso sa mata o kahit nakatingin ka sa kanya at nakatingin siya sa'yo pero hinde mo makita ang sarili mong kaugnay ng pagkatao niya...

B: (Nakayakap) I love you...
G: (Nakapikit)
B: Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito, alam mo ba?
G: (Nakapikit)
B: Sweetheart? sabi ko, "Mahal kita." (bulong)
G: NGooOorkk!
B: (Buntong-hininga)

♫Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya...♪♫

Lahat ng bagay sa mundo ay pahiram lang sa atin. At lalung lalong hinde natin maaaring ariin ang taong may sariling pag-iisip at damdamin.

Basha: I don’t even know kung tama ‘tong ginagawa ko, pero alam ko kailangan ko nang tapusin ‘to.
Popoy: Basha, mahal mo pa ba ‘ko?
Basha: Poy, I’m so sorry.

May mga dahilan talaga sa mundo na mahirap tanggapin ngunit kailangang gawin. Dahil hinde naman lahat ay naayon at nasulat sa mangyayari sa buhay mo eh. Sabi nga, "No matter how hard you plan for your life, LIFE has an own plan for you."

Umaambon...

B: (Yumakap nang mahigpit) Baby, miss na kita! Kailan ka ba babalik sakin?T.T
G: (Deadma) Sige na, umuuwi ka na.

Lumakas ang ulan...

♫Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko
Ay kailangan kang iwan...♫♪

Akala siguro ng marami one-sided ang pag-ibig. Akala siguro ng marami, lahat ng nakikipaghiwalay, masaya. Akala siguro ng marami, ganuon lang kadali IWANAN ang lahat ng alaala, at bumuo ng mga ito para sa isa pa at panibagong tao sa buhay mo.

B: Umuwi ka na, gabi na.
G: (Humihikbi) Aalis lang ako kapag sinabi mong hinde mo na ako mahal.
B: Anu ba? Sige na umuwi ka na. Mag-usap na lang tayo kapag makakausap ka na nang matino.
G: MATINO AKO!
B: 'Wag kang sumigaw. Nagtatahulan 'yung mga aso. Umuwi ka na.
G: Ikaw ang hinde matino. Sabihin mo munang hinde mo na ako mahal.
B: Hay..
G: Anu??!
B: Hin..Hindi na kita mahal...

(Mga aso): ArRuuuuuuu!

B: Sige na, umuwi ka na, gabi na. Hinde kita maihahatid.
G: T.T
B: Hay...

♫Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik♫

Alam naman ng mga tao kapag wala na eh. Hinde lang talaga sila bumibitaw. Hinde lang sila gumigising. Ang dahilan? AYAW NILANG SAYANGIN ANG MAGANDANG PAKIRAMDAM. Ang pakiramdam na nagmamahal...

B: m@h@7 mhU pHowh va Sx@?'
G: ..
B: m@h@7 mhU Ʊa Va Sxa@?!'
G: hinde kita maintindihan..
B: g@nY@ Qa n@m@n pHowh eh!
G: Sorry, sawang sawa na talaga akong intindihan ka.
B: b@et N@m@n pFU?! M@i n@G@huWa pFU ba Qng maS@ma!?' 7ov3 na 70v3 pFu qt@h!'
G: Sorry, tapos na tayo.
B: jujuju!

♫Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya..♫

G: Mahal mo pa ba siya?
B: Ayokong nakikitang nasasaktan.
(She reaches out and softly closes his eyes.)
G: Para kung masaktan man ako, hindi mo makikita…Mahal mo pa ba siya?
B:(He starts to sob) I’m sorry.

♫Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko
ay kailangan kang iwan...♫

B: Anu ba ako sa'yo?
G: Sinagot na yang tanong na 'yan.
B: Hay...
G: Mahal pa kita... Pero, HINDE pa pwede. HINDE PA TALAGA PWEDE.
B:...

Totoo nga kayang may sariling isip ang puso? O DUWAG lang talaga ang mga taong gumagawa ng dahilan para hinde sila magmahal? O talagang iba ang nasa isip mo sa gustong gawin ng puso mo.

♫Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging Masaya
Sa yakap at sa piling ng iba...♫

B: Tanggap ko na ang lahat sa'yo - ang lahat lahat sayo.
G: 'Wag. Pakiramdam ko hinde na ako ang taong nararapat sa'yo.
B: 'Wag mong sabihin 'yan...

KARUWAGANo KATAPANGAN? Para sabihin mo sa taong alam mo pang mahal mo pa na lumayo na siya sa'yo dahil magkaiba na kayo ng mundo. Dakila ba ang pag-ibig mo? O sa bandang huli ay ikaw lang din ang magsisisi para sa pag-ibig na alam mong siyang magpapaligaya sa'yo?

***DI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN

Si AJ Perez, Dolzura Cortez, Hanson at Manang Itring

AJ PEREZ is dead - YAHOO!

Adik 'tong Yahoo.

Nagulat ako nung nabasa ko sa yahoo news na patay na pala si AJ

Perez. Last time na nakita ko siya eh kahapon. Binigyan kasi ako

ni MIRAI, tropa ko, ng mini mag na andun ung mga model ng

BENCH. Napatitig pa nga ako kay AJ PEREZ dahil sabi ko sa isip ko:

AJ Perez pala ang pangalan nitong batang 'to na parang soshyal

magshalita? na hinde marunong umarte... (pasintabi po sa mga

tagahanga nya, ito'y ayon lamang sa obserbasyon ko). Bata pa,

no? 18 lang siya...

Anu bang ginagawa ko nung 18 years old ako?
Nag debut celebration? HINDE.
Hinde ko na matandaan bukod sa natuwa ako sa karanasang

unang bumoto.

"On the way home already from Dagupan.Long drive ahead..

Thanks to everybody who watched..."
--AJ PEREZ last tweet.

Ako kaya? Anung last word o words ko bago ako mamatay?
Siguro...
Uhm..
Pwede rin naman palang mamatay ng walang sinasabi.hehe.

“Hindi ako naniniwala…Putang…anong karapatan mong sabihin

sa akin yan?! Diyos ka ba?! Ikaw ba na nagbigay ng buhay sa

akin?! Sino ka ba?...Akala mo alam n’yo nang lahat ayoko nito!

Akala mo alam n’yong lahat hah..Ayoko nito…ayoko nito..ayoko

pang mamatay!...anong mangyayari sa mga anak ko…mga putang

ina n’yo…ayoko nito!” – Dolzura Cortez

Marami sa atin ngayon ang hinde nakakakilala kay Dolzura

Cortez dahil unang-una, hinde natin siya naabutan. Mga

kapanahunan siguro siya ng panganay na anak na lolo at lola

natin. Nakilala siya dahil namatay siya sa sikat na sakit - AIDS.

Siya rin ang kauna-unahang filipinang umamin sa publiko na

tinamaan siya ng bayrus nito- ,HIV.

Kung si AJ, medyo marami ang nakaalam na namatay na siya,

dahil sikat o papasikat pa lang siya, si Dolzura naman, namatay

dahil dala niya ang kasikatan ng sakit nya.Hinde ko pa sinama

ang internet na siyang dahilan kung bakit nalaman kong patay na

nga si AJ. Grabe no?

Hinde ko rin kilala si Dolzura. Napanuod ko lang kasi 'yung cd na

may pamagat na "DAHIL MAHAL KITA" starring VILMA SANTOS at

CHRISTOPHER DE LEON. Wala pa kasing pirated DVD na nabili at

nakakabagot sa apartment eh nakita ni MIRAI 'yung lumang CD,

pinagtyagaan ko na. Doon ko nalaman 'yung storya ni Dolzura

kahit na nung bata pa ako, me natatandaan kong napanuod ko na

siya sa BETAMAX.

Hinde ko alam kung ano ang last words nya, pero sabi nung

baklang workmate ko, eto raw un:

"Ansarap mabuhay..."

Tapos namatay na siya.

Ang Hanson na sinasabi ko sa pamagat ay ang aso namin. Si

Hanson ang naalala na kasabay ko lumaki.'Yun nga lang... tao

ako.hihi.
Pinapainom ko pa siya ng gatas naalala ko. Maitim ang mga

balahibo niya sa buong katawan at sa bandang leeg, may mga

puti. So, cute siya bilang aso.Namatay siya pagkatapos

mapanaginipan ni Mama na namatay raw ako. Sabi ni Mama,

sinagip daw ni Hanson ang buhay ko. Hinde ko alam kung

maniniwala ako pero siguro...

kung ako ang nasa kalagayan ni Hanson bago siya mamatay, ang

last words ko siguro eh..

"ARF..ARF..ERrrAaaaPppp, hirrrRRaaaAAaaPppppffF!"
Nilibing siya sa likod bahay namin. At hinde tulad nina AJ Perez

at Dolzura, kami lang sa pamilya o hinde pa nga lahat nakaalam

na patay na pala si Hanson. Kasi, nasa ibang lugar ang iba kong

kapatid nung nangyari 'yun.

Isa sa pa sa mga naalala ko nung bata ako eh si MANANG ITRING.

mga 3'9" lang yata ang height nya at kulay kape ang balat nya.

Laging nakapusod ang buhok nya na tulad ng mga titser at meron

siyang kulay brown na yosi sa bibig. ('Yung nababaligtad na yosi)

Isang beses nakita ko siyang nakalugay, kulang na lang ang walis

tingting at ang tawang,"Hee-hee-hee!" Nakakatakot para sakin

kasi nga bata ako at matanda na siya. At alam ko, nung bata pa

lang ako, mapanlait na ako.

Nagpapataya siya ng jueteng sa amin tuwing umaga. At lagi

akong tinatawag ng tatay ko para humingi ng numero.

(Naniniwala ang mga matatanda na kapag bata, swerte sa

pagbigay ng numero.) Isang beses lang nangyari na tinanong ako

ng tatay ko tungkol sa numero at hinde na naulit. Dahil siguro sa

sagot ko.

"Anung tatayaan natin?" Sabi ng tatay ko habang hawak ang

bolpen at papel ni Manang Itring.

"DYIS!" sabi ko.

"O cge, dyis. Anu pa? Dalawa ang kailangan natin para tumama,

kulang pa ng isa..
"

"Uh..."
"Uh..."
"Uh..."

"ISDA!" Sabi kong tuwang tuwa na parang me umilaw na

bumbilya sa ulo ko.

Matagal kong pinagisipan ang isda. Ang naalala ko kung bakit

isda ang nasabi ko eh dahil 'yun ang makikita sa LIKOD ng DYIS

SENTIMO ('Yung gray na parang white na magaan na si Andres

Bonifacio ata 'yung nakadrawing tapos sa likod eh Pandaca

Pygmaea.)

Mabait si Manang Itring. Nakangiti siya lagi kaya hinde naman

talaga siya nakakatakot, mapanlait lang talaga ako. Nagtaka ako

kung bakit hinde na siya nagpapataya ng jueteng, hanggang sa

nalaman kong patay na nga siya. Hinde pa nga pumasok ang kuya

ko sa trabaho at ginawang dahilan ang pagkamatay niya dahil

nagtotong-it kame sa bahay at tinamad na siya.

Di tulad ni Hanson, halos buong barrio namen ay nakaalam na

patay na si Manang Itring. Siguro dahil isa siya sa pinakamatanda

sa lugar namin. Sa dami pa namang ng nalibot nya kapapataya ng

jueteng, sinong hinde makakakilala kay Manang Itring?


Ang galing no? Iba't ibang kamatayan. Ibat'-ibang dahilan. Iba't-

ibang salita,iba't-ibang diwa. Sikat man sila o hinde, lahat sila

ay pumanaw na. Pero naaalala at maalala mo pa rin sila. Siguro

sa kung paano sila nagkaroon ng kaunting alaala sa buhay mo o

kung kahit sa isang saglit, napansin mo sila. Paano pa kaya ang

taong laging mong kasama? Ang lagi mong kayakap? Ka-holding

hands? Paano 'pag namatay sila? Ilang beses mo silang maalala?
Ang tao nga pumupunta sa patay para makiramay kahit hinde

nila kilala. Maaring para sa kape, maaring para sa biskwit o

sopas lang kaya pumunta, eh paano pa kaya kapag ikaw ang

namatayan? MASAKIT, diba?

Hinde ko alam kung paanong pakiramay ang dapat gawin dahil

hinde pa ako namatayan ng taong sobrang malapit sa akin.Pero

sana kung ako ang mamatay, pakiramayan po ng tunay ang mga

taong sobrang malalapit sa akin.

Monday, January 3, 2011

Bachelor of Science in Accountancy

“Bachelor of Science in Accountancy,” maangas pakinggan,hindi ba?

Nauso sa hayskul ang tanungan ng kurso pagkatapos na pagkatapos ng
graduation. Payabangan. ‘Pag hindi pang-Einstein ang kurso mo, hindi na inaalam
kung ano ba ‘yung kurso na ‘yon basta ang importante narinig nya na may kurso kang kinukuha.

At buti na lang, pwedeng ipagmayabang ang kursong kinuha ko sa kolehiyo. Diyan tayo bumibida kapag lumalabas ang yabangan. Pero kung tatanungin ako tungkol dito, wala akong maisagot na magpapatunay na ito talaga ang pinagbubunuan ko ng apat na taon o higit pa. Dahil ang maging mangmang sa kursong pinili mo ay ang pinakanakakaawang desisyon na pwede mong pagsisihan.

Magulo ang utak ko noong hayskul kahit hanggang ngayon. Maaari mo itong maihalintulad sa
Ayos ng kwarto mo. Noong nasa ikalawang baitang ako sa mataas na paaralan, ginusto kong maging nurse.
Ayun din ang sinuhestiyon ng nanay ko dahil maganda raw ang damit ng mga nurse ngunit sinupla ko
‘yon at sinabing “DI KO KAYANG MAGLAKAD habang MADAMING TILAMSIK NG PUTIK SA pwitan ko.” Hindi ko alam pero nandidiri ako sa sobarang puting damit. Pakiramdam ko eh hindi ako makakahinga at makakagalaw kapag puting-puti ang suot ko. At ayokong mamatay sa suffocation.

Dahil magtatapos na ang taon at kailangan kong bisitahin ang posibleng tahanan ko sa kolehiyo,
Sumama ako sa klasmeyt ko sa pagkuha ng entrance exams sa isang kilalang unibersidad kung saan nag-taping ang “1 More Chance.” Nursing at Fine Arts ang kursong napili kong ilagay. Malawak at mukhang mabango ang paligid ng skul pero walang tatalo sa amoy ng mga estudyante at tao rito--amoy pera. Inamoy ko ang sarili ko at nadismayang malapit na akong mag-amoy tinapay—putok.

Magdadalawang oras ng napapanis ang laway ko nang makakita ako ng 2 babaeng naliligaw. Napag-usapan ang CAT. Nakita kasi namin ang mga kadete sa malawak na field. Nagpayabangan sila kung anong mga ranggo ang meron sila.

“Nag-COCC ka ba?”
“Oo. Ex-O nga ako eh.(Hindi mo na itatanong)”

Silang dalawa ‘yun, ayokong sumingit.

“Ang galing mo naman!(Pero mas magaling ako.)”
“Ikaw? May ranggo ka ba?(hehe.)”
“Captain.(Kala mo ha!)”

Napansin ata nilang katabi ko lang sila at nananahimik lang ako habang nginangatngat ang kuko ko.

“Ikaw? Nag-COCC ka rin ba?(Kunwari interesado)”
“Oo, ansaya nga eh.(Masaya talaga, pramis.)”
“May ranggo ka ba?(Chura.)”
“Oo. (Chura mo rin.)”
“ANO?( tagal.)”
:”MS5.”
“Ano ‘yun?(Never Heard!)”
“Major Sierra 5. (Bukas luluhod ang mga TALA!)”
“MAJOR ka pala! Galing mu naman!(Tablado pero di pinahalata.)”
“Hehe.(Ako ang nagwagi.)”


Nagkahiwalay kami at nalimutan ko na kung sino sila pero maswerte dahil naisama ko sila sa librong ito.


Noong bata pa ako, ginusto ko namang maging abogado at mag-aral sa UP. Ang sabi ng nanay ko ay galingan ko raw dahil matatalino ang mga nag-aaral sa UP at pwede akong makakuha ng scholarship.
Nagningning pa ata ang mga mata ko noon na sinabi kong, “Sige, Ma! Makapasa kaya ako run?”
Sa awa ng Diyos, hindi ako nakapag-take ng exams dahil sa late ang mga requirements ko.

Bago ang graduation, may mga pumuntang speaker sa school para ibenta ang mga eskwelahang pinagtatrabahuhan nila. SUPER SALES TALK. At nakumbinse akong kumuha ng Psychology at gusto kong mag master ng pagbubukas ng THIRD_EYE at kausapin ang mga espiritu tuloy sa pagdiskubre ng PARANORMAL ACTIVITIES. Walang nakakaalam noon bukod sa inyo. Sinabi ko sa nanay ko ang Psychology at sabihan akong, “Tumigil ka. Masisiraan ka ng bait doon.” Hindi ako naniwala sapagkat kahit hindi ako nag-Psychology ngayon, hindi naman siguro halata.


Marso na ng napagtanto kong gusto kong mag-aral sa Maynila at makigulo sa mga estudyante ng isa sa mga sikat at may makatarungang matrikulang unibersidad sa Pilipinas, ang PUP. Kinuha ko ang kursong bagay sa ugali ko, Masscom. Umabsent kami ng mga klasmeyt ko, at noong araw na iyon, kame lang talaga ang absent sa klasrum. Nanadya ata ang iba kong klasmeyt.

Madali lang ang naging daloy ng lahat at naiskedyul kame sa isang pagsusulit. 40,000 ang kumuha ng eksam, 8000 lang ang kukunin. Pumorma ako sa araw ng eksams at pinagod ko ang ilong ko sa pamamagitan ng pagsusuot ng shades. 40% ang magaganda at 10% mula ulo mukhang paa samantalang 45% ang mga guwapong pumapatol sa bading at 5% ang ayaw umamin. Natapos ko ang eksam at nakipagkwentuhan sa proctor. Nag-iwan ako ng quadratic formula sa scratch paper upang magpatunay na nagsolb ako kahit hindi naman talaga kailangan ng formula. Natapos ang araw at naimagine ko ang sarili ko sa TV na pumapalit sa isang sikat na newscaster.

Summer. Mainit ang panahon at mainit din ang ulo ko. Hindi ko matanggap ang nangyaring trahedyang hindi ko inasahan dahil sa nasobrahan ako sa FAITH
(alternative term sa yabang ‘pag humble). Hindi ako pumasa sa PUP at swerte ang mga bad boys ng klasrum na siyang nagdiwang sa pagkakapasa ng eksam. Pakiramdam ko gumaan ang ulo ko dahil wala itong utak. Hallow. Sumabay pa ang sulat galing s pinakamatandang unibersidad ng Pilipinas. Hindi ko naipasa ang dalawang kursong kinuha ko. Naging itim ang nursing uniform, napipi ang newscaster at namanhid ang mga kamay ko sa pagguhit. Lumipad ang ulo ko sa sobrang gaan at pumasok ako sa paaralang di na kailangan ng entrance eksam bitbit ang duguang puso sa kursong isiniksik ko sa aking sistema: Bachelor of Science in Accountancy.

Bente Pesos at Mga Bagong Pera



Nakita mo na ba?

ehehe. Bago na ang 20 pesos ngaun.

Kala ko nga nagloloko lang 'yung tropa ko nung sinabi nya.

Hanggang may nagpakita nga saken na totoo pala.

Pinaglumaan na 'yung dati.

Kwento ko sa'yo. Pero itago mo'yung bente pesos na bigay ko.

Game.

Mas bata na si Quezon tapos sa likod andun ung mapa ng Pilipinas.

Napangiti ako.

Wala lang.. tapos biglang nablangko ang utak ko at nag-isip.

BLANKO talaga. Para bang ako lang ang pwedeng makaramdam at hinde mo pwedeng malaman at ng iba.

Naalala mo ba 'yun? Burado na kaya un?

'Wag mo ng alalahanin.

Kahit pera, nagbabago. Tayo pa kaya?

'Wag nga ako, wala namang tayo eh. hehe.

Si Ninoy daw nakatawa na sa payb handred, totoo ba?

Magkasama na sila ni Cory, sweet no?haha. Naisip pa nila un?

Tsk.

Antagal din naghintay ni Ninoy, no?

Antagal nyang nakasimangot sa dating 500.

Tapos after 13 years, bigla uli siyang ngumiti habang pareho silang nakangiti ng babaeng naging ilaw ng tahanan niya.

Ang haba ng buhok ni Cory.

Siguro papalitan na ni Ninoy ung tag-line nyang, "FILIPINO is worth dying for" ng "TRUE LOVE is worth waiting for." Naks, gumanun pa.

Tapos ang bagay na kowt jan eh, "THE BEST PLACE in the WORLD is sitting right BESIDE who owns your HEART."

Patlang.

Hey. Hey, makinig ka...

Mas ube na 'yung kulay ng isandaan. Kaso parang medyo tumanda ata 'yung maukha ni Roxas. May hinintay kaya siya?

Puyat? Medyo lumaki ang eyebags nya run eh.

O dahil call center agent din siya?haha.

Biro lang.

Hinde ka na natatawa sa jokes ko?

Uhmmm..

Si OsmeƱa, bagong gupit. New life raw siguro. Medyo payat na siya sa bagong P50 pesos. hahaha. Siguro dahil kapanahunan niya nun. Bagay sa kanya ang bago nyang buhok eh.

Parang ikaw, bagay sa'yo ang bago mong buhok...

kapanahunan mo na kasi...

Pero, pero, pero... hui, nakikinig k ba? Sa iba ka naman nakatingin eh.

Para kang si Diosdado Macapagal sa dalawang daan. Nakaharap nga pero anlayo ng tingin. May guhit ng kaunting ngiti ang labi ngunit blangko ang mga mata.

Paano kaya niya nagawa 'yun? IDOL mo ba siya?

Kasi... parang ikaw siya eh.

O aalis ka na?

Mamaya ka na umalis.

Minsan lang naman 'to eh.

Ngayon na lang ulet ako nagkwento.

Kasi pansin ko, bakit si Josefa Llanes Escoda lang ang nakangiti sa P1000? Kahit dati pa.

kawawa naman sina Vicente Lim at Jose Abad Santos. Mukha pa rin silang malungkot.

At bakit kaya dalawang lalake pa sila at nag-iisang babae si Josefa?

Well, kaya siguro siya masaya...

kasi dalawa ang kasama niya.

Kaya siguro ayaw mong sumama sa'ken no?

Kasi para kang si Josefa... andameng lalake para sa'yo.

Hehe. Hinde ka na mabiro. wag kang sumimangot.

Uhmmm...

O paano? ehehe.

Mahanap mo pa kaya 'yung bente pesos ko?

Nakakatuwa, makwento nga.