Inipon ko ang mga salita ngunit talagang wala. Ang nais ko lang ay damhin ang kabanata ng bawat himaymay ng sandali. Ang linya ng telepono ang nagsilbing daan ng ating pagkakalayo. Ang mga alaala naman ang nagsilbing gabay upang ikaw ay lumayo.
Gaano na ba katagal? Siyam na buwan. Ang bilis ng panahon at eto na tayo ngayon. Lumuluha ang mata, pati puso ko isinama ko na. Hanggang kailan mo ako tatanggihan? Hindi ako pusong bato, na sa'yo ang puso ko!
Ang sabi mo mas mabuti ito. Bakit ganoon? Hindi mabuti ang pakiramdam ko. Pinipilit mo akong iwasan, ang puso mo naman alam mo kung nasaan. Dapat pa bang ipaliwanag? Pareho naman tayo ng mga pangarap?