Tuesday, January 10, 2012

S. M. P.

Lagi kong naeencounter ang salitang yan. Hinde ko alam kung bakit. Dahil ba sikat yan sa commercial? Dahil ba lagi akong may kainuman? O dahil nakakarelate ako at hinde ko lang pinapansin?

Gusto ko sanang magsulat ng isang love story pero parang luma na eh.Kaya pinakiramdaman ko na lang kung anu ba ang bagay, tutal PASKO naman.


Kung ang layo ay nasusukat sa pamamagitan ng distansya, ang kaligayahan ba ay nasusukat ng pag-iisa?Palagay ko hinde.


"Tang ina, pare...hinde ko kaya mag-isa."

"Kung ito lang ang dahilan para maramdaman kong mahal niya ako, gagawin ko na."

Malalamig daw ang Pasko nila.



Si Sharon - registered NURSE, 21 anyos, ismarte, may isang anak. Hinde mabilang ang naka-fling pero isang tao lang ang minamahal.

Sa BAR.


"Hi! mag-isa ka lang?" bati ng lalake kay Sharon.

Ngingiti siya ngunit hinde magpapakita ng interes.

Nagkuwentuhan sila pero hinde nila kilala ang isa't -isa. Nagtawanan sila pero parehong malungkot ang mga mata.


"Sayaw tayo mamaya."

"NO, thanks parehong kaliwa ang mga PAA ko."

"Ok lang, parehong kanan naman 'yung saken eh."


Sumayaw sila sa kadiliman at nakisama sa karamihan.




Si Bob - writer, 30 anyos, mapera, hinde naman masasabing pangit at hindi ring masasabing guwapo pero overweight. Nagsumikap mag-gym para pumayat. Umaasa siyang maraming babae ang magkakandarapa sa kanya at mababago ang buhay nya sa isang alaala na pilit niyang kinakalimutan pero parang bangungot na binabalik-balikan.

"Andyan ka ba... Sana andyan ka...OK lang

kahit wala, basta alam kong may nakakabasa

nito." sabi ng babae sa alaala.

"Bakit?"

"Nalulungkot ako...Wala na kami ng ngayon

ko..."



"Bakit sa'ken mo sinasabi 'yan? Samantalang
ako ang nakaraan mo? Bakit mo ako pinaasa,
iiwanan mo rin pala? Bakit mo 'ko pinaghintay?"

"Sorry..."

"Yan lang ba ang masasabi mo? Hindi ibig
sabihin natatanggapin ko ang sorry mo ay
pinatawad na kita. May Ibang taong kelangan mo lang patawarin, kalimutan at hayaang mag-isa."


At tuluyan na siyang nilamon ng realisasyon na
mahal niya ang babae sa nakaraan ngunit
kailangan niya itong pabayaan.


Tumayo siya.Ibinaba nya ang bolpen, nilukot nya ang mga papel, lumabas siya ng bahay
at nagsindi ng sigarilyo. Ibinuga niya ang usok sa ulap.


"IKAW na ang bahala sa PUSO ko."


Si Bambi - Callcenter agent, 22,Seksing mataba kung ihalintulad ng mga kaibigan, maraming 'friends' pero walang minamahal.

"Bakit ba ayaw mo na akong balikan?"

"A--ano? Lakaasan mo hindi kita marinig dahil

sa ulan."

"MAHAL MO PA BA AKOOoo?"


"Anu ka ba? 'Friends' na lang tayo!"

Napabuntong hininga ang lalaki. Umupo, nalukot

ang mukha. Nakangiti pero hindi tumatawa.

"Inom tayo."

"Ayoko."

"Konti lang."

"Ikaw na lang..."

Nagkatitgan sila. Ngumiti ang isa. Kumislap

ang mata.Tumikhim ang lalaki.

Katahimikan.


Nagpapakiramdaman.
Naglakbay ang kamay.
Walang pagtutol.
Natutunaw ang kandila sa sala.
Dumilim ang paligid.
Nilamon ng pusikit na liwanag ang pusong sawi.


Namasa ang paligid sa ulan - sumabay sa

indayog ng mga dahon sa nag-aalimpuyos ng

hangin dala ng bagyo. Narinig sa apat na sulok

ng silid ang impit na daing ng

kaligayahan.Sumigaw sa ligaya ang isip at

katawan, ngunit hindi narinig kailanman ang

puso.

Humupa ang ulan, nanatiling tuyo ang kalooban.


Si Rubi,27 anyos, payat, maputla, may
kagandahan ngunit hindi nag-aayos.

"Bakit kailangang dalawa ang minamahal mo?


Hindi ba pwedeng ako at AKO lang?"


"Mahal kita pero mahal ko rin siya!"


"Mababalewala ba ang lahat? Bakit kelangang
mangyari 'to ngayong aalis ako?"
 

"Marami pa akong pangarap. Gusto kong abutin
mo rin ang mga pangarap mo. MANGARAP KA!"
 

"Ikaw ang buhay ko."
 

"I'm sorry."

Parang nananadya ang panahon. Hindi ito
nagpasintabi nang tumahimik ang mundo at
hindi nya narinig ang ingay ng club. Nawala
ang mga tao, ang mga halakhak, tawanan,
yosi, alak, tugtog ng banda. At alam mo kung
ano ang natira? Ang pighati ng pag-iisa.


Ikaw ba? Malamig ba ang PASKO mo? May sarili ka bang DRAMA?