Walang Kaugnayan ang sasabihin ko sa pamagat. Magkukwento lang ako.
Nakuha ko lang yang pamagat na yan sa pocketbook na nabasa ko nung grade two. Yes, grade two ako namulat sa tagalog pocketbooks! Bawal raw sa bata.Pero dahil adik ang panganay namin sa pocketbook at tuwang
tuwa ako sa mahikang hatid ng mga letrang pinagsama-sama upang nakakabuo ng pangungusap, talata at diwa, itinatakas ko ang mga pocketbook at nagbabasa
ako sa kwarto kahit pinagalitan ako ni Ate dahil hindi raw ito pambata.
Kinalaunan, naintindihan kong pang matanda ito dahil me mga bastos pala ang pocketbooks.Lalo 'yung mga kwentong magboyfriend talaga.
Minsan, kapag busy at nasa mood si Ate magpahiram ng mga koleksyon nya, nakikibasa ako sa kanya. Tumatabi ako sa kanya sa sala, kasama ang kapit-bahay nameng si Ate Grace, na isa rin sa nakikibasa ng mga pocketbooks nya.Kakagraduate ko lang sa Kindergarten at bago lang ako natuto magbasa
kaya tuwang tuwa ako kapag naiintindihan ko 'yung mga letters. Nagtataka ako bakit si Ate ambilis ilipat 'yung pages ng binabasa nya!
Kaya ang ginagawa ko, kapag nakikita kong naglilipat na si Ate ng page, nililipat ko na rin 'yung sa'ken kahit na ang binasa ko lang eh
'yung last 2 sentences nung page sa ibaba - minsan hindi ko pa tapos dahil nakikipagunahan ako kay Ate.
One time, nung college,nagchecheck kame ng test papers tapos eh nagbabasa ako ng tagalog pocketbook
sa klasrum dahil alam ko na ang resulta ng score ko sa exams - nagmamakaawa.
Biglang nilapitan ako ni Mam Gonzales, prof namen sa Accounting.
sa klasrum dahil alam ko na ang resulta ng score ko sa exams - nagmamakaawa.
Biglang nilapitan ako ni Mam Gonzales, prof namen sa Accounting.
"Olga, anu 'yang binabasa mo?"
"Ehh.. Mam! Wala po," sabay ngiti.
Kinuha ni Mam Gonzales ang pocketbook at binasa ang pamagat ng pocketbook..
"ANG LALAKI sa PANAGINIP."
Naglaho ako sa kinauupuan - one click. As usual, naging clown na naman ako ng klase.Tawanan.
"Hehehehehe."
"Bat nagbabasa ka nyan? Nakakabobo yan, dapat english ang binabasa mo." Sabi ni Mam.
"Ehh... Mam! Nakita ko lang po sa bahay."
Wala akong nasabi.Kasi nagpapa arkila si Mama ng pocketbook sa bahay kaya nagbasa ako ng isa.haha.
Sige, 'yung totoo, lagi akong nagbabasa.Hmf.
Kung may college, may Highschool. Ang uso noon, para maitago ang pocketbook, papatong mo ito sa mas malaking aklat. One time lang ako nagbasa ng pocketbook sa klasrum noong hayskul dahil mga libro na ni Bob Ong na ang binabasa ko. Hindi ko pa nasabing nahuli 'yung barkada kong si Jenlei na nagbabasa one time sa Filipino subject namen, Kaya siya nahuli?
Sabi ng teacher namen na si Sir George, unusual daw na magbasa si Jenlei ng book tapos titig na titig pa.
Nakakatuwa ang mga pocketbook dati pero aaminin ko na mas ay kalidad ang mga gawa noon kesa ngayon. Pero jologs.Uso noon ang mga pamagat na pang-telenovela.
"Pangarap ng Puso." - Isang sikat na artista si Babae pero kinidnap ng mayamang Fan nyang me sakit palang Cancer. Nainlab si Babae pero namatay ang lalake, in the end nakatuluyan ni Babae 'yung ka-loveteam nyang matagal ng nanliligaw sa kanya.
"Gusto ko ng Magbago." - Isang Babaeng binugaw ng Tiyahin nya pero may ambisyon sa buhay kaya't lumayas siya sa, nag-ipon upang magpa-hymenoplasty surgery (virginity surgery). Naging elevator girl siya sa isang malaking kumpanya habang nag-aaral at nainlab sa kanya ang CEO ngkumpanya at sila'y nagkatuluyan. Ang Tita nya at ang kanyang nakaraan ang main conflict sa Story.
"Nagkasalising Pag-ibig." - Dalawang magkababayan ang nagkatagpo at gulat silang malaman na ang mga 'crushes' nila ay malalapit na kamag-anak ng bawat isa. Nagkasundo silang i-build-up ang isa't isa sa kanya-kanyang crushes. Pero nalaman nilang naiinlab na pala sila sa isa't isa dahil nagseselos na sila nung nagkakamabutihan ang pagrereto nila. Sila ang nagkatuluyan after nila umamin. In the end, 'yung mgacrushes pala nila ang may gusto sa isa't isa - pinipigilan lang dahil mahal nila ang kanilang kamag-anak.WTF!
"Anghel sa Balikat ko." Kwento ng tipikal na lalakeng nainlab sa mayamang Babaeng anak ng politiko.Actually, hindi ko maalala ang Storya dahil ang alam ko, hindi ko ito natapos dahil nakornihan ako. Ang malinaw lang sa isip ko eh 'yung cover - Lalakeng nakapolong blue na parang natatae 'yung mukha habang nakasandig sa balikat nya 'yung babae. Nakaupo sila sa isa sa pew ng simbahan.
"Si Amboy at Si Ambok." - Si Ambrocio eh pandak, maitim pero maganda ang boses. Si Babaeng hindo ko na matandaan ang pangalan eh matangkad at maganda pero tinutuksong 'ambok' ng tatay niya nung siya's sanggol pa dahil sa kepers nyang matambok. Sumikat si Amboy bilang singer at dinadalaw dalaw pa rin niya si Ambok - magkinakapatid sila. na-overcome ni Amboy ang insecurities nya kay Amboy at sila'y nagkatuluyan. Naalala ko pa ang katapusan noon.
Nung hahalikan na ni Amboy si Ambok, hindi niya abot dahil pandal siya. Kumuha siya ng silya tapos ayun, nagkiss sila then wakas!
"Halayang Ube." - Isa sa pinakamadramang istoryang hindi ko malimutan dahil naging istorya ito sa Maalaala mo Kaya. Nainlab si Lalake sa unang beses pa lang nyang kita sa Babae nung pinayungan niya ito sa ulanan. Naging sila. Naging masaya ang buhay ni Lalake nung makilala nya ang babae dahil kagagaling niya lang sa break-up mula sa babaeng ambisyosa sa buhay na nag-abroad na iniwan siya. Nagtaka ang lalake, isang araw ayaw ng magpakita ng Gf nya, nakita niya itong me ibang bf.Nagkabalikan sila ng ex nya, nakarecover siya mula sa nakaraan sa tulong na rin ng ex nya. Tapos, naisipan nyang imbitahin sa kasal nya ang ex para magpasalamat na rin dahil sa ginawa bito naging strong siya. Patay na pala ang ex niyang pinayungan sa ulanan - nagpakamatay ito. Matagal na pala itong nirarape ng Amain at gawa-gawa lang nito ang nakita niyang may kasama itong iba dahil nito matanggap ang sarili para sa kanya. sabi ng babae sa sulat ay "marumi" na ito para sa kanya.
"Ang Girlfriend kong Boldstar." - Isang ordinaryong lalakeng may GF na boldstar na nababanas sa tuwing makakarinig ng mga usapan tungkol sa katawan ng GF nya. Ang GF ay nag-iiba ng anyo at ugali off-cam kaya't mahal na mahal ito ni Lalake, na pag-arte lang ang lahat at hindi si babae tulad ng napapanuod sa pelikula. Hindi na makayanan ni lalake ang mga sinasabi ng iba sa GF nya, nagkahiwalay sila. Naging Best Actress ang GF na boldstar pero may kulang sa buhay niya. Nag-announce siya sa gabi ng awards night na titigil na siya sa paggawa ng pelikula. Narealize ni Lalake ang mali niya at sila'y nagkapatawaran at nagkabalikan.
Ilan lang 'yan sa mga naaalala ko pang istoryang nabasa ko. Mga corny man, mas magaganda talaga sila kesa sa mga nauso ngayon. Series na ang uso tulad ng Kristine, Bud Brothers, Stallion, Billionare's Club, Senorita, etc.
Tapos walang lalim 'yung mga salita, iisa lang ang tema - jOker si Babae at mayamang seryoso sa buhay si Lalake.Pwedeng baligtad ang sitwasyon.
Kung sa pabalat,mas makakakapal pa ag pocketbook nun at maliliit ang letra kaya sulit talaga. (Nagpromote?)
At ang mga drawings! Wag ka, alam mo yung nakikita sa billboards dati na pine-paint lang? GANUN! Tapos ang nakadrawing talaga eh 'yung characters.Di tulad ngayon na mukha ng artista 'yung nasa pabalat kahit wala itong kaugnayan sa istorya.
Si Helen Meriz ang pinakasikat na tagalog pocketbook writer noon. Pero andiyan din sina Maia Jose, Zoila,Nerissa Cabral, Gilda Olvidado...
Natatawa ako nung binalikan ko sa internet 'yang mga pangalan ng writers.
Naaalala ko ang pagkabata ko!Pero later ko lang nalaman na si Maia Jose ay kapatid ni Helen Meriz kung hindi ako nagkakamali, tama ako.
Ayoko ng horror ng pocketbook! Dahil naiirita ako sa imahinasyon ko lalo na kapag mag-isa akong nagbabasa.Dati, madalas kame lang ng mga kapatid ko sa bahay, busy sina Mama sa mga social gatherings nila, tapos nagbasa ako ng pocketbook na horror ng mag-isa sa kwarto. Sa sobrang pag-andar ng imahinasyon ko, narinig kong me tumawag sa pangalan ko. Takbo ako sa kusina kung nasan sila lahat. Nung gabing 'yon, hindi ako bumalik ng mag-isa sa kwarto. Baka me manghila ng paa ko.
Ibang-iba ang deskripsyon kapag tagalog ang binabasa mo. Fan din ako ng English Novels pero kung mamimili, sa tagalog pa rin ako. May kurot sa puso, madamdamin, may diin at malikot. Nakakatawa nga ang mga eksena sa tagalog pocketbooks kapag kumekeme ang mga characters. Hindi maaaring hindi masama ang kalikasan, laging may ulan o bagyo at laging nag-uusap ang bida habang nagkekeme.
Halimbawa:
"Nagsanib ang kanilang mga pawisang katawan sa saliw ng musikang sila lamang ang may gawa habang patuloy ang malakas na ulan na dumidilig sa tuyong halamananan sa labas."
"GOmeeeerrRRrrrrrr...!" Sigaw ng byuda kay Gomer kasabay ng kulog at kidlat bago pa man nila marating ang pinto ng langit.
Kung ikukumpara mo sa bagong pocketbooks ngayon, hindi na sila detalyado magkwento. Tag-lish kapag kumekeme. Mabilis maganap ang lahat.Korni na.
Hindi na ako nakakapagbasa ng tagalog pocketbooks pero nagbabasa pa rin ako ng nobela. Pinaglalaruan pa rin ako ng imahinasyon ko sa horror stories pero wala na ako sa bahay namin. Nahinto na rin ang social gatherings nina Mama. Nag-asawa na si Ate at bumukod na pero nagtatakas pa rin ako ng mga nobela - 'yung kay Anji naman. Mabilis na ako magbasa pero 'yung huling two sentences pa rin ang binabasa ko kapag 'di ko trip ang kwento.Graduate na ako ng Accountancy, nagtuturo pa rin daw si Mam Gonzales pero wala na ang "Lalake sa Panaginip."
Nai-relate ko rin pala 'yung pamagat ko dahil umikot dito ang kwento.