“Bachelor of Science in Accountancy,” maangas pakinggan,hindi ba?
Nauso sa hayskul ang tanungan ng kurso pagkatapos na pagkatapos ng
graduation. Payabangan. ‘Pag hindi pang-Einstein ang kurso mo, hindi na inaalam
kung ano ba ‘yung kurso na ‘yon basta ang importante narinig nya na may kurso kang kinukuha.
At buti na lang, pwedeng ipagmayabang ang kursong kinuha ko sa kolehiyo. Diyan tayo bumibida kapag lumalabas ang yabangan. Pero kung tatanungin ako tungkol dito, wala akong maisagot na magpapatunay na ito talaga ang pinagbubunuan ko ng apat na taon o higit pa. Dahil ang maging mangmang sa kursong pinili mo ay ang pinakanakakaawang desisyon na pwede mong pagsisihan.
Magulo ang utak ko noong hayskul kahit hanggang ngayon. Maaari mo itong maihalintulad sa
Ayos ng kwarto mo. Noong nasa ikalawang baitang ako sa mataas na paaralan, ginusto kong maging nurse.
Ayun din ang sinuhestiyon ng nanay ko dahil maganda raw ang damit ng mga nurse ngunit sinupla ko
‘yon at sinabing “DI KO KAYANG MAGLAKAD habang MADAMING TILAMSIK NG PUTIK SA pwitan ko.” Hindi ko alam pero nandidiri ako sa sobarang puting damit. Pakiramdam ko eh hindi ako makakahinga at makakagalaw kapag puting-puti ang suot ko. At ayokong mamatay sa suffocation.
Dahil magtatapos na ang taon at kailangan kong bisitahin ang posibleng tahanan ko sa kolehiyo,
Sumama ako sa klasmeyt ko sa pagkuha ng entrance exams sa isang kilalang unibersidad kung saan nag-taping ang “1 More Chance.” Nursing at Fine Arts ang kursong napili kong ilagay. Malawak at mukhang mabango ang paligid ng skul pero walang tatalo sa amoy ng mga estudyante at tao rito--amoy pera. Inamoy ko ang sarili ko at nadismayang malapit na akong mag-amoy tinapay—putok.
Magdadalawang oras ng napapanis ang laway ko nang makakita ako ng 2 babaeng naliligaw. Napag-usapan ang CAT. Nakita kasi namin ang mga kadete sa malawak na field. Nagpayabangan sila kung anong mga ranggo ang meron sila.
“Nag-COCC ka ba?”
“Oo. Ex-O nga ako eh.(Hindi mo na itatanong)”
Silang dalawa ‘yun, ayokong sumingit.
“Ang galing mo naman!(Pero mas magaling ako.)”
“Ikaw? May ranggo ka ba?(hehe.)”
“Captain.(Kala mo ha!)”
Napansin ata nilang katabi ko lang sila at nananahimik lang ako habang nginangatngat ang kuko ko.
“Ikaw? Nag-COCC ka rin ba?(Kunwari interesado)”
“Oo, ansaya nga eh.(Masaya talaga, pramis.)”
“May ranggo ka ba?(Chura.)”
“Oo. (Chura mo rin.)”
“ANO?( tagal.)”
:”MS5.”
“Ano ‘yun?(Never Heard!)”
“Major Sierra 5. (Bukas luluhod ang mga TALA!)”
“MAJOR ka pala! Galing mu naman!(Tablado pero di pinahalata.)”
“Hehe.(Ako ang nagwagi.)”
Nagkahiwalay kami at nalimutan ko na kung sino sila pero maswerte dahil naisama ko sila sa librong ito.
Noong bata pa ako, ginusto ko namang maging abogado at mag-aral sa UP. Ang sabi ng nanay ko ay galingan ko raw dahil matatalino ang mga nag-aaral sa UP at pwede akong makakuha ng scholarship.
Nagningning pa ata ang mga mata ko noon na sinabi kong, “Sige, Ma! Makapasa kaya ako run?”
Sa awa ng Diyos, hindi ako nakapag-take ng exams dahil sa late ang mga requirements ko.
Bago ang graduation, may mga pumuntang speaker sa school para ibenta ang mga eskwelahang pinagtatrabahuhan nila. SUPER SALES TALK. At nakumbinse akong kumuha ng Psychology at gusto kong mag master ng pagbubukas ng THIRD_EYE at kausapin ang mga espiritu tuloy sa pagdiskubre ng PARANORMAL ACTIVITIES. Walang nakakaalam noon bukod sa inyo. Sinabi ko sa nanay ko ang Psychology at sabihan akong, “Tumigil ka. Masisiraan ka ng bait doon.” Hindi ako naniwala sapagkat kahit hindi ako nag-Psychology ngayon, hindi naman siguro halata.
Marso na ng napagtanto kong gusto kong mag-aral sa Maynila at makigulo sa mga estudyante ng isa sa mga sikat at may makatarungang matrikulang unibersidad sa Pilipinas, ang PUP. Kinuha ko ang kursong bagay sa ugali ko, Masscom. Umabsent kami ng mga klasmeyt ko, at noong araw na iyon, kame lang talaga ang absent sa klasrum. Nanadya ata ang iba kong klasmeyt.
Madali lang ang naging daloy ng lahat at naiskedyul kame sa isang pagsusulit. 40,000 ang kumuha ng eksam, 8000 lang ang kukunin. Pumorma ako sa araw ng eksams at pinagod ko ang ilong ko sa pamamagitan ng pagsusuot ng shades. 40% ang magaganda at 10% mula ulo mukhang paa samantalang 45% ang mga guwapong pumapatol sa bading at 5% ang ayaw umamin. Natapos ko ang eksam at nakipagkwentuhan sa proctor. Nag-iwan ako ng quadratic formula sa scratch paper upang magpatunay na nagsolb ako kahit hindi naman talaga kailangan ng formula. Natapos ang araw at naimagine ko ang sarili ko sa TV na pumapalit sa isang sikat na newscaster.
Summer. Mainit ang panahon at mainit din ang ulo ko. Hindi ko matanggap ang nangyaring trahedyang hindi ko inasahan dahil sa nasobrahan ako sa FAITH
(alternative term sa yabang ‘pag humble). Hindi ako pumasa sa PUP at swerte ang mga bad boys ng klasrum na siyang nagdiwang sa pagkakapasa ng eksam. Pakiramdam ko gumaan ang ulo ko dahil wala itong utak. Hallow. Sumabay pa ang sulat galing s pinakamatandang unibersidad ng Pilipinas. Hindi ko naipasa ang dalawang kursong kinuha ko. Naging itim ang nursing uniform, napipi ang newscaster at namanhid ang mga kamay ko sa pagguhit. Lumipad ang ulo ko sa sobrang gaan at pumasok ako sa paaralang di na kailangan ng entrance eksam bitbit ang duguang puso sa kursong isiniksik ko sa aking sistema: Bachelor of Science in Accountancy.