Saturday, June 11, 2011

GUSTO KO LAMANG SA BUHAY

Sinong nakakaalam ng kantang 'to?
GUSTO KO LAMANG SA BUHAY by Itchyworms.
Subukan nyong pakinggan. :)


Sa madalas na pag-iisa ko sa apartment at sa kahirapang makakuha ng tulog sa araw-araw, marami akong naiisip isulat pero lahat nasa isip ko lang. Wala akong maisulat na maganda... hinde ko pa nga naitutuloy ang "Si Jollibee, si Dee at ang Mahiwagang Palabok."


Ang gusto ko lamang sa buhay sa mga oras na ito ay makagawa ng isang magandang sanaysay na kung saan pwede kong ilabas lahat ng gusto ko sabihin sa isang maikling pagkukuwento.
*Gusto ko lamang sa buhay makinig ng musika habang nakahiga sa aking kutson. (Oo, kutson dahil wala akong kama sa apartment.)


Ang Eksena:


Traffic sa labas. Basa ang suot mong medyas, siksikan sa MRT,walang masakyan at maulan--wala kang payong.


Gusto mong magrelaks?
*Gusto ko lamang sa buhay ay matulog ng 1 minuto sa oras ng trabaho. (pwede ring 1 hour,hihi.)


Kung panggabi ang pasok mo, malaking bagay 'to sa'yo. At lalong hinde ito imposible.


Ang Eksena:


Wala kang tulog dahil gumimik ka kaninang umaga--niyaya ka ng mga kaibigan mong tatlong beses mo lang makita sa loob ng isang taon at hinde mo ito matanggihan.Lumulutang ang isip mo, iba ang sinasabi mo kesa sa iniisip mo.
Hinde ka makatulog sa bahay.Parang may sariling utak ang katawan mo at namimili ng tutulugan - station mo.
Mainit ang hangin, nagigising kang parang basang sisiw.


Bukas? Tambak ka sa pagrerebisa ng gawa mo sa trabaho.
*Gusto ko lamang sa buhay ay jumebs sa pinakamalapit na CR.


Ito ang hobby ko.


Ang Eksena:


Kanina mo pa ito dinadala habang pinagpapawisan ka -- nang MALAMIG.
Tumatayo ang mga balahibo mo sa katawan, mabilis ka maglakad, minsan babagal (para umutot).
May tumawag sa'yo sumenyas ka lang na ikaw lang ang nakaintindi, naglakad ka ulit habang palingon lingon...
Nagdadasal ka... napapamura ka na... "HOLD IT.HOLD IT"
*Gusto ko lamang sa buhay ay uminom ng malamig na tubig nang nakapikit.
Lahat ng bagay, kapag ginawa mo ng nakapikit, MASARAP tulad ng pag-iom ng tubig na malamig.


Magbibigay pa ba ako ng eksena?
*Gusto ko lamang sa buhay ay umiyak kapag hinde na ako maiyak.


Kadalasan hindi ko magawang umiyak kahit gusto ko. Aminin mo, nangyayari rin ito sa'yo.


Ang Eksena:


Parang lolokohin mo lang ang sarili mo na maiyak ka na together with the sad face pero wala pa rin. Manunuod ka na lang ng pelikula ni AGA at ANGEL o ni JOHN LLOYD at BEA, VILMA at CHRISTOPHER... 'Yung mga alam mong korni para siguradiong may drama. Tapos matutulog ka na yakap ang unan, gagayahin mo kung paano naiyak 'yung bida sa pelikula.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makita ang PABORITO kong ARTISTA - Cristine Reyes.


Sino bang hindi? CHOOSY KA PA TEH!


Ang Eksena:


Naglalakad ka lang sa mall habang nakatingin ka sa malayo tapos biglang titigil ang mundo, dadaan siya sa harap mo pero normal kunwari ang reaksyon mo dahil sosyal ang mall na ito kung saan hindi pinapansin ang mga artista. Pag nakalagpas na siya, para kang pitpit na luya. Ipapakalat mo sa unlitext na nakita mo ang paborito mong artista at sasabihin mo kung gaano siya kaganda o kagwapo habang hinde ka pa rin makarecover. Nangyayari ito pagkalagpas na pagkalagpas ng paborito mong artista sa'yo.


Kung ako ito? Lalapitan ko na agad si Cristine Reyes tsaka magpapapicture! Da hell with the 'sosyal mall' effect!
*Gusto ko lamang sa buhay ay kumanta ng kumanta!
Bukod sa pagjebs, A-list ko ang pagkanta.


Ang Eksena:


May libreng videoke, binyagan o may okasyon. Kukunin mo ang songbook at hahanapin ang kantang mastered mo na para maganda ang epekto ng boses mo, hinde ka na mapipigilan sa pagsabog ng talent mong ikaw lang ang nakakaappreciate. Pero 30 minutes ago, hinde ka raw interesado kumanta --- malat ka raw, hinde ka raw marunong.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpamasahe ng likod.


Karamihan, matatanda ang makakintindi sa akin dito.


Ang Eksena:


Papasok ka ng room, nakatapis lang ng tuwalya. Gusto mo ng makatulog sa sarap ng masahe peor naalala mong marami kayo sa isang room at hindi hiwalay ang babae sa lalake, kurtina lang ang divider - si kuya nakakadiri ang tingin sa'yo. Pipikit ka na lang at iisiping gusto mong mabuhay - nang walang bahid dungis!


Moral Lesson: Huwag magitpid. Pumunta sa cheap na massage parlor.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may maisagot sa exams - ACCOUNTING.


Hinde na ako studyante pero ito ang kadalasang gusto ko noon.


Ang Eksena:


Kung chiks lang ang test paper, tunaw na ito kakatitig mo. Ang scratch paper mo puro sulat ng kung anu-anong bagay na iginuguhit lang na kamay mong walang magawa. The worst, wala kang scratch paper - me dingding at desk naman.
Masakit na ang pwet mo sa tatlong oras na exams, hinde ka magaling magpanggap na hinde ka tulog, 'yung calculator nasa bag mo imbes na gamit mo pala. Antagal ipasa ng kodigo, may nagtext sa'yo - napangiti ka. Ayun na pala ang sagot ng katabi mo.


Sa huli, may nagawa kang storya na ipinost mo sa net - BACHELOR OF SCIENCE in ACCOUNTANCY
*Gusto ko lamang sa buhay ay tumugtog ng gitara kapag brown out.


Madalas ko ito gawin sa amin dahil madalas dun magbrown out.


Ang Eksena:


Madilim, tahimik, may mga kuliglig at masarap pakinggan ang tunog ng pagtipa mo ng gitara. Ayos na sana ang lahat at pakiramdam mo nakikinig ang mga kapit-bahay sa'yo dahil walang maingay nang biglang nagkamali ka ng chords at pag-strum. Inulit mo pero ayaw dumiin ng daliri mo, antigas ng string! Sa isip mo, "hmp, iba na nga lang! Yung mas madali.Hehe."
*Gusto ko lamang sa buhay ay maglakad kasama ka.


Uuy, ang cheesy.


Ang Eksena:


Kunwari nagtitipid ka at niyaya mo na lang siya maglakad pero ang totoo, wala kang pera. Bawat hakbang, dasal mong sana malayo pa kayo sa patutuguhan, na sana lumakas ang ulan at mastranded kayo. Di bale ng sira ang sapatos mo, makapal naman ang kalyo mo sa paa. Di bale ng sumakit ang binti mo, wag lang ang sa kanya. Di bale ng hatinggabi na, amoy ka pa rin naman. Naka-ilang kilometro na kayo, wala ka man lang nasabi.Ang sounds na nakagawa mo lang eh ang tunog ng sapatos mo habang naglalakad. Aw.
*Gusto ko lamang sa buhay ay may makausap nang matino sa oras na ako'y matino.


ABNORMAL?


Ang Eksena:


Normal ang lahat. Walang gulo, walang bago - in short, BORING ng araw na iyon. Ilang oras ka ng naghihintay na may magtext, na expire lang ang unlimited text registration mo. Balita ang palabas sa tv, napanuod mo na lahat ng DVD, sira ang radyo. Tumatatak sa isip mo ang salitang "LOSER" at "FAIL". Ikaw na, daig mo pa ang nagcast-away.
*Gusto ko lamang sa buhay ay magpahinga pa ulet.


Bawal? Krimen? Nangyayari kapag hinde pa sapat ang tulog ko.


Ang Eksena:


Dalawang araw na ang off mo pero parang kalahating araw pa lang. Gusto mo pang matulog, matulog, matulog at isa pang tulog. Papasok ka na mamaya, ayaw mong isipin...


*Sana hinde ko friend sa facebook ang boss ko.haha.
*Gusto ko lamang sa buhay ay makarating sa ibang bansa.


Ako na ang suwail sa Inang Bayan.


Ang Eksena:


Nakakuha ka na rin ng passport pagkatapos ng mahabang araw at pagpila mo sa CLAIMING AREA. Bukod pa ito sa oras na ginugol mo sa pagapply online at pagpila ulit para sa PROFILE INTERVIEW. Nararamdaman mo na ang snow sa ALASKA, natitikman mo na ang BIG APPLE ng NEW YORK at gatas ng NEW ZEALAND. Dumikit sa'yo ang BAWANG ng UAE, nakita mo na sa isip si JOHNNY DEPP ng HOLLYWOOD, nag animal feed ka na sa SAFARI ng AFRICA, Nilangoy mo na ang ANTARTIC OCEAN, napanuod mo ng live ang 2NE1, Wonder Girls at TVQX ng Korea, Nai-date mo na si MARIA OSAWA ng JAPAN. Bigla ka lang magigising na nasa computer ka lang at nakatulog sa apartment habang ang homepage mo eh JOBSTREET.
*Gusto ko lamang sa buhay ay YAKAPIN MO AKO.


Ayun lang naman talaga ang gusto ko. Sabi nga sa kanta ng itchyworms, "Hinde naman ako milyonaryo, BASTA araw-araw yakap mo 'ko, FEELING KO-- ang yaman yaman KO!"


Iba talaga kapag may yumayakap sa'yo - syempre kilala mo. Healthy sa isip, sa puso at sa emosyon.


Ang Eksena:


Antagal-tagal mong naghintay. Umiiyak ka lang nang mag-isa, katabi mo lang siya pero parang anlayo nyo pa rin.
Nanalo ang team nyo sa game, hinde nyo inasahan. Sumisigaw lahat ng tao - WOOOH!
Galit ka sa magulang mo, umalis ka ng bahay, matagal bago ka nagdesisyon nang isang araw umuwi ka...
Ayaw mo pang maging ina, pero nung ipinanganak mo na siya...
Mayabang kang boyfriend, tiwala kang hinde ka nya kayang ipagpalit. Bigla na lang sinabi nyang ayaw na nya, naiyak ka sa sobrang sakit.
Pagod ka na ng magtrabaho pero hindi ka parin pwedeng tumigil,naiisip mo ang pamilya mo.
Gusto mo ng matulog...
Pagod ka na sa problema ng mundo, asau na lahat ng kamalasan, wala kang asenso.. pero masyado ka lang ma-emo hinde naman pala totoo.

*YAKAPIN MO AKO, Feeling ko ang yaman-yaman ko.^^


No comments:

Post a Comment