AJ PEREZ is dead - YAHOO!
Adik 'tong Yahoo.
Nagulat ako nung nabasa ko sa yahoo news na patay na pala si AJ
Perez. Last time na nakita ko siya eh kahapon. Binigyan kasi ako
ni MIRAI, tropa ko, ng mini mag na andun ung mga model ng
BENCH. Napatitig pa nga ako kay AJ PEREZ dahil sabi ko sa isip ko:
AJ Perez pala ang pangalan nitong batang 'to na parang soshyal
magshalita? na hinde marunong umarte... (pasintabi po sa mga
tagahanga nya, ito'y ayon lamang sa obserbasyon ko). Bata pa,
no? 18 lang siya...
Anu bang ginagawa ko nung 18 years old ako?
Nag debut celebration? HINDE.
Hinde ko na matandaan bukod sa natuwa ako sa karanasang
unang bumoto.
"On the way home already from Dagupan.Long drive ahead..
Thanks to everybody who watched..."--AJ PEREZ last tweet.
Thanks to everybody who watched..."--AJ PEREZ last tweet.
Ako kaya? Anung last word o words ko bago ako mamatay?
Siguro...
Uhm..
Pwede rin naman palang mamatay ng walang sinasabi.hehe.
“Hindi ako naniniwala…Putang…anong karapatan mong sabihin
sa akin yan?! Diyos ka ba?! Ikaw ba na nagbigay ng buhay sa
akin?! Sino ka ba?...Akala mo alam n’yo nang lahat ayoko nito!
Akala mo alam n’yong lahat hah..Ayoko nito…ayoko nito..ayoko
pang mamatay!...anong mangyayari sa mga anak ko…mga putang
ina n’yo…ayoko nito!” – Dolzura Cortez
Pwede rin naman palang mamatay ng walang sinasabi.hehe.
“Hindi ako naniniwala…Putang…anong karapatan mong sabihin
sa akin yan?! Diyos ka ba?! Ikaw ba na nagbigay ng buhay sa
akin?! Sino ka ba?...Akala mo alam n’yo nang lahat ayoko nito!
Akala mo alam n’yong lahat hah..Ayoko nito…ayoko nito..ayoko
pang mamatay!...anong mangyayari sa mga anak ko…mga putang
ina n’yo…ayoko nito!” – Dolzura Cortez
Marami sa atin ngayon ang hinde nakakakilala kay Dolzura
Cortez dahil unang-una, hinde natin siya naabutan. Mga
kapanahunan siguro siya ng panganay na anak na lolo at lola
natin. Nakilala siya dahil namatay siya sa sikat na sakit - AIDS.
Siya rin ang kauna-unahang filipinang umamin sa publiko na
tinamaan siya ng bayrus nito- ,HIV.
Kung si AJ, medyo marami ang nakaalam na namatay na siya,
dahil sikat o papasikat pa lang siya, si Dolzura naman, namatay
dahil dala niya ang kasikatan ng sakit nya.Hinde ko pa sinama
ang internet na siyang dahilan kung bakit nalaman kong patay na
nga si AJ. Grabe no?
Hinde ko rin kilala si Dolzura. Napanuod ko lang kasi 'yung cd na
may pamagat na "DAHIL MAHAL KITA" starring VILMA SANTOS at
CHRISTOPHER DE LEON. Wala pa kasing pirated DVD na nabili at
nakakabagot sa apartment eh nakita ni MIRAI 'yung lumang CD,
pinagtyagaan ko na. Doon ko nalaman 'yung storya ni Dolzura
kahit na nung bata pa ako, me natatandaan kong napanuod ko na
siya sa BETAMAX.
Hinde ko alam kung ano ang last words nya, pero sabi nung
baklang workmate ko, eto raw un:
"Ansarap mabuhay..."
Tapos namatay na siya.
Ang Hanson na sinasabi ko sa pamagat ay ang aso namin. Si
Hanson ang naalala na kasabay ko lumaki.'Yun nga lang... tao
ako.hihi.
Pinapainom ko pa siya ng gatas naalala ko. Maitim ang mga
balahibo niya sa buong katawan at sa bandang leeg, may mga
puti. So, cute siya bilang aso.Namatay siya pagkatapos
mapanaginipan ni Mama na namatay raw ako. Sabi ni Mama,
sinagip daw ni Hanson ang buhay ko. Hinde ko alam kung
maniniwala ako pero siguro...
kung ako ang nasa kalagayan ni Hanson bago siya mamatay, ang
last words ko siguro eh..
"ARF..ARF..ERrrAaaaPppp, hirrrRRaaaAAaaPppppffF!"
Nilibing siya sa likod bahay namin. At hinde tulad nina AJ Perez
at Dolzura, kami lang sa pamilya o hinde pa nga lahat nakaalam
na patay na pala si Hanson. Kasi, nasa ibang lugar ang iba kong
kapatid nung nangyari 'yun.
Isa sa pa sa mga naalala ko nung bata ako eh si MANANG ITRING.
mga 3'9" lang yata ang height nya at kulay kape ang balat nya.
Laging nakapusod ang buhok nya na tulad ng mga titser at meron
siyang kulay brown na yosi sa bibig. ('Yung nababaligtad na yosi)
Isang beses nakita ko siyang nakalugay, kulang na lang ang walis
tingting at ang tawang,"Hee-hee-hee!" Nakakatakot para sakin
kasi nga bata ako at matanda na siya. At alam ko, nung bata pa
lang ako, mapanlait na ako.
Nagpapataya siya ng jueteng sa amin tuwing umaga. At lagi
akong tinatawag ng tatay ko para humingi ng numero.
(Naniniwala ang mga matatanda na kapag bata, swerte sa
pagbigay ng numero.) Isang beses lang nangyari na tinanong ako
ng tatay ko tungkol sa numero at hinde na naulit. Dahil siguro sa
sagot ko.
"Anung tatayaan natin?" Sabi ng tatay ko habang hawak ang
bolpen at papel ni Manang Itring.
"DYIS!" sabi ko.
"O cge, dyis. Anu pa? Dalawa ang kailangan natin para tumama,
kulang pa ng isa.."
kulang pa ng isa.."
"Uh..."
"Uh..."
"Uh..."
"Uh..."
"Uh..."
"ISDA!" Sabi kong tuwang tuwa na parang me umilaw na
bumbilya sa ulo ko.
Matagal kong pinagisipan ang isda. Ang naalala ko kung bakit
isda ang nasabi ko eh dahil 'yun ang makikita sa LIKOD ng DYIS
SENTIMO ('Yung gray na parang white na magaan na si Andres
Bonifacio ata 'yung nakadrawing tapos sa likod eh Pandaca
Pygmaea.)
Mabait si Manang Itring. Nakangiti siya lagi kaya hinde naman
talaga siya nakakatakot, mapanlait lang talaga ako. Nagtaka ako
kung bakit hinde na siya nagpapataya ng jueteng, hanggang sa
nalaman kong patay na nga siya. Hinde pa nga pumasok ang kuya
ko sa trabaho at ginawang dahilan ang pagkamatay niya dahil
nagtotong-it kame sa bahay at tinamad na siya.
Di tulad ni Hanson, halos buong barrio namen ay nakaalam na
patay na si Manang Itring. Siguro dahil isa siya sa pinakamatanda
sa lugar namin. Sa dami pa namang ng nalibot nya kapapataya ng
jueteng, sinong hinde makakakilala kay Manang Itring?
Ang galing no? Iba't ibang kamatayan. Ibat'-ibang dahilan. Iba't-
ibang salita,iba't-ibang diwa. Sikat man sila o hinde, lahat sila
ay pumanaw na. Pero naaalala at maalala mo pa rin sila. Siguro
sa kung paano sila nagkaroon ng kaunting alaala sa buhay mo o
kung kahit sa isang saglit, napansin mo sila. Paano pa kaya ang
taong laging mong kasama? Ang lagi mong kayakap? Ka-holding
hands? Paano 'pag namatay sila? Ilang beses mo silang maalala?
Ang tao nga pumupunta sa patay para makiramay kahit hinde
nila kilala. Maaring para sa kape, maaring para sa biskwit o
sopas lang kaya pumunta, eh paano pa kaya kapag ikaw ang
namatayan? MASAKIT, diba?
Hinde ko alam kung paanong pakiramay ang dapat gawin dahil
hinde pa ako namatayan ng taong sobrang malapit sa akin.Pero
sana kung ako ang mamatay, pakiramayan po ng tunay ang mga
taong sobrang malalapit sa akin.
No comments:
Post a Comment